Chapter 3

669 12 0
                                    

Enjoy reading!
💗

- - - - - - - - - - - - -

It keeps on playing in my head.. Napahawak ako sa dibdib ko, did I just really felt that? Napailing ako sabay hawak sa ulo ko..

"There's no meaning behind it.. Sadyang nadala ka lang ng emosyon mo," Bulong ko sa sarili ko..

"Nasisiraan ka na ba ng ulo Gigi?" Napatingin ako sa driver's seat nang sabihin 'yon ni Kuya Ben.. "Dahil ba 'yan sa pinaglakad ka kanina?" Dugtong niya, I nearly smack my palm against my forehead but I was able to control not to..

"No, Kuya Ben.. Something just happened today, na nakasira lang po ng mood ko." Paliwanag ko, I heard him chuckle because of what I just said.. I tilted my head out of confusion, "What's funny? Kuya Ben," I softly asked,

"Alam mo gutom lang 'yan! Mapapawi ng meryenda ni Manang Belinda ang gutom na meron ka." Sabi niya, napatingin ako sa bintana nang maramdaman ko ang paghinto ng sasakyan.. "We're home!" Napangiti naman ako kay Kuya Ben..

"Opo baka nga gutom lang." Bigkas ko, natawa na lang siya.. Lumabas na ako ng sasakyan at naglakad papasok sa main door,

I do expect na makikita ko si mommy at daddy sa lounge doing their thing but... No they're not there,

"Gilliana! Kumusta ang school?" Salubong sa akin ni Manang Belinda,

"It's a mixture of good and not good, Manang Belinda.." I replied, she playfully tapped my shoulder..

"Change into something comfortable, ihahanda ko na ang meryenda mo." Nginitian ko si Manang Belinda at tumango.. I walk all the way to my room, medyo napagod ako sa pag akyat.. Because we do have this grand staircase, is it really required to high class people to have this kind of stair? Kasi kung ako magkakaroon ng bahay, pag iisipan ko pa if maglalagay ako ng ganito o hindi..




After changing, agad din naman akong bumaba at nag tungo sa dining area.. A smile formed into my face, when I saw Manang Belinda holding a bouquet of yellow tulips.. It's from daddy, he always gave me flowers.

"Para sa pinaka magandang dalaga ng mansion na ito," She said at inabot sa akin ang bouquet, kinuha ko naman at agad inamoy..

"I really love this flower." Bigkas ko, napangiti naman si Manang Belinda..

"Alam mo everytime na masisilayan kitang ngumiti nahahawa ako, sa ganda mo ba naman dumagdag pa 'yang dimples mo." Komento ni Manang Belinda, nilapag ko ang bouquet sa lamesa at agad na pumunta kay Manang sabay yakap sa kaniya..

"Salamat po Manang Belinda." Naramdaman ko naman ang pag haplos niya sa likod ko, Manang Belinda is like a family to me.. Bukod na siya ang nag alaga kay mommy nang bata siya, she also took care of me since I was a baby, hanggang ngayon pa rin naman..

"Osya, umupo kana at ihahain ko na ang meryanda mo." Agad naman ako sumunod...

Habang kumakain ako, nag sabi ako kay Manang Belinda na samahan ako dahil ayoko na mag isa..

"Asan po pala si Mommy?" I asked. Manang Belinda looks at me..

"Alam mo namang busy ang Mommy mo."

Manang is not wrong about that.. Esmeralda Safina Collins Vergara my Mom, is a very busy woman.. Imagine being a CEO of a famous clothing line and a model at the same time.. Hindi ko na nga lang mawari kung paano hinahati ni Mommy ang oras niya sa lahat ng bagay, but aside from that never siya nag kulang sa pagiging ina sa akin since day one.. She maybe busy most of the time but I understand that,






Beneath Gilliana Rei's BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon