Chapter 30

842 48 16
                                    

~{Sherri}~

I didn't get the chance to plan for a congratulatory surprise last night for Kate as we were on Skype the entire night. Nakakatawa ngang isipin na kahit nasa isang lugar lang kami ay naka-Skype pa kami. Parang LDR lang ang peg!

If I'd try to remember the type of Kate I first met, all I could ever think of was a shy and an afraid of the world type of person. Pero kagabi, grabe, ang daldal nya! Andami nitong naikwento sakin tungkol sa mga karanasan nya habang nag-aaral pa sya sa kursong hindi pa din ako makapaniwalang kukunin nya. I didn't have the slightest idea that my sickness was just instilled in her head! Ulcer nga lang yung naalala kong nalaman nyang sakit ko, eh.

And again, she made me feel loved without her knowing that. Yung akala kong mga kahinaan ko ay hindi ko inaasahang tatanggapin lamang ng buo ni Kate. And it was more than acceptance. She embraced it wholeheartedly without me asking for it.

Ang mga sakit ko ang isa sa mga meron ako na takot akong maging isang dahilan upang hindi ako mahalin ng isang tao, pero iba si Kate! Ni hindi pa nga nya alam ang ibang sakit ko pero parang sinasabi na nya saking handa syang maging tagaalaga ko buong buhay. She doesn't deserve somebody less as me. Sobra-sobra na sya para sakin. And I couldn't stop thinking about her and how blessed I am for God to again give her back to me.

Pambira! Ang lakas maka-teenager!  Kinikilig na naman ako na ewan!

Kaya upang makabawi man lang dito sa lahat-lahat ng ginawa nito sakin na hindi ko naman hiningi pero binigay nito ng buo at walang pag-alinlangan ay naisipan kong isurprisa sya. Ang problema lang ay hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung ano ang isusurprisa ko para sa kanya.

I think I need to use my call-a-friend button. Candice will certainly help me. Kumusta na din kaya yun?

Hawak-hawak ko ang selfon ko nang biglang dumaan at bumati si Faye.

"Hi, Princess! Good morning!" masiglang-masigla ito, yung dating sigla na pinapakita nya kapag napapasaya ko sya.

"Good morning! Ang aga mo, ah! Akala ko si Francine ang naliligo."

"Yun nga, eh. Ganun siguro kung may taga-gising na."

"Taga-gising?"

"Oo. Si Lyca. Muntik na nga akong dun na naman matulog sa kanila, eh, pero sabi nya kailangan ko daw umuwi at baka pati sya ay malalagot na sa mga kaibigan ko."

"Ahhhhhh," literally, mahabang aaaaaaaaaah. Nag-pause kasi saglit ang utak ko. "Lyca? Yung girlfriend mo?"

Tumango ito na nakangiti pa talaga. I was just looking at her eyes but she looked away after a second.

"Pa'no magbibihis na ako, ha. Bilisan nyo! Minsan lang ako maaga gumising." At umalis na ito papasok sa partition nya.

See? I was right! I knew I was right! Hindi sya makatingin sakin ng diretso dahil hindi sya sanay magsinungaling sakin. Of course, I am right! I should be right! Sa lahat ng taong nakakakilala sa kanya, isa ako sa hindi nya pwedeng pagtaguan ng katotohanan.

I badly need to talk her pero huwag muna ngayon. May usapan na kami ni Francine at kailangan ko pang ayusin ang surprisa ko para kay Kate.

~{Faye}~

Hindi ko mapigilang mapaluha pagkapasok ko sa partition ko.

Here we go again, Faye! Iiyakan mo na naman si Sherri gaya ng dati. Huwag na kasi! Tahan na! Wala namang mapapala yang pag-iyak mo. Ikaw nga tong nakasama nya ng matagal di ba pero ano? Wala din! Di effective ang kapogian mo!

"Te! May gel ka pa ba?" tawag ni Francine mula sa labas. Dali-dali akong nagpunas ng luha."Te, pasok ako, ah," saad nito at narinig ko nalang na binuksan nito ang pintuan ng kwarto ko. "May gel ka?"

"H-ha? O-Oo. Saglit," taranta kong sagot na nakatalikod pa din dito. Di ko alam kung iaabot ko sa kanya, ipapakuha o ano.

"Te, okay ka lang?"

"Oo naman," agad kong sagot sabay kuha ng gel at abot dito.

"Hmmm. Umiiyak ka." Hindi tanong kundi pag-amin ng kung ano'ng napapansin nito.

"Hindi, ah!" pagtanggi ko pero ang totoo ay nagrerebelde na ang mga luha sa mga mata ko.

"Huwag kang mag-alala. Nasa banyo na si Sherri. Di mo na kailangang magpanggap pa."

Doon na tumulo ulit ang luha ko. Tinatatakpan ko lang ang noo ko ng kamay sa kagustuhang pigilan ang sarili sa pag-iyak. Pero hindi ko kinaya lalo na nang pinaupo ako ni Francine sa higaan.

"Faye, kaibigan mo naman ako. Pwede mo akong pagsabihan ng kahit ano."

Humugot ako ng enerhiya sa kaibuturan ng puso ko. Antagal na ng huli akong umiyak sa harap ng iba. It's always been me, alone with myself.

"I-I don't think kaya ko pang pumasok ngayon Francine. A-akala ko, kaya ko."

"Ano ka ba! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Kaya mo yan, okay?"

Lumingo ako. "It isn't as easy as you think it is, France."

"Alam ko. Hindi ko man ramdam kung gano ka sobrang nasaktan ngayon pero alam ko din namang hindi madali ito. But Faye, you can't stop your world from turning just because you want to! Oo, nasasaktan ka! Pero sa tingin may magbabago kung sisirain mo ang takbo ng buhay mo? It'll only make things worst for you."

"Ngayon lang naman, eh."

"No! Kung nasasaktan ka ngayon, alam kong masasaktan ka pa din bukas. And then what? A-absent ka na naman?"

"Hindi. Ngayon lang talaga."

"Hindi nga sabi, eh! Papasok ka ngayon at ako ang masusunod. If you want to go out tonight with that fake girlfriend of yours, go! Gusto mong dun ka na muna, go!Basta siguraduhin mong safe ka at ea-update mo ako."

Mas lalo akong naiyak sa inaakto ni Francine. I never thought I needed a friend's hug so bad until he hugged me so tight.

"Alalahanin mo na kapag kailangan mo ng kaibigan, andito lang ako, ha. Kundi kukutusan kita!"Napangiti ako sa sinabi nito. "Sige na, put back that mask on your face, bago pa tuluyang mamula yang ilong mo!"

Indeed, no man is an island. Siguro maswerte pa din ako dahil kahit na lugmok na lugmok ako ngayon sa sakit ay may mga tao pa ding handang tulungan akong makabangon.

Cheer up Faye! Kung kaya mo noon, makakayanan mo din to ngayon. Hindi man ganun kadali pero darating din tayo dyan. Tiwala lang.

HAUNTING - Haunting Past Book 3  / Sequel ( Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon