Five

87 0 1
                                    

"Nica! Mall tayo, dun na din tayo kumain" yaya ni Jana saakin nang tumawag siya. Dalawang buwan na ang lumipas balik eskwela na kami, Saturday lang ngayon kaya walang pasok.


"Huh? Wag na.. Nagtitipid ako" pag tanggi ko

"Dali na! Ililibre naman kita, binigyan ako ni Mommy ng pera, sabi niya mag treat daw ako kasi nakapasa si Kuya sa Harvard tapos nakapag-close din sila ng malaking deal kahapon" pagpapaliwanag niya

"Ahh sige" pagpayag ko na. Hindi ko mapipigilan mainggit sa buhay na meron si Jana. Alam kong masama ang mainggit at dapat magpasalamat nalang sa kung anong meron ako ngayon, pero di ko mapigilang naisin na dumating yung time na di na namin problema ang pera.

"Sunduin kita mamaya ha? Bye!!" at binaba na niya ang tawag.

------

PAGKATAPOS namin kumain ni Jana sa food court ay naglibot muna kami. Nandito kami ngayon sa national bookstore at siya ay tumitingin ng mga magazines. Ako naman tumitingin ng mga libro.

Nang wala akong nagustuhang libro ay lumipat ako sa kabilang rack at nakita kong puro pambatang libro na ito. At bigla kong naalala ang nakababata kong kapatid. Birthday na pala niya next month !

"Jana! Pwede ba akong pumunta muna sa department store? Malapit na birthday ni Sean. Wala pa akong regalo." Pagpapaalam ko kay Jana

"Sama ako, walang magandang magazine ngayon eh" at hinatak na niya ako palabas at dumeretso na kami sa department store.

Pumunta ako sa mga panlalaking damit at nakita kong sale at may buy one take one din kaya dun nalang ako namili sa buy one take one para mas tipid at dalawa pa ang mabibili ko.

"Para kanino yung bibilhin mo?" Biglang may sumulpot sa tabi ko at nakita kong si Steel iyon at nakita kong nasa likod niya si Connor na nagtetext kaya di niya siguro ako nakita.

"Para sa kapatid ko.. Malapit na kasi birthday niya" at nakita long napatingin saakin si Connor kaya bumalik nalang ako sa pagtingin ng damit.

"Nica, aalis--" napatigil si Jana sa sasabihin niya ng makita niya ang dalawang taong nasa likod ko "Oh gosh! Steel Montecillo!!" at mistulang kuminang ang mata niya ng makita niya ang katabi ko.

"Shit!" Napamura siya ng mapansing nag si lingunan ang mga tao. Oo nga pala! Model nga pala siya!! Jana talaga!

"Oh my! Sorry! Sorry Steel!! Uhmm.. Sige Nica.. Aalis na ako, si mommy minamadali na ako eh. Sorry talaga Steel" bahagya siyang yumuko at napansin kong malapit na ang mga tao saamin. May bigla namang lumapit saaming dalawang unipormadong lalaki at hinarangan ang mga tao

"Okay lang miss?" Bahagya syang tumigil at nais itanong ang pangalan ni Jana

"Jana"

"So miss Jana, hahatid nalang kita sa bahay niyo." yaya ni Steel kay Jana

"Hindi na, nandyan yung driver ko eh. Tsaka ako yung may atraso sayo." sabi ni Jana

"Edi hahatid nalang kita kung nasaan yung driver mo." baliwala nito sa huling sinabi ni Jana. Tumango nalang ito at nanguna pang maglakad at di rin nagtagal ay nawala na ang atensyon ng tao saamin at pinaalis na din ni Connor ang dalawang lalaking humarang sakanila kanina.

"Ikaw? Di ka pa aalis?" Tanong ni Connor sakin

"May bibilhin pa ko" at kinuha ko ang dalawang damit na natipuhan ko at humingi ng medium size sa sales lady.

Pumunta din ako sa mga section ng laruan. Kumuha din ako ng laruan na remote control na kotse.

