FIVE YEARS AFTER...
꧁SHERRI꧂
ANG lakas-lakas ng ulan na may kasama pang kulog at kidlat dahil sa bagyong Trining kaya hindi ako mapakali. Ni hindi nga ako makaupo kakahintay sa pagdating ni Gabby. Today is our fifth anniversary pero nasaan ang magiting kong girlfriend? Ayun at hinihintay pa namin makapaglanding ang sakay niyang eroplano. Konting-konti na lang talaga at paaalisin ko na siya sa trabaho niya. Kung buntis pa siguro ako ay nakunan na ako dahil sa istres araw-araw lalo na kung may mga ganitong problema.
"Sherri naman! Can you please sit down? Ako ang nahihilo sayo at naiistress," wika ni Paula na haplos-haplos ang pitong buwan na tiyan.
Until now, I'm still glad I chose forgiveness over pride that night when Paula decided to quit. Since then, a friendship has formed.
"Sorry," sabay himas ko sa tiyan nito. "Kasi naman Pau, may bagyo."
"Her plane landed already," sabat ni Dane, asawa ni Paula na isang trans na Singaporean.
They got married two years ago at agad naghanap ng sperm cell donor because they really want to have a complete family. And viola! After a long, successful search and process nakabuo sila sa wakas.
"Sure?! Her plane arrived?"
"Yes. See," pinakita ni Dane ang flight status sa'kin.
"Thanks Honey," pasalamat nito sa asawa. "Kita mo na! Pati asawa ko ay naistress na rin sayo."
"Pau, tama ka. Paaalisin ko na talaga siya sa work niya na 'yan."
Tinawanan lang ako nito.
"Seryoso. Alam mo, bahala nang walang handaan na ganito, eh, basta magkasama lang kami ay okay na."
"I know. Pero hayaan mo na. Ngayon lang naman nangyari na nagpahanda siya ng ganito ka enggrande because normally you both spend time together alone. I'm sure she hates the weather more than you."
Hindi ako nagkomento kasi isa siya sa mga taong gusto ko ring masorpresa sa araw na ito.
"Te, Gabby's flight arrived na," paglapit ni Francine sa'kin.
"Yeah. Dane told me."
"Kaya relaks ka na ha. Why don't we just start the dinner? Kawawa naman ang buntis pati na rin ang mga taong naistres din sa pag-aalala."
"Oh, yes please, France. Paki-announce na lang."
Nag-excuse din muna ako kay Paula upang tawagan si Daddy. Simula nang nalaman nila na nagkabalikan na talaga kami ni Gabby ay pinatawag na akong Daddy at Mommy ng mga magulang nito. Kung maghiwalay daw kami ulit ay itatakwil nila si Gabby bilang anak. Kapag naaalala ko iyon ay natatawa na lang ako.
"Yes, anak?" sagot ni Daddy.
Sa limang taon namin ni Gabby ay kinikilig pa rin ako sa tuwing tinatawag akong anak ng ama ng mahal ko.
"Nakarating na raw po si Gabby?"
"Oo. Tumawag na siya sa'kin. Hinihintay ko na lang siyang lumabas."
Sasagot pa sana ako pero tumawag na si Gabby sa'kin.
"Dad, wait. Gabby is calling. Sasagutin ko lang po. I was just really checking if she's updating you."
"Yes. Yes. Just tell her I'm waiting for her inside Starbucks."
"Okay, Dad. Thank you!"
Pagbaba ko ng tawag ay tinanggap ko agad ang tawag naman ni Gabby.
BINABASA MO ANG
HAUNTING - Haunting Past Book 3 / Sequel ( Lesbian Story)
Romans| GxG | On-Going | Filipino | The hardest part of moving on is being able to feel the pain no matter how hard you try. And for Sherri Garcia, she couldn't be anymore thankful to her support system who did not leave her side, misunderstood and misjud...