Don't rush.
Everything that's worth it will always be worth the wait.- Khateerah Empaces -
•••
~{Sherri}~
Nagising ako sa malakas na tugtog na nagmumula sa partition na katabi ko, kay Francine. Na sinundan pa ng tawag sa Skype. Hindi ko binigyang pansin ang selfon ko't pinilit ang sariling makabalik sa pagtulog. Pero mukhang diterminado talaga ang mga tao na gisingin ako dahil pagkabukas ng pinto ay narinig ko na naman agad ang boses ni Faye na may kausap sa telepono.
"Tita, pasensya na po kayo. Nagluluto kasi ako't di ko agad napansin. Po? Ay baka, tolog pa po," saad nito sa kausap habang papalapit saking banda.
Kumatok ito sa pintuan ng partition ko't sumagot lang ako ng mahinang "Pasok!"
"Ay, Tita. Gising na pala. Nagising ata sa ingay ng tugtog ni Francine," huling sabi nito sa kausap bago inabot sakin ang selfon. "Si Mama mo."
Dun ko lang naalala sina Mama at Papa. Oo nga pala at alam nila na holiday ngayon at wala akong pasok.
Umupo ako mula sa pagkakahiga.
"Salamat," saad ko kay Faye na wala man lang pakialam sa itsura kong parang nakuryente sa gulo.
"Walang anuman. Maluluto na yung nilagang baka, dalhan nalang kita dito ha?"
"Naku, huwag na! Dun na ako kakain."
"Sige lang. Dalhan nalang kita at nang makakain ka habang nag-uusap kayo ni Tita't Tito ng maayos."
Tumango nalang ako dahil alam kong di ko din naman mapipigilan ito.
"Ma, Pa, pasensya na ho. Napasarap na naman po ang tulog ko, eh," saad ko kena Mama at Papa.
"Naku, anak! Oras na ng tanghalian at nasa kama ka pa! Wala talagang pagbabago," saad ni Papa.
"Mabuti nalang at andyan si Faye. Paggising mo'y may pagkain ka na at kung di ka naman namin ma-contact ay andyan sya upang matawagan namin."
Napangiti lang ako. Di din kasi nila maasahan ang bakla dahil kagaya ko ay matagal din iyong magising at tolog mantika pa. Malamang nga ngayon ay nagising din sa ingay kaya nagpatugtog. Ako tuloy ang nagising.
~{Faye}~
"O Faye. San mo yan dadalhin ang mga pagkain at naghanda ka ng tray? Dito ka na upang sabay nalang tayo," saad ni Kuya Mark, may-ari ng flat na tinitirhan namin.
"Hindi yan sa kanya. Malamang sa Prinsesa nya," komento naman ng asawa nya, si Ate Jona.
Di ko mapigilang mangiti. Alam na din kasi ng buong tao sa bahay ang tungkol sa matagal ko nang panliligaw kay Sherri. Di ko naman ikinakahiya na hanggang ngayon ay nanliligaw pa din ako.
"May tama ka Ate Jona. Ang galing mo talagang manghula."
Binuksan ko muna ang pintuan ng kwarto namin upang di ako mahirapan pagkapasok ko bitbit ang tray ng mga pagkain patu sawsawan para sa mahal kong Prinsesa.
"Anak, umamin ka nga sa amin, kayo na ba ni Faye?" narinig kong tanong ni Tito bago pa ako makapasok sa kwarto. Tinanggal na siguro ni Sherri ang headset ko sa selfon.
"Hindi pa po Pa. Kayo talaga, o!"
"Aba'y sagutin mo na! Antagal na nyang nanliligaw sayo! Nakauwi nalang ako'y nanliligaw pa din?"
BINABASA MO ANG
HAUNTING - Haunting Past Book 3 / Sequel ( Lesbian Story)
Romance| GxG | On-Going | Filipino | The hardest part of moving on is being able to feel the pain no matter how hard you try. And for Sherri Garcia, she couldn't be anymore thankful to her support system who did not leave her side, misunderstood and misjud...