"Here" binigay ni Connor ang isang card sa cashier ng magbabayad na dapat ako

"Ako na, Connor" kukuhanin ko na dapat yung card niya sa cashier at ibabalik sakanya ng harangan niya ang kamay ko kaya di ko na nakuha yung card.

"Dad owns this mall. Hindi ka rin niya sisingilin kahit anong gawin mo." malamig niyang sabi. Tumingin ako sa cashier na nakangiting tumango sakin bago ibigay kay Connor and black card niya.

"Huh? Andami niyo namang negosyo." at kinuha ko na ang plastic sa cashier pagkatapos mabayaran at nagpasalamat sa babae sa cashier na nakatitig kay Connor.

"Salamat ha?" Pagpapasalamat ko ng pagbuksan niya ako ng pinto ng makarating na kami sa apartment ko. Tumango lang siya bilang sagot. "Wag mo araw-arawin. Baka masanay ako" biro ko

"Wala naman akong balak itigil" seryoso niyang sabi at tinitigan ako. Di ko kinaya ang titig niya kaya umiwas nalang ako ng tingin

"Sige, pasok na ako.. Ingat po." Sabi ko at di na siya hinihintay mag salita at pumasok na sa loob.

Nang makapasok ako ay napasandal ako sa pinto. I unconsciously put my hands on my chest.

Calm down, heart. Hindi pwede. Hindi kayo pwede.

...

"HELLO Sean!" Bungad ko sa kapatid ko ng maisipan kong tawagan sila

"Ate, kamusta?" Masaya niyang bungad.

"Okay lang, kayo?"

"Okay lang din" napangiti naman ako ng marinig ko sila nanay na sinasabing i-loudspeaker ang cellphone.

"Uuwi ako diyan bago ka magbirthday" pagbibigay alam ko sakanila.

"Talaga nak? Sige! Miss na miss ka na namin!" Sagot ni nanay.

"Opo.. Ahh sige na po, mahal po itong tawag ko eh" kahit labag sa loob ko ay kailangan ko na putulin ang linya dahil baka maubos agad ang load ko.

"Sige anak.. Ingat ka diyan!" "Bye ate!" Paalam nila at tuluyan ng naputol ang linya.

Ako naman ay bumaba na at nakasalubong ko si Mimi.

"Ate! Halika po! Tulungan mo si nanay. Nagluluto po siya" hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako pababa.

"Dahan dahan lang Mimi" sabi ko sakanya.

Pagkababa namin ay nakita ko ang iba kong kasama na nasa sala. Pagkadating naman namin sa kusina ay naabutan kong naghihiwa si Ate Lalaine.

"Hello Ate Lalaine! Ano pong niluluto niyo?" tanong ko. Bumitaw naman sakin si Mimi at umupo sa isang upuan para panoodin kami.

"Kaldereta" sagot niya.

"Sige, tulungan na po kita. Ako na po maghihiwa sa baka" kinuha ko naman ang isa pang chopping board at kutsilyo, pati narin ang baka na nasa strainer.

Patapos na ako maghiwa nang tumunog ang phone ko. Tinapos ko nalang muna ang paghihiwa pero nawala na ang tumatawag kaya sinalang ko na ang baka para lumambot na.

Nag ring nanaman ang phone ko kaya kinuha ko na ito sa bulsa ko pagkatapos kong magpunas ng kamay. Sinagot ko nalang ito ng hindi tinitignan ang caller.

"Why the fuck aren't you answering?!" bungad nito. Tinignan ko ang caller at nakumpirma ko ang nasa utak ko, si Connor.

"Sorry, nagluluto kasi ako." medyo matagal siyang hindi nakatagal kaya dinugtungan ko na ito "May kailangan ka po ba?"

"I just want to inform you that you'll be joining me tomorrow for an annual party gathering of some businessmen" nanlaki naman ang mata ko at sumenyas kay Ate Lalaine na lalayo muna ako.

"P-Po?" sabi ko pagkalayo ko.

"I'll pick you up tomorrow. 7pm." bago pa ako makasagot ay binabaan niya na ako.

MONTECILLO SERIES #1: Connor MontecilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon