Chapter 33

395 4 0
                                    

Enjoy reading!

💗

- - - - - - - - - - - - -

Simon Kai Hidalgo

"We have a deal Mr. Hidalgo." Aniya ng kausap ko na bagong investor..

I take his hand and shake it a little.. "Thank you for trusting KG Scents, Mr. Lagman." I said..

"KG Scents is one of the most successful company.. This is worth investing Mr. Hidalgo." Nakangiti niyang sabi sa akin..

I smiled,

After ng meeting sa conference room, bumalik na agad ako sa office ko para magpatuloy sa trabaho...

** Knock knock **

Nagawi ang tingin ko sa pinto.. Niluwa nito si Carlos..

"Looking good Mr. Hidalgo." Formal niyang bati sa akin, napatawa naman ako ng mahina..

"Siraulo ka talaga." Natatawa kong komento.. He paced towards my desk,

"Oy seryoso ako duon ahh. Akalain mo 7 years ago naglalasing ka lang at nag kukulong sa kwarto, pero ngayon okay na okay na." Sabi niya..

7 years...

Ngumiti ako nang bahagya, "Kailangan ih." Bulong ko, habang nag aayos ng documents..

"Tuloy ba tayo mamaya sa inuman?" Pag iiba ni Carlos..

"I gue---"

Sasagot na sana ako kaso natigilan ako dahil bigla pumasok si Louise..

"Mr. Hidalgo na ka-ready na daw po 'ung suit na isusuot mo sa party by tomorrow..." Paliwanag ni Louise..

I nodded, "Okay ako nalang ang kukuha mamaya. Just drop the location to me later, I want to check it myself." Sabi ko..

She smiled, "Will do Mr. Hidalgo, thank you po."

Tinapunan ko naman nang tingin si Carlos.. "I guess ikaw lang ang tutuloy.. May aasikasuhin pa ako," Sagot ko, napakamot naman siya sa ulo niya..

"Nako po, iiwan mo na naman ako kasama si Wendell.." Reklamo niya..

"Naririnig ko na naman pangalan ko Attorney!?" Singhal ni Wendell, na siyang papasok sa loob ng opisina ko...

"Hindi tuloy ang inuman." Agad na bungad ni Carlos..

"Ulol! Porket wala si boss amo?" Angal ni Wendell, "Hoy! Hindi ako papalibre ahh, baka ikaw pa saluhin ko mamaya." Dagdag pa niya..

"Anong sasaluhin? Bilhan pa kitang bahay at lupa dyan!" Ganti ni Carlos..

"Yabang Attorney! Jet gusto mo? Sagot ko na." Sabi ni Wendell at hinampas-hampas pa ang dibdib niya...

Dinukot ko ang black card ko sa wallet ko at nilapag sa desk ko...

"Oh.. Bilhin niyo na 'yang mga pinagsasabi niyo. Put it on my tab," Sabi ko..

Sabay silang napatingin sa akin, habang nakaawang pareho ang mga bibig..

"Ang hihina niyo." Natatawa kong bigkas..

"Ikaw na ang CEO." Rinig kong bulong ni Wendell..

Carlos hooked his arm on Wendell's shoulder, "Tara simulan na natin uminom." Aniya at hinatak palabas si Wendell...

Napailing na lang ako at natawa..

By lunch, lumabas na agad ako sa office dahil na bigay na ni Louise 'ung address... Pag karating ko roon, inasikaso naman ako agad ng mga empleyado..

Beneath Gilliana Rei's BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon