Chapter 12 - Heartbreaking Goodbye

2.7K 55 23
                                    

All goodbyes are heartbreaking and painful.

But some are planned.

Some are not warranted.

Some are uncontrollable.

But the most heartbreaking of all goodbyes, are the sudden goodbyes. The feeling that you have robbed a chance to be with the person that you love. Because today, you are planning everything with them but with a snap of time, destiny took them away.

Ang pinakamasakit doon, kahit anong pagmamakaawa mo at kahit gawin mo pa ang lahat, they will never come back. You cannot bring back the time. You will lose the will to live because it is not the same anymore.

Pero bago pa kami makalabas ng ospital, there was a commotion inside, paging all the doctors to go to the ICU ward immediately.

Room 111.

“Kayle…”

It was Kayle’s room!

Nanlaki ang mata ko nang marealize ko na silid iyon ni Kayle. I immediately run to the elevator, paulit-ulit ko na pinindot ang up button, nang makapasok, agad kong pinindot ang 11th floor. Hindi ko makontrol ang panginginig ng mga kamay ko. Mayroong pamilyar na kaba at takot sa puso ko. Ayaw ko mang tanggapin, naramdaman ko na ito dati. Noon 5 years old kami, noong hindi makahinga si Kayle at kailangan sumailalim sa isang malaking operasyon.

It was a horrific feeling!

Nabalot ang puso ko ng takot.

Paulit-ulit akong umiiling.

At nasa likod ko padin silang tatlo, umaalalay.

“Hindi. Okay lang siya. Hindi niya ako pwedeng iwan. Hindi.”

Tumulo yung luha ko pero agad akong niyakap ni Jiyu at hinawakan ang nanginginig kong mga kamay. Kumapit ako sa Jacket niya.

“Jiyu, hindi siya pwedeng mamatay na hindi pa kami nag-uusap! Na hindi pa kami nagkakaayos. Hindi yun pwede.”

“Shhh. Hindi pa natin alam okay. Calm down and breathe slowly.”

Tinapik din ako ni Percy. “Nandito lang kami, Keens.”

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay saktong may lumabas na mga doktor mula sa silid ni Kayle. Agad akong tumakbo palapit kay mama na hindi mapakali at lakad ng lakad. 

Si Papa ay nakatayo din pero bakas mo ang takot sa kanyang mga mata.

Si Aziel ay nakatayo lang din sa tabi, laylay ang balikat.

“Mr. and Mrs. Alvarez, Kayle had a brain stroke dahil narin sa hindi makadaloy nang maayos yung dugo niya. Mismong katawan na niya ang sumuko. Time of death: 11:11PM. I am sorry, Mr. and Mrs. Alvarez. We did everything but your daughter gave up. I am sorry for your loss.”

Lahat kami ay tulala na iniwan ng mga doktor.

It was a sudden death.

Ni hindi pa kami naka desisyon sa una nilang binigay na options.

Hindi nagsalita si Papa pero naglakad siya palayo samin at tumungo sa elevator. Nag-aalala kong tinignan ang likod ni Papa na palayo. I know he’s stoic and strong but when it comes to Kayle…. She’s Papa Achilles’ heel. Before the elevator closed, I saw his tears fell.

Si Aziel naman ay dahan-dahang umupo sa tabi ng pinto ng kuwarto ni Kayle, tulala at tahimik na umiiyak, sapo-sapo ang kanyang ulo.

Hindi ko alam kung sino ang unang aaluin ko. I hate seeing them crying and hurting, mas mabuti na ako nalang, huwag lang sila.

Always an OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon