It was never easy for Aziel and I.
There are times that we are okay, but some days it was worst for us when the reality caught up with us that Kayle was not here with us. Sa mga panahon na yun ay naging magkadamay kami, sabay naming dinadalaw si Kayle. Sometimes we found ourselves drinking together on the floor, beside the bed while the curtain is open. Langhap naming ang simoy ng hangin habang nakatingin sa langit. Minsan ang langit maraming bituin, minsan makulimlim.
Si Mama naman may gabing bigla nalang tatawag pero hindi magsasalita, puro hikbi lang ang maririnig. Noong naging madalas na ay sinundan ko sila sa Zurich. Umiyak at niyakap ako ni mama noong makita niya ako. Si Papa naman ay tinignan lang ako at umalis. Umalis din ako pagkalipas ng isang linggo dahil naging madalas na hindi makatulog si Mama simula nang dumating ako.
She was always crying in the middle of the night while crying for Kayle’s name.
It breaks my heart.
Ito din ang unang pagkakataon na kinausap ako ni Papa makalipas tatlong taon.
“Keena…” Tinawag ako ni Papa isang araw habang abala ako sa pagluluto ng tanghalian naming.
“Pa….”
Agad nangilid ang mga luha ako. Hindi kase ako makapaniwala na kinakausap ako ni Papa pagkalipas ng ilang taon. Ito na ba ang oras para makapagpatawaran at magsimula. Nandito pa naman ako. Hindi ko man mapalitan si Kayle, I can be her substitute. I’ll try to be a better daughter.
“Can I ask you a favor?” Seryosong sabi ni Papa sakin.
Tumango ako nang paulit-ulit. “Yes, Papa. Anything.”
“Can you please go back to Philippines?”
“Pa?” Nagtatakang sabi ko. “Anong ibig mong sabihin pa? Ayaw niyo ba akong makasama ni Mama?”
Napabuntong-hininga si Papa.
“Keena… I hope you understand. Hindi pa okay ang Mama mo. And you being here is not good for her. You always remind her that we lost Kayle.”
“Pa.. Ako nakakasama kay Mama? Paano?” Litong-lito kong sabi.
I don’t want to go home hangga’t hindi nagiging okay si Mama o maging si Papa. But when my father told me that I am making worse it for my mother. It fucking hurts!
“She can’t sleep at night again when you come here. Her healing already progress pero noong dumating ka parang naging walang kwenta yung therapy for the past months. I don't want to lose my wife too.”
“Pa.. Hindi iyon ang intensiyon ko…” Tuluyan nang tumulo ang luha ko.
“Please Keena. Umuwi ka muna sa Pilipinas. Uuwi naman kami kapag okay na ang lahat.” Huling sabi ni Papa bago siya umalis.
I had no choice again but to leave.
Umuwi ako ng Pilipinas pero ang balak ko lang ay kumuha ng gamit at umuwi na ng Davao. Yung coffee shops naman ay pwedeng bisitahin monthly tsaka ano pa ang role ng manager kung imimicromanage ko din. We can have a daily call for an update. Hybrid na naman ang office set up sa panahon ngayon. Kumuha lang ako ng mga gamit ko sa bahay at nagpasyang dumaan sa penthouse naming para magpaalam sa apat na itlog. Oo, apat na sila, sinama ko na sa bilang si Aziel.
I dropped a message on our group chat.
Keens: Hello! Nakauwi na ako sa Pinas. What time kayo uuwi?
Kaysa maghintay ng reply ng apat ay nagluto ako ng ulam for lunch or dinner. Basta may nakahanda lang na ulam para sa apat.
Percy: What!!!! Bakit hindi mo sinabi beforehand? Hindi ka namin nasundo. >.<

BINABASA MO ANG
Always an Option
RomanceIMVA Filipino Series #4 Buong buhay ni Keena lagi siyang option. Laging secondary role ang kanyang ginagampanan. Pati ba naman sa lalaking mahal niya?