Araw na ngayon ng birthday ni Sean. At tumutulong ako sa pag aayos ng bakuran namin. Pati si Connor ay nag aayos. Kakadating lang din niya galing sa hotel na tinutuluyan niya.
Maliit lang ang hotel na tinutuluyan niya kaya buti na tiis nitong lalaking 'to. Tsaka malapit lang din sa bahay namin iyon.
"Ako na dyan." kinuha ni Connor ang mga monoblocks na buhat ko. "Wag ka mag pagod. Puntahan mo nalang si Sean sa loob."
Tinignan ko muna siya at tumango nalang saka pumunta sa kwarto naming dalawa ni Sean. Nakita ko itong pinaglalaruan ang phone ni Connor.
"Bansot! Bat mo hawak yan? Balik mo yan kay Connor, baka masira mo yan. Wala akong pambayad." saway ko.
"Siya nag pahiram saakin, ate. Ang OA mo."
"Ewan ko sayo! Pag talaga nasira mo 'yan, sinasabi ko sayo. Ikaw ang ibabayad ko. Osiya, mag handa ka na nga at bababa ka na. May mga nag sisidatingan na din." tumango lang siya at ako naman ay bumaba nalang ulit para tulungan si nanay sa mga pagkain.
"Ako na dyan, nay." kinuha ko ang dala dala niyang tray ng lumpia at dinala na iyon sa labas.
"I told you sa taas ka nalang. Baka mapagod ka at di ka pa mag enjoy sa party ng kapatid mo." sabi ni Connor na palapit saakin.
"Bakit ba? Wala akong magawa." sabi ko. Bumuntong hininga nalang siya at pareho naming chineck kung kumpleto na ang mga kailangan. Nagulat pa ko nang may makitang lechon sa buffet table. Wala namang nasabing nag order sila nanay ng lechon.
Ilang minuto lang ay dumating na din ang mga bisita at ang mga entertainers. Nakatayo lang ako habang nag oobserve sa paligid, baka sakaling may kulang, gusto ko lang kasi ay maging perfect ang birthday ng kapatid ko. Minsan na nga lang ako makabalik dito kaya sisiguraduhin ko talagang magiging masaya 'to para sakanya.
"What are you doing here? You should enjoy." sulpot ni Connor sa gilid ko.
"I'm fine, binabantayan ko lang kasi baka may nakalimutan ako." sabi ko habang nakatingin sa magician sa harap.
"I kept checking on you, in case you don't know, hindi ka pa kumakain. Malapit na mag 2PM. Kumain ka na."
"Eh kasi—" sasabihin ko pa sana na babantayan ko pa ang party pero nagsalita si Connor.
"Wag na tumutol, baka kung ano pa mangyari sa'yo. Kain lang naman Danica. Ako kukuha ng pagkain mo gusto mo?" tanong ni Connor sa malumanay na boses. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa tono ng boses niya.
"Ahh.. H-Hindi na, ako nalang." sagot ko at lumayo na para kumuha ng pagkain, pero naramdaman kong nakasunod lang siya kaya hinayaan ko.
Pagkatapos ko kumain, which is hindi din ako nakapag concentrate kasi naman nakatitig lang sakin si Connor, saktong tinawag na ang pamilya ng birthday celebrant kaya pumunta na kaming tatlo nila tatay sa harap.
"May gusto ba kayong sabihin sa mga bisita?" tanong ng host at binigay ang mic kay nanay.
"Unang una po ay maraming salamat sa pagpunta sa munting selebrasyon ng kaarawan ng aking bunsong anak na si Sean. Kaming pamilya ay talagang natutuwa na makita kayong lahat dito. At sa aking panganay, maraming salamat anak dahil sa pag tulong saamin ng tatay mo, at sa pagluwas dito." ngumiti lang ako kay nanay sa sinabi niya "Maligayang maligayang kaarawan sayo anak, Sean. Sana'y mag tuloy tuloy na ang maganda mong ugali, ang pagiging masunurin. Mahal na mahal ka namin."
Binigay naman sakin ni Nanay ang mic "Ayun nga po, thank you very much sa pag punta. Sobrang naaapreciate po namin, sa mga nag regalo po sa kapatid ko, sa totoo lang po ay yan talaga ang hinihintay niya" tumawa ang mga tao at narinig ko pang sumigaw si Sean ng 'Ate!' "Bansot, happy happy birthday. Lagi mong tatandaan na love na love ka ni ate kahit malayo ako sainyo. Wag ka mag alala, pag dating ng araw isasama ko na kayo sa Maynila." napapalakpak si Sean sa tuwa dahil sa sinabi ko.