Chapter 20

925 50 25
                                    

~{Sherri}~

Kung sana tao itong tadhana na ito ay noon ko pa to napakulong eh sa panggagagago sa buhay ko! Hindi na nakakatawa ang mga pangyayari! Papunta na ng mental hospital ang puso ko! Dapat may rehab din sa mga pusong gulong-gulo!

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng toilet. Akala ko ibang tao kaya pinunasan ko ang mga luha na dumaloy sa mga pisngi ko. But I was wrong. Sumunod talaga si Gabby!

Huminto ito saglit upang makipagtitigan lang sakin at pakabahin ako lalo. But I couldn't be alone with her so I thought of escaping. Kaso nahawakan nya ako't hinila ako papunta sa unang cubicle.

"A-anong bang ginagawa mo?!"

Hindi ito kumibo at mahigpit lang akong hinawakan upang hindi makatakbo. Binitawan nya naman din ako nang nasa loob na kami ng cubicle at nasarado na nya ang pintuan.

"Gabby, nahihibang ka ba?! Magsisilabasan na ang mga em—"

Hindi ako nakapagtapos sa pagsasalita dahil tinikom na nya ang bibig ko gamit ang kanyang mga labi. I was shocked, literally speechless! Makakapagsalita ka pa ba kung hinahalikan ka na? Ang lambot pa ng labi nito. Nothing's changed!

I pushed her away, slapped her face and left her! Yun sana ang dapat kong gawin! Kaso hindi, eh! Tinulak ko nga sya pero hindi ganoon kalakas sa kaya kong gawin.

Hindi ko alam kung tanga ba talaga ako, takot lang akong malakasan ko ang pagtulak at masaktan sya, nanghihina ako o sadyang nasasabik ako dito.

Nasasabik???! Seryoso?! Ginawa ko pa talagang isa sa pwedeng dahilan yun?!

At hindi lang yun, hinahayaan ko pa ngayong ipagpatuloy ni Gabby ang paghalik sakin. It wasn't lust talking, I know! The monster inside me was doing the talking and was telling me that I deserved the truth, I deserved to know the answer and I deserve this another chance!

So, I let her! I let her kiss me, slowly, as I shed the tears too of longing and of pain!

Habang hinahayaan ko syang halikan nya ako ay sumisigaw naman ng 'Bakit?!' ang puso ko.

The kissed deepened and I could no longer endure acting as if it was nothing. Tinugunan ko din ang halik nito kasabay ng pagbabalik ng mga alaala naming dalawa noon. Nagbago sya para sakin. She risked for me. Ipinaglaban nya ako at ang pagmamahalan naming dalawa. She was proud of me! She exerted so much effort to make me feel I am really loved! And God knows I loved her so much! Binigay ko lahat! Ginawa ko lahat! Kaya kong ibigay ang lahat-lahat!

Kaya masisisi nyo ba ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko sya kayang itulak papalayo ng tuluyan sa buhay ko? Na satwing bumabalik sya ay niloloko ko lang pala ang sarili ko?

Nagulat kaming dalawa nang biglang tumunog ang selfon ko. Naitulak ko din ito ng kaunti.

Francine calling...

Kapag hindi ko ito sasagutin ay baka hanapin naman ako ni Faye at mas lalong magkagulo!

"Babe —-" tinakpan ko ang bibig ng makulit na si Gabby at nilakihan ng mga mata.

Sumunod naman ito't tumahimik.

"Hello, Francine!"

HAUNTING - Haunting Past Book 3  / Sequel ( Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon