꧁SHERRI꧂
WALONG oras ang pagitan naming dalawa ni Kate noon at walong oras din ngayon pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit mahirap sa kanya ang bigyan ako ng oras ngayon?
Alam kong mas importante ang pamilya niya kesa sa'kin pero hindi man lang ba niya ako pwedeng bigyan ng kaunting oras man lang?
Bumalik ulit tuloy sa ala-ala ko ang nangyari sa amin nuon ni Gabby. Parang ganito din iyon, eh. Kailangan kong manghingi ng oras o maghintay lagi kung kailan siya magkakaoras. Ang pinagkaiba lang ay mas masakit iyong dati kesa sa ngayon. Siguro dahil mahal ko.
Napaayos ako ng upo at mas lalong napakunot ang noo sa naisip. M-mahal ko rin naman si Kate ngayon, ah.
"Nakasimangot ka na naman," biglang pasok ni Gabby sa kwarto nina Angel at Faye.
Inimbita na naman kasi kaming tatlo ni Faye upang dito na maghapunan. Wala raw kasi si Angel at malulungkot siya kumain mag-isa. Ayaw pa talaga niyang aminin na namimiss niya lang ang bonding naming apat lalo na ngayon na malapit lang ang bahay ni Gabby sa bahay niya. Ang liit-liit talaga ng mundo!
"May iniisip lang."
"Hindi pa rin ba kayo nag-usap ni Kate?"
Lumingo ako habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana. Bakit tila malungkot tignan ang ilaw galing sa poste sa labas?
"Sana hindi mo na lang sinabi sa kanya ang tungkol sa nangyari sa atin."
"I didn't!" agad kong sagot sabay tingin dito.
"No?" paninigurado pa nito.
"No. Tsaka na pagdating niya."
"Bakit kailangan mo pang sabihin?"
"Dahil ayokong magsinungaling sa tao."
"Hindi ka magsisinungaling, Sherri. Hindi mo lang sasabihin sa kanya dahil ayaw mo siyang saktan at ayaw mong sirain ang kung ano ang meron kayo ngayon."
"Pareho lang iyon Gabby at hindi ko kakayanin ang hindi magsabi sa kanya. Mas mabuti nang malinis ang konsensya ko."
"Why don't you just take things slow?"
"I am taking things slow," giit ko na may kasamang pagtaas ng kilay.
"Fine. Then, don't be so serious about it."
Kumunot ang noo ko rito. "Ano ang gusto mong sabihin? Paglalaruan ko lang ang tao?"
"Of course not. Look, naalala mo ang sa atin dati? We took our time until we are sure of our feelings."
"Ang sabihin mo, hindi ka lang talaga marunong manligaw."
"N-nanligaw kaya ako." pagdadalawang-isip na pagsagot nito.
"Hindi kaya."
Pati tuloy ako ay napaisip.
"Kailangan ba talagang manligaw sayo noon? Hindi naman, ah! We were at the getting-to-know-each-other stage until we woke up one morning to mutually understand it as love. We did not pressure ourselves into labeling our relationship. Aminin mo, kahit ikaw ay masaya sa kung ano ang meron tayo bago naging tayo. If either one of us pressured the other, trust me, one of us would have been scared to commit."
Lalo tuloy akong napapaisip ng mas malalim. Pinilit ko na kasing kalimutan ang nakaraan. Pinili kong kalimutan si Gabby pero ano'ng nangyayari ngayon? Pinaglalaruan kami ng tadhana.
"See? You can't react because I was right. So, if I were you, i-enjoy niyo na lang muna ni Kate ang isa't-isa. Don't pressure yourself."
"So you are really giving up?" ang hindi ko inaasahang pagtanong. I was so shocked at what I said that I could only stop myself from breathing.
BINABASA MO ANG
HAUNTING - Haunting Past Book 3 / Sequel ( Lesbian Story)
Romance| GxG | On-Going | Filipino | The hardest part of moving on is being able to feel the pain no matter how hard you try. And for Sherri Garcia, she couldn't be anymore thankful to her support system who did not leave her side, misunderstood and misjud...