꧁KATE꧂
TULUYAN na akong nagising dahil sa mga kabog ng pinto at mga kaluskos. Araw-araw na lang ganito si Alicia sa linggong ito—nagmamadali at natataranta. Sa mga nagdaan na araw ay hinahayaan ko lang siya pero ngayon ay hindi na ako makapigil dahil sa kuryosidad.
"Ali, why are you in such a hurry? Can you slow it down please? I'm still so sleepy," reklamo ko rito sabay bago ng posisyon habang nakapikit.
Ayoko munang idilat ang aking mga mata dahil kapag gagawin ko iyon ay alam kong mas mahihirapan lang akong matulog ulit. Pakiramdam ko nga ay kakapikit ko pa lang.
"I'm sorry, Babe. I'm just late again."
"You are just going to the gym and it's still so early. How could you be late?" puno ng antok kong tanong.
Sumilip ako sa maliit na pagbuka ng kaliwa kong mata nagbaba-sakali na mali ako pero nakadamit ulit siya ng pang-gym kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang magmadali. I'm sure no one's in the gym right now because it's a work day.
"I'm not heading to the gym yet. I am still going to meet Gabby."
"Gabby?!" tuluyan na akong napadilat ng dalawang mata kahit pa nasisilawan sa sinag ng araw.
"Yes," kalmado nitong sagot habang tinatapos ang pagtatali ng buhok.
"So, you mean, for the entire week, you were just meeting Gabby?"
That's me telling myself I'm wrong but just want to make sure if I'm right.
"Yap. And for the entire week, I'm always late!"
What?!
"But why? Why Gabby?" ang hindi ko mapigilan na tanong. "I am here," I said in a loud voice as if deliberating.
Kami ang magkasama sa bahay pero tila kami pa ang halos hindi nakapagpasyal na magkasama. She could at least try and ask me.
"Babe, you are coming home late with your family and I know you're having a hard time going to sleep. Of course I won't wake you up."
"We are both sleeping at the same time," tuluyan na akong napaupo na gustong magmaktol.
"Regardless, my body clock is still waking me up. You know that. Besides, Gabby's on a night shift for a month, so, I gotta grab that opportunity."
Opportunity talaga?
Hindi ako makaimik dahil hindi ko alam ano ang sasabihin. Ganito nga kasi talaga siya. Kahit kulang pa sa tulog ay nagigising talaga sa kaparehong oras araw-araw.
"Aw, stop being grumpy," paglapit nito kasabay ng pagpapahiga nito sa'kin. "I promise I'll be quiet tomorrow so I won't change your mood. Go on now. Go back to sleep before you'll lose it completely. I need to leave anyway, too. Bye, Babe!" humalik muna siya sa aking pisngi bago nagmadali na lumabas ng bahay.
Hindi ko tuloy mapigilan ang sariling mainis. Kung kay Sherri ay si Gabby ang karibal ko sa puso, kay Alicia naman ay siya pa rin ang karibal ko pero sa oras.
Alam kong lagi ko na lang kasama ang pamilya ko sa galaan at binibigyan niya lang din ako ng oras na ma-solo ko sila pero bakit napaka-big deal naman yata nun bigla? Matagal na namin siyang kasama at para na rin siyang kapamilya ng lahat! Her coming with us should still feel like home! Anong pinagkaiba ng noon at ngayon? She's already and still is part of the company.
At bakit sa lahat ng tao si Gabby pa talaga?!
Ano bang meron kay Gabby at tila nahihila niya ang dalawang babaeng ispisyal sa puso ko?
BINABASA MO ANG
HAUNTING - Haunting Past Book 3 / Sequel ( Lesbian Story)
Roman d'amour| GxG | On-Going | Filipino | The hardest part of moving on is being able to feel the pain no matter how hard you try. And for Sherri Garcia, she couldn't be anymore thankful to her support system who did not leave her side, misunderstood and misjud...