Chapter 43

1.8K 56 69
                                    

~{Francine}~

One of the hardest part to deal with in friendship is lying and hiding, most especially if it's something you have done for the first time! Pakiramdam ko ay maiihi na ako sa kaba.

Napalabas ako ng bahay ng wala sa oras upang abangan ang pagdating ni Sherri ngunit napapasok din ulit dahil kailangan kong subukang makatakas sa pinasok kong kasinungalingan!

"Te, I'll call you back alright? Seconds lang."

"And why?" puno ng pagtataka ang boses nito sa kabilang linya.

"Basta. Bye!"

Tinapos ko ang usapan at tumakbo papasok sa kwarto. Hindi ko mahagilap si Gabby. Sinilip ko ito sa kwarto ni Sherri at nakitang tinitignan ang mga litratong nasa frame.

"Oy, babae makinig ka!" at hinila ko ito sa kamay papunta sa partition ko. "Dito ka lang okay? Dito ka lang until I told you what to be done next. May mobile data ka di ba?"

Tinaasan ako ng kilay nito. "Yah?"

"Good. So, I'll message you. Bye," ang huling sinabi ko pagkakuha ng wallet sa drawer ko.

"Pero France—-"

Hindi ko na narinig pa ang kasunod pang sinabi nito at dali-daling lumabas ng bahay.


~{Sherri}~

"What happened?"

"I don't know. Binaba nya lang ang phone eh. Tatawag daw sya ulit after few seconds," sagot ko kay Faye.

"Ha?"

Natawa ako sa reaksyon nito. "Ewan ko dun. Ang weird nga, eh."

"Must be hiding something or mind was still asleep."

Di na ako nakasagot dahil nag-ring ang phone ko't tumatawag na si Francine. I signaled Kate for silence.

"Oh France? Tapos ka na?"

"Ha? Anong Tapos na ako?"

"Tapos mo na bang itago ang boylet mong pinatulog mo sa bahay!"

"Baliw! Walang boylet ah!"

"So? Bakit parang natatakot ka?"

"I'm not. Nakalimutan ko lang ang wallet ko and I want to buy grocery. Asan ka na ba't samahan mo nalang ako."

Natawa ako dito't si Kate muna ang pinansin ko dahil tatayo na't dadalhin na ang napagkainan namin sa kusina.

"Spice, ako na nyan."

"No. I'll take care of it. Just continue talking to Francine," Kate insisted.

"Spice, sige na. Ikaw na nga nagluto, ikaw pa maghuhugas? Ako na nyan, promise." I insisted too.

"Wait! Seriously, Sherri asan ka?" pagreak ni Francine sa kabilang linya.

"Nasa puso mo!"

"I hate you! Seriously, asan ka?!"

At dahil nag-uusap pa nga daw kasi kami ni Francine ay si Kate na nga talaga ang naghugas ng pinagkainan. Ang swerte ko pa din talaga!

"Bakit ba, France? May tinatago ka no?"

"Of course wala!"

"Then why is it such a big deal kung asan ako? Obviously may tinatago ka!"

"Of course wala. Ano kasi, ano, dahil sayo na-excite akong maggrocery kaya bumangon ako upang salubungin ka sa baba!"

"Wow! Nice try Te. Ano nga?"

"Nothing! Baliw ka talaga! Babalik na nga lang ako ng bahay! Gusto ko kasi magsinigang na Bangus kaso mukhang busog ka na ata dyan sa puso ko!"

Napatawa ako.

"Oy Te, asan ka na ba talaga?!" ang di pa din mapakali na si Francine.

"Andito pa po kena Kate kaya relax lang. Pasensya naman at napauwi mo na tuloy ang boylet mo dahil sakin!"

"How I wish na may boylet! Sige na! Nakakainis ka! Bye!"

Nakangiting nagpaalam na din ako dito. Friendship such as this is the best! Antagal na naming magkaibigan at ang swerte kong andyan pa din ito sakin kahit papano.

But Faye? Ewan. I wanted Faye to stay but I don't think it's ever going to be the same anymore. Pain, broken trust and a broken heart were obviously capable of changing it all.

"Spice, is something wrong?" pagpukaw ni Kate sa malungkot na iniisip ko.

"N-nothing."

"You sure?"

"Yah. May iniisip lang. So, any plans?"

It seemed she wanted to argue more but good thing she let it pass.

"Yah. I have a couple of plans for tonight. You just have to pick what you wanted."

~{Francine}~

Ang sarap-sarap talagang tuhugin ng babae to at ebarbeque! Kaso hindi naman ako makapagreklamo dahil baka ngang overreaction din naman talaga ako.

Bumalik ako sa kwarto pagkatapos mapakalma ang sarili at nadatnan na nakaupo na sa kwarto ko si Gabby hawak-hawak ang isang bracelet. Well, a bracelet shouldn't be a big deal but it certainly is a different bracelet.

"Alam mo ba, nasakin pa din 'to," panimula ni Gabby na nakatitig lang sa bracelet na hawak nang mapansin akong pumasok sa partition ko. "All these time nasakin pa din ang bracelet namin ni Sherri. Cos I believe magiging worth it din ako ulit na suotin ito. It always reminds me of Sherri."

Napabuntong-hininga nalang ako. Pag-ibig nga naman, mas malala pa ata sa namatayan minsan kung magluksa.

"Hay naku, Gabby! Basta ako, sinasabihan na kita! Huwag kang mag-expect! Masaya na si Sherri kay Kate."

"Maybe. And maybe, magiging masaya din sya sakin tulad ng dati. Hindi lang naman paniniwala ko ang pinanghahawakan ko, France, eh, kundi anong meron kami dati."

Napalingo't napabuntong-hininga nalang ako't naisipang ibahin ang usapan.

"So, ano? Naniwala ka na, ha, na hindi talaga ako nagsisinungaling sayo na wala talaga dito si Sherri. So, now, it's your turn to keep your promise. Huwag mo na akong kulitin pa."

Ngumiti ito at tumayo. "Oo na! Ito na at aalis na."

It pains me too to see Gabby this way kaso wala akong magagawa. She has to accept the outcome of her choices.

Nauna itong lumabas ng kwarto upang umalis na nga't napahinto lang sa pintuan bago tuluyang lumabas.

"Salamat France. Hindi sa hindi ako naniniwala sayong wala dito si Sherri. Sadyang gusto ko lang makita ang kung anong nakikita nito araw-araw. And yah, I'm not going to bother you anymore. Tama na yung nakita ko sa lakas na kailangan ko. Alam kong si Kate ang una nya, but you have to remember that almost qualifies to puppy love. Yung samin may mas laman, may mas panghahawakan."

I didn't know what to say. Ano nga bang erereak ko sa taong puno ng paniniwala sa pagmamahalan ng nakaraan. Tumango lang ako dito't tsaka nagpaalam.

HAUNTING - Haunting Past Book 3  / Sequel ( Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon