Chapter 1 - First Meeting

4.2K 63 8
                                    

Bata palang ako alam ko na ang pakiramdam na yung ikaw na sana o kaya malapit ka na pero kinapos ka. At lagi mong naririnig ang salitang 'Sayang, Keena' at 'Konti nalang, Keena'. At kahit anong pagbubuti ang gawin ko laging hindi sapat, laging kulang, at laging kapos.

Kaya maaga ko ding natutunan na makonteto, magbingi-bingihan sa sasabihin ng iba at ilayo ang sarili ko sa mga nakapaligid sa akin. Hindi ko alam kung anong meron sa mga tao, mas nakikita nila yung konti mong pagkukulang. Lagi din akong kinukumpara sa iba, lalong-lalo na Kayle.

It was our graduation in high school. Point 0.05 lang ang lamang sakin ni Kayle at dun ko naunang naramdaman na kapag pangalawa ka, kapag may kulang ka, kahit gaano ka liit, ayun ang mapapasin. Puring-puri nila mama at papa si Kayle at pagdating sakin 'Sayang, Keena'.

Ngiti lang ang sagot ko.

Pakiramdam ko nasayang ang pag-aaral ko ng mabuti. In fact ako ang top 1 on acedemic pero Kayle had fair of extracurricular activities.

Nang magkolehiyo kami ni Kayle, parehas kami ng kurso, Accountancy. But I stopped advanced reading at umasa nalang sa stock na knowledge.  Hindi naman naging malaki ang agwat namin ni Kayle pero lagi niya ako nalalamangan ng iilang puntos sa mga quizzes at tests. Kaya nang magkaroon ng Intercollegiate Capital Market Quiz Bee siya ang pinanlaban ng departamento namin. Pero sa araw ng laban, nagkasakit si Kayla at na ospital. Our professor asked me to substitute dahil ako ang 'the second best', best option na lumaban dahil wala ang primary fighter.

Lumaban ako at katulad ng lagi kong placement ay second placer ako. Yes, they congratulated me pero ang kasunod 'Konti nalang, Keena. Ikaw na sana ang champion. Sayang talaga.'

Katulad ng maraming beses kong narinig ang mga salitang iyan, laging ngiti lang ang sagot ko.

Pero sa totoo lang makakapagod palang marinig yung dalawang salitang iyon. At habang paulit-ulit kong naririnig ang salitang 'Sayang' at 'Konti nalang' ay paubos-ubos na ang kumpyansa ko sa sarili ko dahil pakiramdam ko mas laging nakikita yung kulang.

Kaya noong ikalawang taon ko sa kolehiyo, nagpalit ako nang kurso, Business Administration. Noong lumipat ako ng kurso, naging mas maayos ang lahat siguro dahil I kept everything lowkey. Sa mga test, I make sure na hindi mataas ang grado ko, yung tama lang na makapasa. No competitions for me. Mas okay pala yung nasa middle ka, hindi mapapansin yung kulang.

"Keena, bakit ganito ang grado mo? Noong magkaklase kayo ng kambal mo, laging dikit ang inyong mga grado, ngayon ano 'to? Konti nalang babagsak ka."

Isang araw na sabi ni mama pagkakita sa  grades ko. Our university sends grades to student's parents every semester.

"Anak, anong nangyayari sayo? May hindi kaba sinasabi?"

"Ma, wala po. Sorry pagbubutihan ko nalang next sem."

"Keena, I let you change course because you told me that's what you want so better do your best." Dagdag pa ni papa.

"Opo, Pa."

"Bakit hindi ka tumulad sa kakambal mo? She excels in everything."

Kayle looked at me apologetically. She knows I hate being compare to anyone.

I just gave her small smile to assure her that I'm okay. Sanay na ako sa ilang taon na kaya nga namaster ko na yung 'Pasok sa kaliwang tenga, labas sa kanan.'

Napabuntonghininga nalang si mama at si papa naman ay nagpatuloy sa pagkain habang masayang kausap si Kayle.

Oo, kambal ko si Kayle. We're identical twins at ang bagay lang na mapagkilanlan samin ay ang nunal ko sa dulo ng kaliwang kilay ko. Namana ko kay papa ang kayumangging kulay at si Kayle naman ang malaporselanang kulay ni mama. Sa height naman, mas matangkad ako ng 2 inches kay Kayle. She's 5'4 while I am 5'6.

Always an OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon