Chapter 10

987 54 3
                                    

~{Sherri}~

Nasa lobby na ako ng building for around 15 minutes at hindi pa din makapag-isip ng maayos kung ano na ang dapat kung gawin. Kung tulala ako ngayon ay mas tulala pa ang isip ko. I couldn't think straight!

I know I don't have to make any decisions yet. Not forced even. Ang problema lang kasi ay sigurado na ako sa desisyon ko nun, eh, kaso nagulo na naman! Sigurado akong si Faye na ang pipiliin ko! But Kate suddenly arrived into the picture making the clear picture blurry.

I know! I know! Kung sigurado na talaga ako kay Faye ay di na sana ito mababago pa sa pagdating ni Kate! Kaso ang gulo lang kasi! Sobrang gulo! Medyo okay pa sana kung naguluhan lang ako, eh! Kaso nagpahalik pa ako! I let her kiss me for goodness sake after what she'd done and after the years lost!

Gaga! Gaga ka talaga Sherri sa pag-ibig! Samantalang si Faye nga na lage mong kasama ay hanggang noo at pisngi lang sayo.

Then, an idea came to mind. But, why not? Malay natin yung naramdaman ko kanina sa halik ni Kate ay kapareha lang sa epekto kapag halikan ako ni Faye, di ba? Or maybe could be more! I mean, hindi naman pwedeng ejudge ko nalang ang laman ng puso sa isang reaksyon ng katawan lang. Lalo nang pwedeng nadala lang din ako sa sabik na makita ito.

Kaso nakakaloka naman! Parang free taste lang? Haaays.

Nagulat ako sa biglang pgtunong ng selfon ko.

Faye calling...

"Hello?"

"Sherri, nasan ka na? It's past midnight!"

Napatayo agad ako sa kinauupuan.

"A-andito na sa lobby."

"Lobby saan?"

"Lobby ng building."

"Oh, okay! Nag-aalala ako sayo, eh! Baka di ka na makaabot sa train."

"S-sorry. Sige lang paakyat na ako dyan."

"Lift na ako. Hintayin mo nalang ako dyan sa lobby. Sunduin kita."

"O-okay."

Kabado ako sobra! Ano ba kasi tong ginagawa ko sa buhay ko?!

No! That's a wrong question! Dapat, ano ba kasi tong ginagawa ng buhay ko sakin?!

Naglakad na ako papuntang lift at sa mismong pagdating ko dun ay sya namang pagbukas nito at tumambad sa harap ko si Faye.

"Hey, mukhang pagod ka ata ah!" bati nito sabay halik sa noo ko.

It felt good every time she does that! I wonder how it would feel to be kissed by her on the lips.

"You know, that makes me nervous, you, staring at my lips."

Nabigla ako sa sinabi nito. Ano ba naman yan! Nakatitig na pala ako sa labi nya?! Haaays. Nagpapa-obvious masyado.

Lumingo ito't hinawakan ang kamay ko. "Whatever happened out there, I'm sure that's a good one."

Napahinga ako ng malalim. "Yah. Think so. Seeing Ka— Candice, after a very long time was a good one. B-but —-"

HAUNTING - Haunting Past Book 3  / Sequel ( Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon