꧁SHERRI꧂
THESE days, Ms. M is making me wary. For whatever reason, she's becoming moody than ever. Kahit si Faye na hindi naman taga Accounting and Finance department ay napapansin din iyon.
"Baka kasi meron siya these days," bulong ni Francine habang naglalakad papasok ng opisina.
"I don't think so. Two weeks na kaya siyang ganyan."
"Sa bagay. Baka dahil sa love life?"
Sabay kaming nagkibit-balikat ni Faye bago siya nagpaalam papunta sa pwesto niya."Bakit ang tahimik?" bulong ulit ni Francine sa'kin bago kami nakapasok sa opisina ng aming departamento.
We are five minutes early and yet everyone's already at their respective tables. Looking towards the direction of my office table, I know exactly why tension is all over the place.
"Bakit andun si Paula sa loob?" bulong ni Francine sa isa naming kaopisina.
Nasa loob kasi ng opisina ni Ms. M ngayon si Paula kaya hindi ako makadiretso ng pasok. Kung anuman ang pinag-uusapan nila ay sigurado akong hindi iyon maganda. Hindi man namin maklaro kung ano ang pinag-uusapan nila ay dinig pa rin namin ang pagtaas ng boses ni Ms. M.
"I have no idea but the dragon is unleashed."
Lagot na talaga!
"Good luck!" bulong na may kasamang pang-iinis ni Francine.Gusto kong magkomento o kaya ay batukan si Francine upang mailabas ko sa kanya ang stress sa buong katawan ko. Ngayon pa lang ay alam ko nang hindi magiging maganda ang araw na ito. I'm having a bad feeling that today is worse than the last two weeks.
Inaayos ko ang aking ang paghinga dahil kinakabahan na naman ako nang biglang tumayo si Ms. M at lumabas ng opisina niya kasabay si Paula.
"Sorry about that Sherri. Can you please place your bag on your table and follow me to the meeting room? You, too, Francine.""Yes, Ms. M," sabay naming sagot ni Francine.
Napatingin muna ako sa kanyabago sinunod si Ms. M.
Habang nilalapag ang bag at hinahanda ang sulat aklatan at ballpen na dadalhin ay hindi ko mapigilang sumulyap kay Paula. She isn't wearing any make-up today. She's looking paler, too. I wonder how she's keeping up with Gabby's absence.
"Hoy, Te! Ano na?" paggising ni Francine sa'king malalim na pag-iisip nang dumungaw ito sa pinto ng opisina ko.
"Ito na. Ito na," pagmamadali ko. Mahirap na at mabugahan pa kami ng apoy ng dragon.
Pinapauna ko pa itong pumasok sa meeting room dahil hindi ko alam kung paano titignan si Ms. M. Kahit na magkaibigan kami outside of work, dragonesa pa rin ito pagdating sa trabaho.
"Hello Sherri and Francine, good morning!" pagbati nito sa amin.
"Good morning Ms. M," sabay naming bati rin ni Francine."Okay guys. I'll be very quick and direct to the point because I have so much on my plate these days." Nang makaupo na kami ng maayos ni Francine ay nagpatuloy ito, "Paula is resigning."
Pareho kaming hindi agad nakaimik ni Francine sa binalita ni Ms. M. Ni hindi namin matignan ang isa't-isa dahil hindi namin alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon namin.
"I know that when it comes to personal life, you guys couldn't be in the same room with Paula. I know that very well," pagpatuloy nito. "But for the past months that she stayed with us, you both did great in handling your personal issues. Although, there are times na may mga saltik talaga tayo, lalo na ikaw Francine, yet still it's all good. Knowing that Sherri is directly affected, she handled it very well. Kaso despite all these, I need her to stay."
BINABASA MO ANG
HAUNTING - Haunting Past Book 3 / Sequel ( Lesbian Story)
Romance| GxG | On-Going | Filipino | The hardest part of moving on is being able to feel the pain no matter how hard you try. And for Sherri Garcia, she couldn't be anymore thankful to her support system who did not leave her side, misunderstood and misjud...