Seventeen

34 1 1
                                    

Isa't kalahating buwan na mula nang simulan akong ligawan ni Connor. Hindi naging madali. Madaming humuhusga sakin, sa namamagitan samin. Madami akong naririnig na masasakit na salita mula sa mga tao sa paligid ko.

Hiniling ko din kay Connor na bawasan namin ang masyadong pag sasama pag nasa loob kami ng campus, kahit alam kong ayaw niya ay pumayag parin siya. Hindi nga rin naman kasi maganda tignan, school director siya at ako ay estudyante. Marami naring articles na lumalabas tungkol sa kung anong meron samin, pero naging tahimik lang kami. Minsan ay may nakikita pa akong mga kumukuha ng litrato pag sinusundo ako ni Connor at kinahapunan ay may lalabas nanamang article.

"Baby." pukaw ni Connor sa atensyon ko. Tinignan ko lang siya at hinintay ang sasabihin niya. "We're here." natatawa niyang sabi.

Napatingin ako sa bintana at nakita kong nasa tapat na pala kami back gate ng university kung saan niya ako laging binababa at sinusundo. "Oh sorry." natatawa ko ding sabi.

Tinanggal ko na ang seatbelt ko at hinapit naman ako ni Connor para halikan ang noo ko. "Bye. Take care. 4 pm?" tanong niya at tumango lang ako saka lumabas.

Naglalakad na ako sa corridor at naabutan kong hinihintay ako ni Jana sa labas ng classroom namin. Agad niya akong sinalubong nang makita niya ako.

"Kanina pa kita hinihintay. Si Sir John may biglaan performance task." si Sir John ang teacher namin sa P.E.

"Ano daw gagawin?" tanong ko habang nag aayos na kami sa girl's locker room.

"Gagawa daw tayong cheer dance. Exam daw natin, ipperform bago mag bakasyon." sagot niya.

"Ha? Eh less than two week nalang yun ah."

"Oo nga eh. Akala siguro ni sir mala-UP pepsquad tayo." natawa naman ako sa sinabi niya at sabay na kaming lumabas.

Pagkadating namin sa covered court ay kumpleto na sila at si sir nalang ang hinihinatay. Meron ding grupo ng mga lalaki na nanonood, sa tingin ko ay architecture students sila base sa uniform nila.

Sumali kami ni Jana sa mga kaklase kong nag sstretching. Hindi rin naman nag tagal ay dumating na si Sir John at inexplain na samin ang mga kailangan malaman about sa performance task.

"Nica, okay lang ba kung isa ka sa ihahagis?" tanong ni Henry, ang beki kong kaklase na choreographer namin.

"Sige." tumango sila at pinosition na niya kami. Pinractice namin ang ibang basic steps pati ang tumbling ng iba.

"Guys!" sigaw ni Henry para kunin ang atensyon namin. "Pahinga muna!"

Pumunta ako sa bleachers kung nasaan ang gamit ko at uminom. Habang umiinom ay kinuha ko ang phone ko at nagulat ako sa dami ng text ni Connor.

From: Connor
  Hey baby!!!

  I miss you

  What are you doing?

  Hey babe.

  Bakit hindi ka nag rereply?!

  Oh.. so you have practice for what? Dance?

MONTECILLO SERIES #1: Connor MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon