꧁GABBY꧂
I couldn't believe what just happened. Seriously! Para akong tangang hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi ko. Ilang beses ko nang kinomperma kay Sherri ang tungkol sa amin pero heto pa rin ako, nakangisi at nangungulit ng paulit-ulit. Mabuti na lang at mahaba-haba na ang pasensya nito sa'kin.
"Babe, as in tayo na talaga? Official?" bulong ko rito habang tinatabihan ito maghugas ng pinggan.
"Babawiin ko na ba?""Ay, huwag. Ito naman. Di lang ako makapaniwala, eh. So, okay lang na malaman nila?"
Tumango ito."Hayaan mo lang na sila ang makapansin at nang ma-sorpresa din sila."
Kinikilig ako lalo! I wish I could have asked for it romantically pero iba pa rin ang dating na nanggagaling iyon sa kanya. Natakot pa ako kasi akala ko pinapatigil na niya ako.Aaminin ko pero may nga pagkakataon na pakiramdam ko ay nakakahingal nang patunayan sa kanya ang sarili ko. Pero kapag iisipin ko namang hihindi ako ay tila hindi ako makahinga kaya mas pipiliin ko na lang na hingalin kesa mawala siya sa'kin ng tuluyan.
Now, I'm even more proud of myself for not giving up. Mabuti na lang talaga dahil kung hindi ay hindi ko makakamit ulit ang langit, I mean ang oo niya.
Hay, my Baby. She's worth it and she will always be worth it. Teka, paano si Kate? Oo nga!
"Paano si Kate?"
Huminto ito sa pagsasabon ng plato at napaisip."It's okay for me if you need time."
"No. I'll tell her. Pero bubwelo lang ako. We talked about it naman days ago and it seems like we are on the same spot. I think she's fallen in love with Alicia again but she's either in denial or having second thoughts of telling me. Basta huwag ka na lang muna magsabi kay Alicia. Gusto kong ako na muna ang magsabi kay Kate."
"Okay. So, pwede pahingi isang kiss?"Kinikiliti ako sa sinabi ko. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagiging teenager kaso killjoy lang ang girlfriend ko. Tinignan lang ako nito ng masama.
"Joke lang, Babe. Ito naman. Syempre ang dami ko nang kiss na natanggap eh kaya joke lang ta—"
Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin dahil bigla na lang ako nitong hinalikan sa labi.
Kinilig na naman ako ng bongga! God! Ano bang pinakain sa'kin ng babaeng ito at sobrang in love talaga ako?
"Okay ka na?"
Parang bata na tumango ako.
"Official na tayo na talaga, ha."
Tinignan ako nito ng masama pero alam kong pabiro naman. Yayakapin ko na sana ito mula sa likod pero biglang pumasok si Francine kaya bigla akong napatago sa kamay ko sa bulsa ng shorts ko.
"Ano?!" kunwaring naiinis na tanong ni Francine. "My gosh, Gabby! Pati ba naman paghuhugas ng pinggan ay nakadikit ka pa rin kay Sherri? Magtago ka na lang kaya sa panty niya."
Para akong namula sa sinabi nito. Sasagot na sana ako nang biglang may lumipad na bumubulang sponge sa mukha nito.
"Aray!" natatawang reklamo ni Francine.
"Alam mo ikaw, ang bastos talaga niyang bibig mo kahit kailan!" namumulang wika ni Sherri na pinipigilan ang sariling ngumiti.
"Kaya ka iniiwan ng lahat eh kasi napakamasukista mo! Hindi na ako magugulat kung isang araw ay aalis din 'yang si Gabby sa poder mo."
"Hoy, France. Hindi, ah. Bakit ko naman gagawin iyon? Ang tagal kong hinintay na dumating ang araw na ito tapos aalis lang ako? Mag-away man kami pero walang hiwalayan."
"Whatever! Asang-asa ka naman, Gab. Iyong maging kayo ay wala nga, di ba? Gising please. Excuse nga. Kukunin ko ang ice ko sa ref at nang makapagpahinga na ako."
BINABASA MO ANG
HAUNTING - Haunting Past Book 3 / Sequel ( Lesbian Story)
Romans| GxG | On-Going | Filipino | The hardest part of moving on is being able to feel the pain no matter how hard you try. And for Sherri Garcia, she couldn't be anymore thankful to her support system who did not leave her side, misunderstood and misjud...