Chapter 59

423 24 49
                                    

Kate

I need to drink! I badly need to drink! Kung nasa Canada lang sana ako ay malamang umiinom na ako ngayon, not to get myself drunk but to calm my nerves. I didn't even get a chance to buy Sherri a Christmas gift. Time is not in my hands right now!

Ang inaalala ko lang ay kung paano niya tatanggapin ang balitang ito. She'll be worried, that's for sure, and I know she'll be scared, too. I am, too! Hindi ko alam kung kelan ako makakabalik. Ni hindi ko alam anong mangyayari sa'kin pagdating ko sa Canada. Ang tanging alam ko lang ay ang masiguradong maligtas si Daddy.

Pagkababa ko ng taxi ay umakyat agad ako sa building nina Angel. Hindi ko alintana ang bigat ng luggage ko. Ni hindi ko nga na-arrange ito ng maayos. Hindi na rin nakaimik si Candice sa biglaang pag-iimpake ko kanina pati na rin sa balitang ibinahigi ko dito.

If she's speechless, pa'no na ako? I couldn't even talk to Zoe properly because she couldn't think straight. Hindi ko alam kung may nakabangga ba kena Dad o ano. Ni si Alicia ay hindi ko pa makausap ng maayos dahil si Zoe rin ang binabantayan nito.

Zoe wasn't raised for things like this. Laging andun ako. Laging Kate nang Kate ang isang iyon! It's my fault for always being there with her and for not being able to say no to her. She became dependent to me without her knowing.

Natigil lang ang pag-iisip ko nang marinig ko na ang malalakas na tugtog pagkalabas ko ng lift. It's Christmas eve so I should expect this. Iyon nga lang, hindi ako isa sa mga taong magiging masaya sa araw na ito.

Ayoko mag-doorbell dahil maraming tao sa loob kaya sinubukan kong pihitin ang pinto. Well, luckily, it's open. Ayokong maging sentro pa naman ng atensyon.

"Kate!" bati ni Faye sa'kin na siyang bumungad pagkapasok ko.

"Hi, Faye!" pilit kong bati.

"Mabuti nakarating ka na!"

"I really tried my best to be here as fast as I can. How's Angel's surprise?" I have to at least act normal.

"Alam mo rin?!" gulat na tanong nito.

Natawa na lang ako. "Of course. How can I not?"

"Kate!" bati ni Angel na napansin yata akong dumating at lumapit sa amin. Bumeso ito sa'kin so I accepted it although personally, I find it awkward. I'm not a beso person, even in Canada. Minsan si Alicia na ang nagsasabi sa mga kaibigan niya ahead so I won't offend them.

"Angel. I'm glad to hear your surprise was successful."

Abot tenga na ngiti ang agad na sagot nito. "Oo nga, eh. Salamat kena Sherri at napaniwala itong isa na hating-gabi pa ako makakarating. Ang gift ko pala sayo ay na kay Sherri, ha."

"Oh my gosh! You have a gift for me?"

That made me even sad. Wala nga kay Sherri, sa ibang tao pa kaya. And my family needs me, and I couldn't be with them as soon as they needed me! I feel so useless!

"I'm so sorry I wasn't able to prepare---"

"Ano ka ba! Kaya nga pasko, di ba? Enough na ang friendship natin. By the way, Sherri's in my room. Pasukin mo na lang. Nagbanyo lang daw siya, eh."

"Sure I can just go inside?" may pag-aalalang tanong ko.

I am shy to go to somebody else's room plus I don't know how to start the conversation with Sherri. Taking the smile she'll give me will surely stab my heart.

"Oo naman."

Bago ko pa makalimutan ang maleta kong iniwan sa labas ay pinasok ko muna ito.

"Can I leave it here for awhile?" tanong ko sa dalawa na bakas ang pagkabigla at mga tanong sa mukha.

HAUNTING - Haunting Past Book 3  / Sequel ( Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon