~{Sherri}~
If there's one thing I learned from love, that's you never truly loved until you have risked something. More often than not, you had your heart to offer, and by doing so, expect it to be scarred or shattered.
Minsan hindi ka lang nahihirapan sa sitwasyong meron ka kundi nasasaktan ka na din ng hindi lang ng taong mahal mo kundi ng mga taong nakapaligid sayo. To be hurt is quite typical when you talk about love. It's nothing new! Pero yung ikaw ang nakapanakit ng ibang tao, ibang usapan na ito.
Binabagabag na ako ng konsensya ko't hindi pa din ako mapakali sa upuan ko. Knowing that Faye's alright was not enough!
Nagvibrate bigla ang selfon ko. Si Spice pala.
Hi, Spice! Kumusta ka na? Hindi pa din ba pumapasok si Faye?
Haaay. Kahit nga si Kate na hindi naman kailangang mangumusta kay Faye ay nangungumusta pa din. Pano na kaya ako.
Hindi ko nga alam, Spice, eh. Kanina pa ako tumatawag sa selfon nya pero hindi pa din ako nito sinasagot.
"Oh my gosh! Walang virus! Walang masakit sa mata! Pakiramdam ko ay magiging maganda ang araw na ito!" masiglang saad ni Francine mula sa kinauupuan nito.
Malamang si Paula na naman ang tinutukoy nito. Hindi pa kasi dumarating hanggang ngayon eh thirty minutes na ang pagkalate nito.
"May nangyari ba sa inyo ni Paula?" biglang tanong ni Maria.
"H-ha? W-wala naman. Bakit?"
"Napapansin ko kasing kanina ka pang wala sa sarili at parang ang layo pa ng iniisip mo. Tapos late pa si Paula."
"Ah! Wala. Okay lang naman ako. May iniisip lang talaga ako."
"Oh my gosh! I'm really so sorry I'm late!" malakas na saad ni Paula sabay tawa pa. Speaking of the devil!
Kumatok ito sa opisina namin ni Maria bago pumasok.
"Good morning! I'm so sorry for being so late, Ms. Maria. Nakakaloka kasi talaga! Nakatulog ako sa train! Paggising ko ay nasa JLT na ako! Mabuti nalang at tumawag ang parter ko kundi naku baka sa dulo na station ako aabot."
Hindi ako tumingin dito at nag-aktong may ginagawa sa kompyuter ko.
"At baka mahuli ka pa. Bawal kasing matulog sa train," sagot ni Maria dito.
"Oo nga, eh. May eyes are so red pa nga eh! Sorry talaga, Ms. Maria ha!"
"Okay lang. Dumaan din kami sa ganyan," mabait na sagot ni Maria. As expected, ganun talaga ang isasagot nito. Di naman kasi ata marunong magalit itong si Maria, eh.
"Thanks, Ms. Maria."
Hindi pa nga nasasarado ang pintuan ay narinig ko na naman ang pagputak ni bakla.
"Sos, nakatulog! Ang sabihin mo namumula ang mata mo dahil sa kakaiyak dahil ayaw na talaga ni Gabby sayo! Duh! Desperada!"
Nagkatinginan agad kami ni Maria.
"Excuse me?!" reaksyon ni Paula.
BINABASA MO ANG
HAUNTING - Haunting Past Book 3 / Sequel ( Lesbian Story)
Romance| GxG | On-Going | Filipino | The hardest part of moving on is being able to feel the pain no matter how hard you try. And for Sherri Garcia, she couldn't be anymore thankful to her support system who did not leave her side, misunderstood and misjud...