Habang nakatingin ako kay Aziel, unti-unting bumalik sa ala-ala ko ang nangyari sa nakalipas na halos anim na taon.
Ayun unang beses kong mangibangbansa, makipaghalubilo sa mga iba't ibang lahi. Sobrang hirap lalo na noong unang buwan ay lagi akong umiiyak at sobrang payat ko noon dahil wala din akong ganang kumain. Kain konti, trabaho at tulog, ganun ang naging routine ko sa apat na buwan.
Sa ika-apat na buwan ay hindi na kinaya ng katawan ko kaya nahimatay ako sa trabaho. Ganun nalang ang pasasalamat ko na isang katrabaho at kababayan ko ang nagdala sakin sa ospital.
Astrid Montoya.
Akala ko isa siyang kaibigan dahil kababayan ko siya. Ang hindi ko alam isa siyang kaaway, na naghihintay na magkamali ako.
"Salamat sa pagdala sakin dito, Ash." Nahihiya kong pasalamat kay Astrid noong pagkagising ko sa ospital.
"Hindi ka ba kumakain ng maayos? Alam mo namang katawan ang puhunan natin sa paghahanap buhay kaya huwag kang magpapabaya sa kalusugan mo."
"Wala lang talaga akong gana nitong nakaraan. Tsaka pagod lang 'to. Wala 'to."
"Sana nga."
Tinitigan ako ni Ash pero biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko sa ospital. Pumasok ang isang doktor na Arabo kasunod ang isang nurse na Filipina.
"Miss Alvarez, we ran some tests on you. You're low blood and dehydrated. Also, we found no critical illness but we suspect that you're maybe pregnant. Please take this pregnancy test and give the result to nurse Jenny."
Pregnant.
Tulala ako sa narinig ko sa doktor. Oo nga hindi sigurado pero may posibilidad.
Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Natatakot ako. Hindi ito ang tamang panahon para magbuntis. Nasa isang conservative country ako at alam kong hindi tatanggapin ni Aziel ang anak namin.
Naputol ang pag-iisip ko nang tawagan ako ng nurse.
"Go on. Take the test, Miss Alvarez."
Pumasok ako sa loob ng C.R sa loob padin ng kuwarto. Nanginginig kong sinunod ang instructions sa test kit.
Limang minuto lang ang kailangan para lumabas ang resulta pero parang sobrang tagal ng paghihintay ko.
Sa totoo lang nakakatakot kung maging 'positive' ang resulta dahil magbabago ang buhay ko. Alam kong magiging mahirap pagdadaanan ko at selfish man na hilingin na sana meron nga dahil madadamay ang anak ko sa kamalasan at kasawian ko, gusto ko padin.
May humaplos sa puso ko nang maisip ko na may isang bata ako yayakapin, na mamahalin ko ng sobra sobra, na siya ang magiging buhay ko.
Dahan-dahan kong tinignan ang pregnancy test.
It was positive.
Hindi ko na naisip ang consequences ng pagbubuntis ng isang dalaga sa isang conserbatibong bansa. Ang alam ko lang masaya ako na nagbunga ang pagmamahal ko sa tatay niya.
At nangamba din ako, lalo na't alam kong hindi maganda ang lifestyle ko nitong nakaraan buwan. Hinaplos ko ang tiyan ko, hindi halatang nagdadalangtao ako, sobrang impis niya.
Pagkahapon ay lumabas din ako ng ospital at tanging kasama ko ay si Astrid.
"Anong plano mo? May kakilala akong naglalaglag ng bata, nagtratrabaho sa Abu Dhabi."
Umiling ako ng paulit-ulit.
"Hindi ko ipapalaglag ang anak ko." Matigas na sabi ko.
Inirapan lang ako ni Astrid.
![](https://img.wattpad.com/cover/306861080-288-k814881.jpg)
BINABASA MO ANG
Always an Option
RomanceIMVA Filipino Series #4 Buong buhay ni Keena lagi siyang option. Laging secondary role ang kanyang ginagampanan. Pati ba naman sa lalaking mahal niya?