Chapter 2 - Friends

3K 58 2
                                        

I never had friends.

Noong grade school at high school, I only had Kayle as my best friend kaya noong unti-unti akong lumayo at nakakilala naman ng bagong mga kaibigan si Kayla, I was left alone with myself.

I was okay with it.

I was able to explore many things, I found my creative side. Dahil sa hilig ko sa pagbabasa, namotivate din ako na magsulat, lalo na if I found something that I didn't like the ending so I recreates it with my own.  I always crave for happy endings, and maybe someday I'll have my own too.

I started drawing and painting too.

Wala nakakaalam ng creative side ko pero meron akong secret account sa instagram kung saan ko inuupload yung mga drawings, mga words na bigla nalang nagpopop out sa utak ko.

It was my safe place.

Medyo matagal na akong walang kaibigan kaya noong maging kaibigan ko ang apat na lalaki, naging iba yung buhay ko. Lagi silang tumatambay sa coffee shop, laging may dala kung ano-ano at lagi akong niyaya sa mga lakad.  Sa mga group study kasama ako kase magkakaparehas kami ng kurso, Business Administration.

Para nila akong inampon sa grupo. They call our group 'Bees and a honey'. Ang corny pero hindi ko na sinabi. I was comforted na someone invested to know me and include me on their group.

Jiyu Mostrales. He's the half Filipino-Korean. Anak ng may-ari ng Korean convenient stores sa Pinas. Maloko at mapang-asar. Ang komedyante sa apat. Organizer ng mga lakad.

Advik Natividad. He's Half Filipino-Indian. Anak ng may ari ng isa sa malaking IT company sa bansa. Nerdy type at laging may balik sa pang-aasar ni Jiyu.

Perseus Jackson. He's a Filipino-American. Anak ng may-ari ng isang local BPO company. He's the clingy one, na laging matampuhin. Pero masungit din, pero mild lang. Taga-sulsol ng ayaw nila Advik at Jiyu.

Aziel Brooks Marasigan. He's a Filipino-Spanish. Anak ng may-ari ng isang Restaurant food chain sa bansa. Snobbish at tahimik lang siya. Yung tipong isang tanong isang sagot.

It was our third year in college at bago matapos ang taon namin, napagpasyahan nilang umakyat kami sa bundok, Mount Daraitan at syempre kasama ako.

"Bwusit ka, Jiyu! Pwede namang magcamping sa patag bakit sa bundok pa?" Reklamo ni Advik habang umaakyat.

Nasa unahan si Jiyu at sumunod sa kanya si Advik. Ngayon palang narealize ko na na hindi magandang ideya na si Advik ang sumunod kay Jiyu, lagi kaseng nagtatalo ang dalawa, walang dull moments or air of silence.

Sunod naman si Persues sa dalawa, ako at si Aziel ang nasa hulihan.

"Jiyu naman, sana nagcamping nalang tayo sa rooftop namin or sa penthouse nila Aziel?!" Segunda naman ni Percy.

"Exciting naman! Banat banat din ng mga buto."

Hinampas ni Advik ang likod ni Jiyu.

"Ikaw lang ang natutuwa dito?!"

"Eh bat ka sumama? Kaladkarin ka din kase."

Tumawa lang ako sa sagutan ng tatlo.

"Oh! Nag-eenjoy nga si Keena! Diba, babes?" Kinindatan ako ni Jiyu.

It was a playful joke at nakasanayan ko nadin na tawagin akong 'babes' ni Jiyu kase only girl daw ako ng grupo.

Ibang usapan na kapag nagkaroon na ng jowa ang apat na 'to.

"Wala naman akong choice kundi i-enjoy 'to. Ikaw kase Percy, hindi mo naman sinabi na trekking 'to."

"Hoy, Keena! Ako dapat ang kinakampihan mo."

Always an OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon