Chapter 8

927 57 24
                                    

~{Sherri}~

Simula nung papunta pa lamang kami sa simbahan kanina hanggang sa natapos na ito ay nanalangin lang ako ng paulit-ulit na sana ay patawarin ako ni Papa J sa pagsimba kong ito dahil alam kong wala ako sa tamang wesyo. I was physically present but mentally absent.

Could you blame me? The last time I met Candice, my heart was breaking and she crashed it more!

"Princess, sure ka dito kayo magkikita?" pagpukaw ni Faye sakin.

Tumango ako.

"Sabi nya kasi sa labas daw ng sindihan ng kandila."

Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Faye sa kamay ko. Pinisil ko din ito. Pinilit kong ibalin dito ang atensyon. She's wearing a maroon, white and dark blue sweater at nakalugay ang mga buhok nito.  There was never a time that I didn't appreciate her looks. Kung lalaki ako magkakagusto talaga ako kay Faye. But good thing she loved girls, may pag-asa pa akong angkinin sya bilang akin habang ang mga kalalakihan ay nakamasid lamang.

At the right time, magiging okay din ang lahat, Faye.

"Is something wrong?" nag-aalalang tanong nito.

"Nope. Bakit?"

"Iba ka kasi kung makatitig sakin. That's the first time, I think, that you looked at me that way. And it made me wonder if it's good or bad."

Napangiti ako.

"Wala. May iniisip lang ako. And the next time I look at you that way, it'll always be something good."

Namula ito. Na-kyutan tuloy ako lalo dito.

Nagulat nalang ako nang may biglang tumawag mula sa likuran ko.

"Sherri?"

"Yes?" ang napaka-friendly at all out ngiti kong sagot pagkalingon ko. Pero unti-unti itong nawala nang nalaman ko kung kanino galing ito.

Medyo tumaba sya ngayon, matured na ito tignan pero mas pumuti pa lalo.

"C-candice?"

Ngumiti ito ng pilit na may dalang kaba kasabay ng pagtango nito. I couldn't help but hugged her. Na-miss ko ito sobra! I knew we've been through a lot at marami nang nangyari sa buhay namin but the love for a friend's still there.

"Sweetie, I miss you! Kumusta ka na?"

"Eto, tumaba na! Ikaw, kumusta ka na? Ang ganda mo pa din Sweetie. Mukhang blooming na blooming ka at inspired ah!" saad nito na sumulyap pa kay Faye na ngayon ay kasama na pala si Francine na galing lang nag-toilet.

Napangiti ako. "Oo nga, eh. Halika ipakilala kita."

Tinawag ko silang dalawa dahil dumarami na din yung mga tao sa kinatatayuan nila.

"Guys, meet Candice. Candice, mga officemates ko sa Pinas na naging officemates ko na din dito."

"Hi, Te! I'm Francine!" sabay abot ng kamay for handshake. "And this is Sherri's girlfriend, Faye."

Napatingin kami ni Faye dito dahil sa sobrang lakas ng boses nito. Si Candice naman ay mukhang nagulat din.

"Naku, Candice. Huwag kang magpaniwala —"

HAUNTING - Haunting Past Book 3  / Sequel ( Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon