Chapter 68

67 3 1
                                    

꧁SHERRI꧂

DUMATING na lang ang bisperas ng bagong taon pero wala pa ring Kate na nagpaparamdam sa akin. Ilang minuto na lang, bagong taon na.

Bukod sa matinding pag-aalala ay hindi mawala-wala sa akin ang mangamba. Alam kong marami pang bagay ang mas dapat na pagtuunan ng enerhiya at atensyon ngunit mabigat lang sa loob ko na may nililihim dito. Mas mahirap pa dahil hindi kami nag-uusap. Wala man nga lang akong natatanggap na 'hi' o 'hello'.

Pakiramdam ko ay iniiwan na naman niya ako sa ere gaya ng dati o kaya ay iniwan na nga lang ng biglaan, kasalungat ng pinangako nito. Nagawa niya na 'yan dati at ngayon pa lang ay natatakot na akong gagawin na naman niya ulit iyon.

Ay basta! Naiinis ako! Kailangan ko na naman bang magmalimos ng atensyon gaya nung kay Gabby?!

Ayoko na! Ayoko nang mag-isip pa! Mauungkat na naman ng utak ko ang nakaraan namin ni Gabby kahit pa kay Kate naman kumukulo ang dugo ko. Ay siya bahala na nga!

Sa mga araw na wala si Kate ay napabuti naman ang relasyon ko kay Gabby na siyang lalong nagpapabagabag sa'kin.

Habang 'yong isa ay hindi na nagpaparamdam, walang-humpay naman ang isa sa pakikipag-usap sa'kin sa WhatsApp. Sinusubukan ba talaga ako ng tadhana?

Hindi ko rin naman pwedeng dedmahin si Gabby dahil kahit pa malimit ko ito kung sagutin buong araw at minsan nga wala talaga ay hindi naman ako nakakawala sa presensya nito halos gabi-gabi na lang. Ayaw ko rin namang magreklamo dahil kitang-kita namin ni Francine ang pagkasabik ni Faye na makasama ang matalik na kaibigan.

Nothing really beats real and tested friendship. Sa sobrang pagkasabik nila sa isa't-isa, pati kami ni Francine ay napapangiti na lang din sa mga halakhak ng dalawa kahit pa minsan ay hindi namin alam ang pinag-uusapan nila.

"Hi," mahinang pagbati ni Gabby na bigla na lang sumilip sa nakabukas na pintuan ng partition ko. Hindi na ako nagulat dahil medyo maingay naman na sa labas at sa buong bahay.

Dahil nga sa bahay nina Angel at Faye kami nag-Pasko ay naisipan naming bumawi sa mga kasamahan namin dito at napagdesisyon na dito na mag-New Year. Tutal, panggabi naman si Angel kaya walang problema kay Faye.

"Hi! Nakarating ka na pala. Hindi ko man lang napansin ang pagpasok mo sa kwarto. Halika! Pasok sa'king munting tahanan," pag-imbita ko rito.

Nakakahiya naman kasi kung nakaupo ako sa kama habang siya ay nakatayo lang sa may pintuan.

"It's okay. Hinahanap kasi kita kaya pinapasok lang ako agad ni Francine. I just want to say hi."

"Ano ka ba! Para ka namang others. Pasok ka na kasi," umusog ako upang ipakita rito na wala lang talaga sa'kin na tumabi ito. "Akala ko nga hindi ka na makakaabot, eh."

"Akala ko nga rin." Umupo ito sa tabi ko sabay abot ng isang maliit na box. "Happy New Year!"

"Hala, nag-abala ka pa!" Gulat man ay tinanggap ko pa rin ang inabot nito.

"Pero tsaka mo na buksan ha kapag nakaalis na ako."

Napangiti ako. "Ang sabihin mo, tsaka ko na buksan kapag New Year na." Ipinasok ko ang regalo nito sa unang drawer na nasa tabi ng kama. "Umuwi ka pa ba bago pumunta rito?"

This is me trying to act casual. Kunwari ay hindi ako kinakabahan pero ang totoo niyan ay kumakabog na ang dibdib ko simula pa nang siya'y aking nasilayan.

Ano na naman kaya ang laman ng box na bigay nito? Kahit kailan talaga itong si Gabby, napakahilig sa regalo at sorpresa!

"Hindi na. Hindi na ako makakaabot kung uuwi pa ako. Nagbihis lang ako sa airport bago pumunta rito."

HAUNTING - Haunting Past Book 3  / Sequel ( Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon