~{Sherri}~
I knew something's going on. Kakaiba kasi ang kinikilos nitong sina Francine at Faye. As much as I trusted them, they trusted each other, too. Malamang may pinaplano na naman tong dalawa dahil iba kung magtinginan, eh.
"So, pa'no mauna na kami ni Maria Mercedes, ha?" paalam ni Francine hila-hila ang kamay ni Maria.
"Teka, saan kayo pupunta?" pagpigil ko dito.
"Ay, hindi ba nasabi ni Faye sayo?" gulat na tanong ni Francine.
"Malamang hindi? Else, hindi ako magtatanong."
"Ay pupunta ako ng Mall of the Emirates," maarteng sagot nito.
"And si Maria?"
"May bibilhin din kasi ako. Lam mo na, para sa pasko. Sale kasi," sagot naman ni Maria. Baka naman totoo kasi seryoso naman si Maria kung sumagot sakin.
"Sabay nalang kayo samin."
"Te, alangan iikot pa kayo pa MOE no? Mag-bus nalang kami para diretso na ang beauty namin dun."
Oo nga pala. Traffic ngayon dun at kailangan pang umikot para mababa sila sa MOE.
"Pa'no Faye, Sherri, alis na kami ha? Baka maiwan kami ng bus, eh," paalam ni Maria.
"O sige. Ingat nalang."
At tuluyan na nila akong iniwan kay Faye na bigla nalang kinuha ang shoulder bag ko. Magsasalita na sana ako pero di nalang ako umimik.
"Do you want to go with them?" tanong nito.
"Di na. Makakagastos lang ako dun sa MOE. Andami pa namang sale."
"Okay. Then, can you come with me instead?"
"Ha? Saan?"
"Basta. Dyan lang," nakangiting sagot nito.
"Dyan? Sa tabi-tabi?" natatawa kong sabi dito.
"Sa medyo malayo."
Napalingo nalang ako dahil medyo nasasanay naman din ako dito na may mga hirit pa talagang nalalaman.
Pagbukas ko ng sasakyan ay dun ko lang nasigurado sa sarili ko na planado talaga ang lahat ng ito pati na din ang lakad ng dalawa nitong kuntsyabo. May magandang bouquet ng bulaklak na kasing nakaupo sa front seat pagkabukas ko ng pintuan.
"Can I invite you for a date?" tanong nito.
I felt butterflies on my stomach, increasing my heart beat.
"What if I say no?" pagbibiro ko dito.
"Then, I'll kidnap you."
Ngumiti ako dito at pumasok na sasakyan, hawak-hawak ang bulaklak na bigay nito.
BINABASA MO ANG
HAUNTING - Haunting Past Book 3 / Sequel ( Lesbian Story)
Storie d'amore| GxG | On-Going | Filipino | The hardest part of moving on is being able to feel the pain no matter how hard you try. And for Sherri Garcia, she couldn't be anymore thankful to her support system who did not leave her side, misunderstood and misjud...