Hindi ko alam kung mabwubwusit ba ako o matatawa sa pagdradrama ni Aziel. Hindi man lang tinanong kung ilang taon na ang mga anak ko o sino ang ama. Pero napakamot nalang ako ng ulo, siguro kung ako din ang nasa sitwasyon niya, yun din ang iisipin ko lalo na ang alam niya ay kasal ako.
I am still thinking of ways to reveal my twin's identity to their father when my office door suddenly opened.
Pumasok mula dito ang tatlong itlog na nakasunod sa naunang naglalakad na kambal, nakasabit ang dinosaur bar nila sa likod. It was their favorite bag, laman nito ang paborito nilang laruan, lego at coloring books.
"Mommy!!" Sigaw ni Archer habang tumatakbo papunta sakin.
"Archer Blaise, don't run! You're gonna dapa." Saway ni Blainey sa kapatid na ikinangiti ko.
They always looked for each other's back, ayan ang masisiguro ko. Pwedeng mag-away ang mga anak namin ni Aziel pero pagdating sa umaaway sa kapatid nagiging little monster si Archon. I think that's one of the quality na minana niya samin ni Aziel, ang sobrang magmahal sa pamilya.
"Mommy, I miss you!" I kissed Archer's cheeks and I did it to Archon too.
"Miss na din kayo ni Mommy. Big boy na ang mga baby ko."
Minsan hindi padin ako makapaniwala na I have mini Aziels with me.
"Thank you, Vik, Jiyu and Percy!"
Ngumiti lang pabalik si Advik at Percy samantalang si Jiyu ay pasalampak na umupo sa sofa ko sa opisina.
"Binabawi ko na. They're cute but they are little monsters. Nakakapagod sobra. Good luck kay Aziel."
I chuckled as I watched Jiyu rant. Kita mo naman na pagod na pagod pero masaya sila.
"Mommy!! Ayaw ko na din sama sa 3 eggs." Bulong ni Archer sakin pero rinig padin.
"Why, Blaisey?"
"Because my checks hurt, pati din po cheeks ni kuya. Pull po nila ng ganito lagi." Archer demonstrate it.
"Can't help it, Blaisey, you're too cute." Sabi pa ni Percy.
Inirapan siya ni Archer at tumabi kay Archon.
"Kuya... kuya.. sumbong natin sila kay Daddy."
"Okay. Pagkagising ni Daddy, Blaisey."
"Okay, Kuya."
"Hey.. hey.. huwag mo naman kami sumbong. Magiging big monster si Daddy mo." Kunwari natatakot na sabi ni Jiyu. "Tsaka diba, Ninong Jiyu bought you ice cream?"
Nag-isip kunwari si Archer.
"What do you think, Kuya?"
"Hmm. Hindi po namin kayo sumbong sa Daddy namin pero you buy us ice cream now."
Sa huli kahit ayaw ko kase feeling ko ang dami nilang sugar in take today, napapayag nadin ako. At hindi ko nadin ipagpapabukas ang pagpapakilala sa kambal sa kanilang tatay.
Nagkasundo kami ng tatlong itlog na mauuna muna ako sa penthouse to check kung ano ang ginagawa ni Aziel, saka na sila aakyat kapag nabigyan ko sila ng go signal. Buti nalang may DQ sa baba ng building.
Dahan-dahan akong pumasok sa penthouse at ang password ay hindi padin nagbago, it is still the day I met the 4 wonderful guys. Grabe talaga, how once a stranger become a huge part of your life.
Nadatnan ko si Azi na umiinom ng beer sa sahig at nakasandal sa sofa sa sala. Para siyang nascam ng isang bilyon. Nagkalat pa ang iilang empty beer bottles sa sahig, pinulot ko ang iba at nilapag sa glass table sa sarap niya.
BINABASA MO ANG
Always an Option
RomanceIMVA Filipino Series #4 Buong buhay ni Keena lagi siyang option. Laging secondary role ang kanyang ginagampanan. Pati ba naman sa lalaking mahal niya?