Nandito na ako sa kotse ni Connor at kanina pa siya lingon ng lingon saakin pero wala namang lumalabas sa bibig niya kaya hindi ko na napigilang tanungin siya.
"Bakit ba kanina ka pa tingin ng tingin?"
"Uhmm.. nothing." pilit niyang itago ang ngiti sa pamamagitan ng pag kagat sa labi niya. Niliko na niya ang kotse at pinark ang kotse niya sa personal parking niya dito sa university.
Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Thanks." sabi ko at nauna ng maglakad. Naramdaman ko namang nakasunod lang siya sakin. Habang naglalakad ako ay napapansin ko ang tingin sakin ng ibang tao. May nakabangga pa nga saking dalawang babae na naguusap, buti nalang nasalo ako ni Connor kundi baka nahulog na ako.
"Kawawa sila Mandy." sabi ng isa
"Oo nga eh. Tara, panoorin natin." sagot nung isa.
Sa pagkakatanda ko, Mandy ang pangalan nung babae kahapon na--- Shit! Nag sink in sakin ang mga narinig ko at ang weird gestures ni Connor kanina kaya napatingin ako sakanya ng masama.
"What did you do?" sumisipol pa siya habang ako, masama ang tingin sakanya.
"Huh? Nothing.." namulsa pa siya at sumandal sa dingding sa gilid niya.
"Felix." tawag ko sa second name niya.
"You know, I find it sexy when you call me by my second name. And I also like the way you look at me when you're pissed. But on the other hand, i don't like the way how you treat me when your mad so I'll tell the truth." umayos ito ng tayo at sinuklay ang sariling buhok gamit ang kanyang mahahabang daliri. Ang gwapo shet! Pero hindi ako bibigay, galit ako. "I gave Mandy and her friends a punishment. Also the ones who watched."
"Ano?! Bakit mo ginawa yun?" gulat kong tanong.
"Are you seriously asking me that?" inirapan niya ako at nilagpasan na papunta sa dereksyon ng office niya dito sa university. I scoffed.
Inirapan ko din siya kahit na nakatalikod na siya at tinignan ang dalawang babaeng narinig kong nausap kanina na hindi pa nakakalayo.
Nakita ko silang pumasok sa covered court kaya sinundan ko sila dun. Pagkapasok ko ay maingay at puro tawa ang naririnig ko.
Nakisiksik ako at nanlaki ang mata ko nang makita ang ginagawa ng tatlong babaeng nanakit saakin kahapon.
Iniikot nila ang buong court habang tumatakbo. Lahat sila ay umiiyak na, base sa itsura nila malamang ay kanina pa sila tumatakbo diyan. Basa din sila at may nakasabit na karatola sakanila.
'Bitch' 'Slut' 'Social Climber'
Ilan lang yan sa mga nakikita kong nakasulat sa karatola, at mukhang iba't ibang tao ang nagsulat nito, malamang ay ang mga estudyante na may ayaw sakanila.
Oo, naiinis ako sakanila. Galit ako, pero hindi ko naman gugustihing gumanti ako ng ganito.
Napatingin naman ako sa bandang bleachers at maraming tao ang ang nandoon na nakaluhod habang may maliliit na munggo sa niluluhura nila. Marahil ito ang mga nanood. Hay nako Connor!
Napailing ako at kinuha ang phone ko sa bulsa ko at tinawagan si Connor. Mabilis naman niya itong nasagot.
"Hey." bati niya
"Ano 'tong ginawa mo?!" naiinis kong sabi.
"You should be thanking me--"
"Thanking you?! G*go ka ba?! Halika dito!"
"Inuutusan mo ba ako?" naiinis din niyang tanong.
"Oo. Pumunta ka dito, Connor Felix! Tigil tigilan mo 'tong pinapagawa mo dito."
"Hey hey woman! You're not the boss of me!"
"Oh really?" panunuya ko. Matagal tagal bago siya sumagot at napangiti ako nang marinig kong nagmura na siya ng mahina. I know, i'm winning.
"Fine!" binaba na niya ang tawag. Ako naman ay hindi mapakali at nagapalinga linga. Nang mapa tingin ako sa kanan ay nakita ko doon ang isang matandang lalaki na nag mamasid lang.
"Kuya." tawag ko dito. Lumingon ito sakin at bahagya pang nagulat nang mkita ako.
"Po?"
"Ikaw ba ang pinagbantay dito ni Connor?" tanong ko.
"Opo ma'am"
"Patigilin mo na yung tatlo." sabi ko sakanya. Alanganin naman siyang tumingin sakin at medyo lumayo.
"Nako ma'am Danica, p-pasensya na. Sabi ni Sir Connor, siya lang daw ang masusunod kung kailan titigil ang tatlo."
"Kaya nga po, pinapunta ko na siya dito kaya patigilin mo na yan."
"Hindi po talaga--" bago pa matuloy ni manong ang sasabihin niya nang may magsalita na sa likod ko.
"She's an exception. Sige na manong, patigilin mo na yang tatlo." si Connor!
Humalukipkip ako at tinignan siya ng masama.
"Ano 'to?" minuwstra ko pa yung kamay ko sa court pero nakatingin parin sakanya.
"A covered court?" nakangisi niyang sabi pero hindi ako natinag, masama parin ang tingin ko sakanya.
"Nakikipagbiruan ako?" tinaas ko pa ang kilay ko.
"Okay fine. What do you want me to do? Sinaktan ka nila! How can you be so nice to the people who hurt you? Physically!" diin at naiinis niyang tanong. Hindi ko na siya nasagot dahil sumulpot ang tatlong babae sa gilid namin.
"We're very sorry, Danica." panimula ni Mandy.
"Okay na yun. Wag niyo nalang sana ulitin lalo na sa ibang tao." sagot ko.
"What the f*ck!?" mura nitong hinayupak na nasa tabi ko kaya sinamaan ko ulit siya.
"Manahimik ka diyan." inirapan ko siya at nanahimik naman siya pero masama parin ang mood. Hinarap ko naman ang tatlo.
"Sige na, magpalit na kayo. Baka malate kayo sa klase niyo." sabay sabay silang tumango at lumabas na dito sa court. Doon ko lang napansin na kaming dalawa nalang ni Connor ang nandito.
"Ikaw naman." turo ko sakanya. "Pumunta ka na sa office mo." nilagpasan ko siya at naramdaman ko namang nakasunod siya.
"Pasalamat ka talaga.." yan ang huli kong narinig bago ako lumiko papunta sa building ko.
...
"HOY girl! Hindi ka na nag kwento!" biglang sulpot ni Jana sa gilid ko. Nasa canteen ako ngayon. "Ano 'yung kumakalat kanina na inaway mo dawsi Mr. Montecillo?"
"Hindi ko siya inaway. Pinag sabihan ko lang about dun sa ginawa niya kanila Mandy." sagot ko.
"Speaking of Mandy." biglang nag transform ang expression ng mukha niya to naiinis na expression. "Iyong babaeng iyon! Pag nakita ko iyon di ako mag dadalawang isip na tanggalan siya ng buhok sa kilay."
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Hayaan mo na iyong mga 'yun."
"Anong hayaan? Girl! Masyado kang mabait!" inirapan niya ako at kumuha ng isang pirasong fries sa fries na binili ko.
Nag ring na ang bell at sabay na kaming pumunta sa next class namin dahil pareho naman na kami ng sched hanggang mamaya.
"Ano ba yan! Bitin 'tong pag uusap natin! Mamaya magkwento ka ha. May nakakita sayo na pinasakay ni Sir Connor sa kotse niya kahapon." natawa nalang ako sa pinag sasabi niya at hindi na nagulat na may nakakita samin kahapon.