~{Paula}~
I had more storms hiding under a dark cloud until Gabby came to my life. I was happy but that was just a word. You can see me smile but the truth's just a mile. And when I first laid an eyes on Gabby, a ray of sunlight touched my very heart.
Ewan ko ba! Siguro yun ang sinasabi nilang love at first sight. Hindi ko nga lang yun pinapansin masyado nung birthday ng pinsan kong si Cheska kasi kasama nga nito ang girlfriend nga raw nya. But instead of just letting it go, my mind won't stop repeating the image of her smiling.
Pero bigla akong nakadama ng lungkot sa mga oras na yun. Mailang na nga ako sa lalaki, pati ba naman sa babae hindi ako sinuswerte! Ang mas malala pa ay kahit kailan hindi ko pa naranasan na ako yung nililigawan at ako yung unang nagugustuhan. Madalas kasi ako yung unang nagkakagusto at kapag nalaman nilang may gusto ako sa kanila, dun lang nila ako papatulan o kaya ay magugustuhan.
Sabi ni Cheska babaan ko daw kasi ang standards ko. Ang hirap ko na nga daw abutin dahil sa mga achievements ko, ang strict ko pang tignan. Napapalingo na nga lang ako kasi yun na nga lang ang tanging magandang nakikita ng mga tao sakin, tatanggalin ko pa.
From my physical attributes to my family story, wala naman akong nakikitang maganda at kaibig-ibig. I came from a family that has been yearning to be called as complete eversince . Nakuha ko ata ang kamalasan ni Mama sa pag-ibig. Di nya kasi alam na may asawa pala si Papa nang naging sila. At dahil marupok sya nun, nabuntis sya ng wala sa oras at huli na nang malaman nya ang katotohanan.
Despite being a daughter out of wedlock and from a family who's always second in my father's priority, hindi naman nagkulang si Papa sa pagsuporta samin. Naging ama din ito sakin. Yun nga lang, lagi kaming pangalawa.
I always dreamed for a happy marriage and a very loving husband. Sabi ko sa sarili ko nun, hinding-hindi ko susundin ang mga yapak ni mama. Yun pala, magiging pangalawa lang din pala ako. Yun pala kakainin ko lang ang mga sinasabi ko. Si Mama, hindi nya talaga alam na may asawa si Papa pero ako kahit alam kong may girlfriend ay sumunggab pa din, nangarap pa din, at pinaglaban pa din.
Anong magagawa ko? I let it pass but destiny found a way to bring her closer to me. Malayo na nga ako pero sya ang lumapit. I knew she needed help and I was only helping her. Pero lumalala na yung pagkagusto ko dito.
I started yearning for her time like the way my Mom yearned for my Dads. Ang hirap pala! Mas mahirap kung mahal mo, sobra! Kaya sa mga oras na yun, naintindihan ko na si Mama. I couldn't let Gabby go anymore. So, I still dreamed and prayed for it. I used my position and everything that I could throw to let her fall for me. Everyday was like a victory. Araw-araw nararamdaman kong mas napapalapit na sya sakin at mas napapalayo na sya kay Sherri. Akala ko okay lang yun. Akala ko sa saya na ang ending naming dalawa, most especially when they broke up and I really thought that at last Gabby's mine, just mine! But on that particular night, habang binibigay ko ang sarili ko dito sa isang gabing mapusok ay narinig ko nalang na tinatawag nya akong 'Babe' kahit 'Mahal' naman ang tawag ko dito. I let it pass. Tawagan lang naman at baka naman dala ng init at sarap lang. But I woke up that night after making love with her because she was calling somebody else's name in her dream! She wasn't making love with me but plainly just having sex with me! Who am I fooling anyway?!
Pero nagpakatanga pa din ako! Panaginip lang yun at baka nagkita lang kita kaya tinatawag nya ang pangalan ni Sherri sa panaginip. Kaso, pagkagising nya sa umagang iyon, si Sherri pa din ang pinili nya and that it was all wrong! Nagpakatanga ka na pinili ko pa talagang sampalin ang ang sarili ko sa hiya.
I loss myself at that moment and never thought she'd stay for me. Oo alam kong mali but I love Gabby. And no one and nothing could take her away from me.
Pagkatapos ng lahat-lahat ay ako pa din ang pangalawa sa puso nya. She made it clear, oh so clear. Kaso matigas ako dahil ayokong magaya sa Mama ko.
I'm here because I want my Gabby back. Gabi-gabi ay natatakot akong umuwi na wala na ang mga gamit nya at sa umaga naman ay wala nang Gabby'ng uuwi pa.
But I think God is still so good to me. Sabi nga nila, love is everything that's worth fighting for. Kung mahal mo, ipaglaban mo. Who would even thought na uuwi pala ako sa bahay na nalabhan na ang mga damit ko, natupi na din ang mga natuyo na at may pagkain nang naluto.
Kaya eto, masaya ako, masayang-masayang bumangon sa araw na ito upang ipagluto ang mahal ko. Night shift kasi sya sa airport ngayon. Angproud ko nga dun, eh. Kahit papalit ang shift ng work ay kaya pa din nyang makipagsabayan sa ibang tao. Nakaya nyang magpunta dito mag-isa at maghanap ng trabaho na dala lamang ang perang inipon nya. Kahit man si Sherri ang dahilan kung bakit andito sya, hayaan na, magiging akin din sya.
~{Gabby}~
Hindi pa din sinasagot ni Francine ang chat ko. Na-seenzone lang ako!
What do you have to expect Gabby? Mabait sya sayo pero niloko mo ang matalik nyang kaibigan! Kahit nga siguro tanggapin ka ng mga kaibigan ni Sherri ay malamang hindi ka matatanggap ng magulang nya! Swerte ka nalang kung walang alam ang mga magulang nya sa totoong dahilan hiwalayan nyo!
Syempre, nanalo pa din ang pagiging matigas ko. Nagchat pa din ako kay Francine. Bahala nang hindi nya ako kausapin basta't nababasa nya ang mga sinasabi ko, okay na ako dun. Kapag alam ni Francine, malalaman din ni Sherri.
Hi, Francine! Napuntahan ko na kahapon yung bahay na lilipatan ko. Nagdown na ako pero sa off ko pa ako makakalipat. Pasensya ka na ha kung makulit ako. Pero gusto ko lang din kasing malaman mong seryoso ako sa pinangako ko. I won't stop until I have Sherri back. At sana dumating ang panahon na bibigyan mo din ako ng pagkakataon na bumawi sa mga mali ko.
Please don't tell Paula anything about this. Nagiging mabait lang ako sa kanya ngayon dahil ayokong mapansin nyang may pinaplano ako.
It's not long 'til I'm on to my plan. Baby steps pero hindi ako tatalikod ng walang laban.
Salamat ulit sa oras mo, Francine. Salamat din sa pag-alaga mo kay Sherri.
BINABASA MO ANG
HAUNTING - Haunting Past Book 3 / Sequel ( Lesbian Story)
Romance| GxG | On-Going | Filipino | The hardest part of moving on is being able to feel the pain no matter how hard you try. And for Sherri Garcia, she couldn't be anymore thankful to her support system who did not leave her side, misunderstood and misjud...