Enjoy reading!
💗- - - - - - - - - - - - -
Cloudia Rei Vergara Hidalgo
"Ate merienda tayo." Aya ni Ulan sa akin, kakalabas lang kasi namin ng University ngayon..
"Libre mo ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi, libre mo ba?" Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.
"Syempre hindi rin. Ikaw tong nag-aaya ih." Sabi ko sa kaniya.
"Ikaw Ate, kaya dapat ikaw." Aniya,
Agad ko ngang hinampas sa braso, "Ano porket Ate, laging ako?"
"Osige ganito na lang pustahan tayo. Nakikita mo 'ung babae sa kabilang bangketa, kanina ko pa napapansin na tingin nang tingin sa akin. Pag ako kinindatan niyan... Libre mo at may kasamang dare, pero pag hindi ako ang taya may dare rin." Paliwanag niya sa akin.
"Kailangan pa ba?" I sarcastically asked,
"Aba syempre para fair both sides. Ano game ka Ate?" Tanong niya tumango na lang ako sa sinabi niya. Kaya naman tinignan na namin 'ung babaeng tinutukoy niya.
"Baka mamaya kasabwat mo 'yan ahh inuutakan mo lang ako, Rainier." Narinig ko naman na tumawa siya.
"Oh ayan na dadaan na sa harapan natin."
Sabi niya kaya naman nakatingin ako nang maigi kasi pera at dignidad ko nakasalalay sa pustahan na 'to. Dumaan 'ung babae at kasama niya sa harap namin, they both keep on walking hanggang sa nakarating sila sa bangketa kung saan kami nakatayo...
"Paano ba 'yan libre mo at may dare ka." Sabi ko kay Ulan at nakatingin parin sa babae, nang walang ano-ano lumingon sa direksyon namin at kumindat. Kaya naman napatingin ako kay Ulan na sobrang lapad na ng ngiti.
"See that! Isang katunayan na ang kagwapuhan ko ay kasing tinik ng kay Dad." Pagmamayabang niya.
"Baka naman may sakit lang siya sa mata." Komento ko sa sinabi niya, napatingin naman siya sa akin.
"Oh libre mo ahh.. Wag bitter!" Inirapan ko naman siya.
"Napaka buraot." Bulong ko lang 'yon pero pinarinig ko talaga sa kaniya para marinig niya.
"Deal is a deal Ate." Aniya,
I crossed my arms, "Oh libre ko na, ano naman 'ung dare?" I asked,
Umakto siyang nag iisip at luminga-linga sa paligid, "Nakikita mo 'yon?" Tanong niya, sabay turo sa coffee shop..
"Oh anong meron?"
"Katukin mo 'ung lalaki sa may window, pag humarap na siya sayo.. May finger heart ka at kindat." Paliwanag niya,
My eyes widened, "Hindi ba sobra na 'yon? Huwag na nakakahiya. Ako na nga manlilibre oh." Pag aalma ko..
"Ate deal is a deal nga diba, kaya go na." Sabi niya pa.
Naiyukom ko ang kamao ko at lakas loob na naglakad papunta sa bintana ng coffee shop na tinuro niya...
I took a deep breath at tatlong beses kumatok sa bintana..
Everything happens in a slow motion, nasilayan ko ang kagwapuhan niya nang dahan-dahan siyang lumingon sa akin...
He's just looking at me, dumbfounded...
A sweet smile quickly formed on my lips, I gave him a two finger heart and winked at him..
BINABASA MO ANG
Beneath Gilliana Rei's Beauty
RomantikGilliana Rei is from a wealthy and high-class family, and so is Simon Kai. What happens if their being frenemies in their younger years turns into something in the future. Will Gilliana and Simon manage to sneak their way into each other's hearts?