Kate
I couldn't wait to talk to Sherri anymore. But I've suffered this long, so I have to wait a little more. I really want to tell her personally that I finally got a job. Hindi ko inaasahan na ganun kabilis ako makakahanap ng trabaho. And the best part is that the hospital's closer to her home than where I'm living now. Mapapalapit na talaga ako kay Sherri! Tsaka ko nalang iisipin ang paghahanap ng bagong malilipatan dahil kailangan ko munang hintayin ang magiging reaksyon nito. I hope Candice would understand.
May mabuti din pala na maidudulot ang pagiging busy ni Sherri. Dahil kung hindi, makakapagsinungaling pa ako kung tatanungin ako Anong ginagawa ko at asan ako. She slept early last night, too, kaya hinayaan ko nalang din. With Francine answering only means she's really so tired. I knew how that feels. I was working as nurse in the operating room kaya yung salitang "busy" ay pang-araw-araw ko na na buhay iyan. Late din ako nagising kaninang umaga pero dahil nag-iwan ako ng mensahe dito kagabi, nag-reply na ito pagkagising ko. Yun nga lang busy na naman sya. Hinayaan ko nalang din at naghanda din ako sa lakad ko. Dapat kahapon ko pa sinabi kaso natulog na nga ito. Lage nalang kasi ako wala sa tamang timing.
Kakarating ko lang sa bahay at pabihis na din ako. Yun nga lang ay hindi ko alam kung pambahay ba o panlakad na naman ang isusuot ko. Kailangan ko pa kasi tong tanungin kung libre ba sya ngayong gabi at makikipagkita sana ako.
Pagbukas ko ng selfon ay May mensahe na akong natanggap. Fifteen minutes ago pa pala tong huling mensahe nya. Di ko napansin dahil na din Siguro naglalakad ako't hindi naman ako nakaheadset.
Hi, Spice! Tungkol pala dun kay Faye, nag-confirm na sya na tuloy daw kami mamaya. I really want to see you but I think tomorrow I'll be free to meet you if like. Mensahe nito. Napapangiti nalang din ako because somehow masaya akong okay na sila ni Faye.
Nung nag-voice message ito kanina tungkol sa kinwento ni Faye kanina, I was relieved. Not just because she's my greatest fear compared to ex of hers named Gabby but because I knew deep inside Faye's important to her. She was her best friend and that years for friendship was tested. I knew they were office mates, but I didn't understand two friends liked the same girl and still remained friends afterwards. Hindi din kasi namin napag-usapan ni Sherri. We had a lot of things to talk about each other. Right. I should never mind about her past anymore. Gabby's just an ex-girlfriend and Faye's about to start a new relationship. I hope they'll work out. She deserves happiness, too.
Nagbihis nalang ako ng pambahay at humiga sa kama pagkatapos upang magreply sa chat ng future misis ko. Natawa ako sa iniisip ko. Too advance and too confident.Could you blame me? After the kiss we shared I'm more than sure that it will work well. And now that her friendship with Faye was fixed, I'm seeing the brighter side for the both of us.
Thinking about it, naisipan kong tawag ang kapatid kong inaaway na ako sa chat dahil hindi na daw ako nakakakilala ng kapatid. She never changed! She's still exaggerates things but I learned to loved her for that. I miss her actually.
Pagkatapos kong esend ang reply ko kay Sherri ay tinawagan ko na agad si Zoey na agad namang sumagot.
Sherri
Hindi ko mapigilang kabahan para sa pagkikita namin ng nililigawan ni Faye. Hindi ko kasi alam kung pa'no ako dapat umasta. Parang baliw lang, di ba? Normal lang dapat syempre pero itong utak ko ay hindi talaga mapakali. Mahigit kalahati sa isang daan na pursyento ay sigurado akong totoo ang pinapakita ni Faye. Yung natitirang porsyento ay depende na kung pa'no sila umastang dalawa. Alam ko naman kasi ang natural kay Faye at hindi, eh. Una ay ang ngiti pa lang nya. Kahit mga mata nito ay lageng kumikinang. Naalala ko kasi yung kaarawan ko pagkatapos naming maghiwalay ni Gabby at sya ang kasama ko. Yung ngiti nya ay iba. Oo nga pala. Ilang beses na daw syang nangingimbitang mamasyal pero hindi ko daw sya pinaunlakan.
BINABASA MO ANG
HAUNTING - Haunting Past Book 3 / Sequel ( Lesbian Story)
Romance| GxG | On-Going | Filipino | The hardest part of moving on is being able to feel the pain no matter how hard you try. And for Sherri Garcia, she couldn't be anymore thankful to her support system who did not leave her side, misunderstood and misjud...