Chapter 15

905 51 31
                                    

~{Faye}~

I couldn't just sit around and waste my time worrying about things lurking in my head. Sabi nga nila kapag nasa poder mo, ipaglaban mo. Hard to admit but it's true, hindi ko pupwedeng isuko ang laban ng ganun-ganun lang. I've been with Sherri longer than them kaya ako ang mas may karapatan sa oras nito. Oo, hindi kami, pero alam kong dapat ako ang piliin nya. I gave Gabby her chance but she wasted it. Now, there's no giving up!

And being dropped with two bombs on the same day might just mean my lucky day!

Binilisan ko ang paglakad ko papunta sa opisina ng dalawa. It's not going to be a good news but I have to drop the bomb to them, too. Sila kasi dapat ang mas maghanda sa laban na ito, hindi ako.

Pagkatok ko palang sa pintuan ng opisina nila ay kulang nalang lumabas ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Pagkapasok ko ay sabay lumingon sina Sherri at Francine sakin bago nagkatinginan sa isa't-isa. Timing naman na may kausap din ang General Accountant nila.

"I got one news."

Nakatitig lang ang dalawa sakin na hindi maitago ang kaba.

"Your new officemate is —"

I couldn't say it! Ang hirap bigkasin! Taon din ang inabot bago namin nakalimutan! And it hurt me to see the person I love in pain because of her! Oo nasaktan ako nun pero okay lang, eh! Ngunit nung nasaktan sya tapos wala man lang akong magawa upang tanggalin ang sakit na ito sa kanya? That hurt me, too!

"Faye, ha! Hindi nakakatuwa yan! Spill the beans!" pagreak ni Francine.

"Seriously, guys, I'm having goosebumps!"

"Sabihin mo na kasi sabi, eh!"

"Paula."

"What?!" reaksyon ni Francine.

Si Sherri naman ay napanganga at napatigil sa paghinga.

"Paula," pag-ulit ko pero hindi pa din sila kumikibo at nagkatinginan lang. "You heard me, right! It's Paula. We saw Gabby right? Now, that explains why she's here. She's with Paula. Sinamahan nya ito sa interview nito and I think it's unfortunately, she was chosen."

Ibinuga ni Sherri ang kanina pa nyang pinigilang paghinga at napahawak sa ulo.

I know, Princess. It's going to blow you off your mind!

~{Sherri}~

F*ck! Hindi ko mapigilang pagreak sa utak ko.

I couldn't do this! I couldn't think straight anymore! Yung kaba ko kanina mas lalong lumalala.

"You-are-freaking-kidding-us-right?!" ang di din makapaniwala na pagklaro ni Francine.

Lumingo si Faye. "I wish I am."

"The F! Anong problema nilang dalawa?! Ganun nalang talaga ba kaliit ang mundo?!"

"Oy, sali nyo naman ako dyan," ang di na din mapigilan na pagreak ni Ana. Naguguluhan na siguro ito saming tatlo. "Sino ba kasi ang workmate natin na bago? Kilala ko ba?"

HAUNTING - Haunting Past Book 3  / Sequel ( Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon