Chapter 19

858 52 48
                                    

~{Sherri}~

The entire afternoon was so dragging and it was so hard for me to act as if Paula didn't exist. And unfortunately, I really need to get used to having her around.

Naawa nga lang din ako kay Ana kasi mukhang ayaw nya dito but she had no choice. She joined for her lunch while the rest of us ate together. Hindi din namin sya mamessage kasi baka mabasa ito ni Paula.

I pity Paula for being her. Ewan ko ba din sa kanya kung bakit ganyan ang ugali nya. Pwede sana nya maging kaibigan ang dalawa pa naming kasama kaso inunahan nya ng mapait na pakikipagkilala sa pagitan pakikipag-usap sakin kanina. Eh di sya pa tuloy napahiya sa sagot ni Maria.

Nag-vibrate na naman ang selfon ko.

Kate calling...

Pang-ilang tawag na nya ito pero hindi ko sinasagot. I'm really being unfair to her. Haaay.

Tumigil din sa pag-vibrate ang selfon ko pero sinundan naman ito ng isang chat nito sa Whatsapp. Gumagamit na sya ng whatsapp ngayon. Nagulat nga ako at alam nya din pala ito.

I'm going there if you won't pick up my calls, Sherri. You either call me or you pick up my calls or choose to see me in person. I'm not patient anymore.

Gooood! Ano bang gagawin ko?! Kailangan ko munang tapusin ang samin ni Faye ng maayos bago ko ito kausapin. Dumagdag pa itong si Paula sa gulo ng buhay ko!

I made a screenshot of Kate's message and forwarded the photo to Francine. In five minutes, lalabas na kami. And I'm sure pupunta si Faye dito. I need a back-up.

Me:
Te, please help me! Back-upan mo ako. Kailangan ko lang kausapin si Kate.

Francine:
Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo! Naku, Sherri! Ngayon matutulungan kita sa ganyan pero tandaan mo hindi sa lahat ng bagay ay makakatulong ako.

Me:
I know. Just please help me with this. Lalabas lang ako. Kakausapin ko lang. I need more time upang kausapin si Faye.

Francine:
Te, you don't have more time. You need to tell her as soon as possible!

Me:
Alam ko. Don't worry. Itatama ko ito. But I also need to talk to you in person about this.

Francine:
Ano pa nga bang magagawa ko di ba? Sige na. Kausapin mo na.

Medyo gumaan naman ang loob ko sa sinabi nito. At least andyan pa din ito bilang kaibigan ko.

Sa ensaktong paglabas ko sa opisina namin ni Maria ay naabutan ko ding nagsasalita si Paula. May kausap ito sa selfon and obviously sinasadya nya ito.

"Hi, Mahal! Asan ka na? Di ba sabi mo susunduin mo ako?"

Napatingin ako kay Francine na inirapan si Paula na nakaya likod samin at sa labas ng opisina nakatanaw.

"Yah. Exactly 6 ang labas namin. Don't worry Mahal. I can wait. Ang sweet mo nga, eh at sinusundo mo ako."

Huminga ako ng malalim at lumabas na ng opisina.

I don't need to question naman kung totoo bang kausap nya ito o hindi dahil nung isang araw nga lang ay andito ito.

Sinusundo pa talaga sya ha hanggang dito. Sinusundo din nya ako noon, eh, hinihintay, dinadalhan ng pagkain at sinusurprisa. Alam ko kaya ang pakiramdam nun! Yung tono ng boses ni Paula? Ganun din yung tono ng boses ko noon. Excited. Masaya. Kaso hanggang noon nalang yun dahil sinayangan lang nya. O baka dahil hindi talaga kami sa isa't-isa?

HAUNTING - Haunting Past Book 3  / Sequel ( Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon