Gabby
Good mood na good mood ako ngayon. Abot langit ang saya ko nang mapansin kong may dalawang check mark na ang sinend ko na mensahe kay Sherri. Araw-araw ko kasi itong tinitignan dati, nagbabasakali na e-unblock niya ako, hanggang sa nawalan ako ng pag-asa kahit na no'ng nakausap ko pa ito. Pakiramdam ko kasi noon ay hindi na magbabago ang isip niya. But well, look at these two check marks! Delivered! Yes!
Binago ko kaagad ang display photo sa Whatsapp ko sa litrato naming dalawa dati—iyong unang litrato namin nang sinagot na niya ako, facing the sunrise.
Pasipul-sipul akong umupo sa check-in table ko. Kahit bente kwatrong oras pa akong magcheck-in at kahit ilang kilo pa ang mga bagahe ng mga pasahero ko ay kayang-kaya ko! Sa saya ko ba naman, naku, kahit 48 hours pa!
"Pogi! Ang saya yata natin ngayon, ah! Ikaw pa lang ang naka-night shift na masaya," saad ng kasamahan kong si Sandra na siyang pinakamalapit sa akin simula nang nagsimula ako dito. Kunti lang kasi kaming Pinay at siya ang trainer ko.
"Hulaan mo bakit?"
"Sinagot ka na ng ex mo?"
"Naku, kapag iyan nangyari, Sandra, tsak higit pa sa isang ngita ang iaalay ko sayo. Ililibre pa kita ng isang linggo!"
"Promise 'yan, ha. Ipapanalangin ko na mangyari iyan!"
"Oo ba!"
"So, bakit ka nga masaya?"
"Guess what? In-un-block na niya ako sa Whatsapp!"
"O? Talaga?! Pa'no? Like inunblock ka lang bigla o may nangyari pa?"
"Natunton ko na ang bahay niya! Tapos binantayan ko, kaya nagkausap kami!"
"Di nga?"
"Oo nga!"
"Ganoon mo talaga kamahal?"
"Oo naman! Wala ako sa Dubai ngayon kung hindi dahil sa kanya."
Kung alam ko lang na mangyayari ang kalukohan ni Paula eh di sana sa Dubai na lang ako dumiretso noon kaso wala rin namang magagawa ang panghihinayang ko ngayon. Kahit anuman ang sabihin ko ay kasalanan ko pa rin ang lahat. Nagpadala ako kay Paula.
"Alam mo dati, nalilito ako sa isang relasyon ng babae at babae, eh. May kasamahan din ako sa flat at mga tibo rin ang mga dyowa niya. Never siyang nagkadyowa ng lalaki. Siya pa lang ang unang nakasalamuha ko na magandang babae na babae rin ang gusto. Tapos ngayon, ikaw naman. Ang masasabi ko lang, mas daig niyo pa ang isang lalaki kung magmahal."
Natawa ako. Iyon nga ang sabi rin ng iba pero para sa'kin depende kasi talaga iyan sa tao kung marunong siyang makuntento at kung totoong mahal niya talaga ang kapares niya. Kuntentong-kuntento naman ako kay Sherri kaso nagpadala ako sa takot ko kay Paula.
"Iyong kasama mo ba sa bahay ay may dyowa rin ngayon?"
"Oo, eh. Gusto mo ba i-reto kita?"
"Baliw! Hindi, ah! Gusto mo pa yatang maunsyami ang tsansa kong balikan ako ng mahal ko. Natanong ko lang."
Natawa ito. "Hindi naman niya malalaman."
"Naku, kahit na. Hindi rin kakayanin ng konsensya ko."
"Oo na! Biro lang. May dyowa na rin iyon. Bago pa sila pero sabi ng dyowa ko sa tingin niya ay mahal na mahal daw ni Pogi ang kaibigan namin. Pogi na ang tawag namin sa dyowa niya. Ang pogi rin kasi eh gaya mo, as in. Baka nga kilala mo."
"Anong pangalan?"
Napaisip ito. "Naku, di ko maalala talaga. Pogi kasi ang tawag nila sa kanya sa bahay kaya pogi lang din ang naaalala ko. Lyca naman ang pangalan no'ng kasamahan ko sa flat. Ling ang tawag namin sa kanya. May kakilala ka?"
BINABASA MO ANG
HAUNTING - Haunting Past Book 3 / Sequel ( Lesbian Story)
Romance| GxG | On-Going | Filipino | The hardest part of moving on is being able to feel the pain no matter how hard you try. And for Sherri Garcia, she couldn't be anymore thankful to her support system who did not leave her side, misunderstood and misjud...