Chapter 5

1K 60 7
                                    

Be with someone who feels like freedom and loves you without chains. Because love isn't about holding someone back or using guilt to make them stay. Love is freedom and they freely choose to stay.

- Jm Storm -

•••

~{Sherri}~

The winter air was making me really lazy through out the holidays. I couldn't think of anything else but go to sleep.

Pagdating namin sa munti naming tahanan ay humiga agad ako sa maliit pero malambot kong higaan.

Francine, Faye and I were just living on the same room. Dito kasi sa UAE ay dalawang klaseng bahay lang ang titirhan mo. Either sa flat ka o yung parang condo kumbaga sa Pinas o sa villa ka na house and lot sa atin. Kung sa Pinas ay prinsesa ka't ang laki ng kwarto mo, dito ay pantay-pantay lang ang lahat ng tao, pwera nalang kung sobrang laki ng sahud mo ay siguradong makakakuha ka ng sarili mong kwarto o bongga sarili mong flat.

Mabibilang lang ang villa dito na one floor. Karamihan two story na house and lot o kaya naman ay kapag walang second floor ay malaki pa din ito. Pero ang inuupahan mo ay hindi buong bahay kundi isang kwarto lang. Karamihan pa sa villa, family sharing o kaya naman ay bedspace. Kumbaga sa isang room maraming single bed o kaya'y double deck.

Kapareha ng villa, sa flat naman ay uso din dito ang bedspace. Yun talaga kasi ang pinakamura. Mas mura kapag nasa taas ka ng higaan. Minsan naman ang isang room ay hinahati sa dalawa o tatlo, depende sa laki at tinatawag na partition.

Kaya simula nung pinauwi ko si Papa ay isang room na ang pinili naming tatlo at nagpartition nalang kami. Hinati nalang namin ang renta ng buong kwarto at kami na bahala sa hatian.

"Princess, anong gusto mong ulam?" tanong ni Faye na bigla nalang bumungad sa harapan ko dahil nakabukas naman ang pintuan ng partition ko.

Kung pagod ako, pagod din ito dahil bukod sa nagtrabaho ay nagdrive pa pauwi dito. Malayo kasi ang pinapasukan namin. Kung hindi traffic kaya lang naman nya ng mag thirty minutes drive pero kapag gaya nitong uwian at weekdays, wala, mga isang oras talaga sa traffic. Ganunpaman, lage pa din nyang iniisip na paglulutuan nya ako. Gabi-gabi yan, ginagawa talaga akong prinsesa nito. Kaya ngayon palang hindi na ako magdadalawang-isip na bigyan ito ng puwang sa puso ko. At tama nga din si Francine, kailangan kong mag-move-on sa mga kahapon.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. "Ikaw, ano bang gusto mo, kamahalan? Samahan na kitang magluto," panlalambing ko dito.

Nagulat pa ito dahil mukhang ngayon ko lang ata sya natatawag ng ganun.

"Parang okay na ako sa Kamahalan."

Napangiti na din ako.

"Seryoso nga. Ano?"

"Guys!" biglang sabat ni Francine. "Ako ba ay hindi nyo tatanungin, ha? Sa labas nalang kasi tayo kumain sabay gala!"

Napabuntong-hininga ako. Bilib talaga ako sa baklang to! Walang uso ang pagod sa katawan.

"Francine, mas mapapamahal tayo sa labas. At tsaka di maganda gumala ngayon kung hanap mo ay lalaki! Wednesday pa kaya," tutol ni Faye.

"Baka nakalimutan mong holiday! So, that means weekend na bukas. Rampahan na!"

"Te, bukas nalang please? Tinatamad talaga ako. Promise, bukas gala tayo! Di ba, Faye?"

"Kung saan ka prinsesa, dun din ako."

HAUNTING - Haunting Past Book 3  / Sequel ( Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon