Chapter 5 - Nuisance

1.9K 46 10
                                    

Nakatulong nang malaki yung unwind namin ng ilang linggo sa Calaguas. Oo, aaminin ko, masakit padin. But as much as possible, kung kaya kong umiiwas, umiiwas ako kila Kayle at Aziel. I am a strong woman, I am sport but I am not a masochist.

At simula din ng 'ghosting' phase ko, meron na daw akong 'red tag' sa tatlong itlog. Hindi ko na daw pwedeng ulitin kundi, ikukulong nila ako. Nakakatawa. Maybe somebody may find it overbearing but it made me happy. Sa mga kaibigan ko naramdaman ang pagkalinga ng isang kapamilya. They looked out for me and cheer me up whenever I am hurt.

Sa unang tatlong buwan pagkatapos naming grumaduate, I worked as manager ng Cafe namin. Hindi ko alam kung nanadya ba ang tadhana dahil pinapamukha pa sakin na talunan ako. Laging sa cafe kumakain nang tanghalian at meryenda si Kayle at Aziel. Lagi ko silang nakikitang sweet at todo alalay si Aziel sa kambal ko. 30 minutes 'tong cafe mula sa Kompanya ni Aziel where Kayle also working as assistant accountant. Marami namang mas mahal at mas masarap na kainan na walking distance sa komoanya nila. Bakit pa nila kailangang dumayo dito sa cafe.

Nanadya ba sila?

I sighed.

Agad ko namang inalis sa isip ko iyon. Alam ko namang walang alam ang kambal ko lalo na si Aziel sa nararamdaman ko. At wala akong balak ipaalam sa kanila iyon. It would be a secret I'll bring to my grave.

Tatlong buwan lang ang kinaya ko dahil inaraw araw talaga ng magjowa ang pagdalaw sa cafe. Kahit sabado at linggo nandito sila. Minsan nagmemeet na sila ng tatlong itlog at dito tumatambay ng tanghali hanggang gabi. Minsan isang araw, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Wala ba kayong magawa sa buhay niyo? Wala ba kayong ibang tambayan?"

Natahimik naman ang tatlong itlog at magjowa. Tila natameme sa biglang burst out ko.

Sobrang nakakainis na kase.

"Hoy, Aziel! Tinitipid mo ba ang kapatid ko? Hindi mo ba siya madala sa fine dining or kaya ibang restaurant? Bakit araw-araw kayong nandito?!"

"Keena..." Sabay na sabi nang magjowa na mas kinainis ko. Ano synchronize na sila ngayon?

Umirap ako at sabay kuha ng wallet ko.

"Ito, sahod ko ng tatlong buwan. I-date mo kapatid ko sa ibang lugar. Huwag lang dito." Sabi ko nang ilagay ko ang ilang libo sa lamesa.

Hindi pinansin ni Aziel ang perang nilapag ko pero pasimpleng binulsa ni Jiyu.

"Mostrales, ibalik moyan!!"

Hindi niya ako pinansin at sa sobrang distracted ako sa pagkuha ni Jiyu ng pera, hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si Aziel.

Imbis na mainis, ma-offend o magalit, tumayo lang si Aziel at nilagay ang likod ng kamay niya sa leeg ko, chinecheck kung mainit ba ako, may sakit ba.

Para akong napapaso nang maglapat ang mga balat namin kaya agad akong lumayo at tinampal ko nang paulit-ulit ang kamay niya.

"Ouch.. Aray.. naman Keena."

Sabi ni Aziel nang hindi ako tumigil sa pagpalo ng kamay niya at niyakap niya ako sa leeg mula sa likuran ko para tumigil ako.

"Wala ka namang lagnat... Bakit ang sungit mo?"

"Nakakainis yang pagmumukha mo."

"Hala. Hindi nga kumpleto araw mo dati pag hindi mo ako nakikita eh."

"Asa."

"Or... are you on your period?"

"Aziel?!"

Tumatawa lang ang tatlong itlog at si Kayle naman ay hindi ko alam kung bakit hindi maipinta ang mukha.

Always an OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon