Chapter 69

83 4 2
                                    

꧁SHERRI꧂

THURSDAY— the last day of the first week of the new year. We need a good meal to give birth to good memories as Francine said. Well, as for me, I started just fine. Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Gabby ay mas nagising na ako sa katotohanan. This is gonna be hard but I owe this to myself, too.

"So, Sherri, hanggang kelan mo kami iba-blind and deaf sa totoong estado ninyo ni Gabby? Just so to remind you, I saw a part of what happened kaya huwag mong tangkain na magkaila," pagsisimula ni Francine.

"Kaya nga Sherri. Kung hindi lang ako sinabihan nitong si Francine ay baka binalibag ko na si Gabby nang makita kong namumula ang ilong at mga mata mo, eh. But what's making me so curious is what happened after that. Ang saya nyong dalawa. No limits. No buts. It's like really, something fishy is going on."

"Bakit ayaw niyong maniwala na wala talagang nangyari?"

"Day, tutuhugin kita nitong toothpick kung hindi ka magsasabi!" nakakatawang pananakot ni Francine.

"As in, wala lang talaga. I just said my piece."

"Meaning?" tanong ni Faye.

"Meaning nilabas ko lang iyong saluobin ko na walang halong pagdadalawang-isip. Parang it felt good to be true to yourself."

"Teka. Paanong umabot sa ganun? Kakarating lang kasi ni Gabby nun, di ba?"

"Tumawag kasi ang family niya kaya ayun, para akong ibinalik sa kahapon."

"You miss them?"

Tumango ako kay Faye. "Her family was my second family. Tinanggap nila ako ng buong-buo."

"Lalo na ang Daddy ni Gabby. He's such a perfectionist. Super strict pero bet ka para sa anak nila."

Napangiti ako. Naalala ko na naman ang unang araw na sinundo ako ni Gabby sa opisina. Touch na touch pa ako nun. Iyon pala ay kailangan niya lang ng tulog na harapin ang Daddy niya.

"Wala na. Nag-zoom out na si Sherri," palingu-lingong wika ni Francine. "Mahal po no?"

"H-ha? H-hin—"

"Ang tagal makasagot! At least for once, Teh, magpakatotoo ka naman sa sarili mo."

"France, hindi naman pwedeng mag desisyon ako agad porket nami-miss ko ang pakiramdam kung ano kami dati. It's totally different now."

"Because of Kate?" tanong ni Faye.

"Si Kate na walang oras sayo."

"Oo, because of Kate. And France, I need to hear her out din. I can't just be selfish. Nag-aalala na nga ako eh kung napano na siya at ang pamilya niya."

"Oo nga naman, France. Sherri has to be considerate. But I just want to clear this one out, Sherri, ha. Are you doing this because may nararamdaman ka para kay Kate o dahil nakokonsensya ka? If that's guilt then you need to be honest with her."

"Iyon na nga, eh. Paano ko siya kakausapin Faye kung hindi nga naman siya nag-o-online. I want us to talk. Gusto kong sabihin sa kanya ang nangyari sa amin ni Gabby. Gusto kong sabihin sa kanya ang desisyon ko at ang mga plano ko."

"And that is?"

Para akong nabigla sa tanong ni Francine. Sigurado na ba talaga ako?

"Uhm... about my parents coming here."

"No. The decision part. Ano ang napagdesisyonan mo?" pagklaro naman ni Faye.

Sumubo muna ako ng pasta upang makahinga bago sumagot.

HAUNTING - Haunting Past Book 3  / Sequel ( Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon