Chapter 20 - Breaking Point and Parting Ways

4.7K 122 78
                                    

Wala akong pinagsabihan kahit durog na durog na ako. Sinubukan kong magpakamanhid just to keep him, just to keep this relationship. Sugatan na ako sa sobrang higpit ng kapit ko sa kanya.

Tuwing malalaman ko na bibisita siya kay Kayle, ngumiti-ngiti lang ako kahit parang mamamatay na ako sa sakit ng loob ko, magkukulong sa kuwarto at iiyak. Parang akong tanga na sinusuntok ang unan nang paulit-ulit.

"Bakit ang manhid mo Aziel! Bakit ang manhid-manhid mo!!!!" Lagi kong sigaw tuwing aalis siya.

Gusto ko siyang laging pigilan at sabihin na. ‘Iparamdam mo naman sakin kahit minsan na ako ang pinipili mo. Na it’s Keena over Kayle.’

Hindi ko alam kung martir lang ako o sadyang likas na tanga lang talaga ako. O sadyang pinanghawakan ko ang salita niya na huwag akong susuko kahit mahirap. At lalong hindi ko alam kung siya ba talaga ang problema o ako.

I always gave him a silent treatment tuwing oras maisip ko na pangalawa lang ako sa kakambal ko, tuwing nalalaman ko na patuloy padin niyang pinupuntahan nang walang palya si Kayle. Sinasadya niya ba yun? Sabi niya gusto niya akong matutunang mahalin pero pakiramdam ko, siya mismo ang ayaw bumitiw sa alala nila ni Kayle.

The silent treatment always become a silent war between us. Tapos mag-eeffort siya at ako naman si tanga, makakalimutan kung ano ang dahilan ng sama ng loob ko, pagkatapos magiging okay kami. It was a cycle for another year.

Hindi naman nagkulang si Aziel, he showers me on material things and treated me right, pero hindi ako kuntento hanggat hindi niya sinasabi kung mahal niya ba ako. But deep inside my heart, kahit sabihin niya na mahal niya ako, hindi din ako makukuntento hanggat hindi niya sinasabi na ako ang mas mahal niya. I always compare how sweet he is with Kayle and to me, sobrang layo.

I become too greedy.

Hindi ako kontento sa kung ano yung mabibigay ni Aziel. I wanted everything in him.

Pero kahit durog na durog na ang buong puso at pagkatao ko, akong itong si tanga, patuloy na kumapit. Dalawang taon na kami at tatlong taon nang patay ni Kayle pero we’re stuck in the very beginning.

It’s third year death anniversary of Kayle next week.  I know it is important to him kaya gusto ko siyang tanungin kung anong plano niya. Sometimes he spent two weeks alone every death anniversary of Kayle. Hindi ko alam kung saan siya pumupunta pero lagi niya itong ginawa tuwing death anniversary ni Kayle.

Nandito ako ngayon sa harap ng building nila Aziel. Nagdadalawang-isip na pumasok
, paborito ko talagang saktan ang sarili ko. Mas may plano pa si Aziel sa death anniversary ni Kayle kontra sa future namin.

I deeply sighed.

I was wearing a fitted-black dress at pinaresan ng two inches na sandal.

Bago ako pumunta sa opisina niya at dumaan muna ako sa comfort room. Pumasok ako sa isang cubicle at ilang segundo pagkaraan ay may pumasok na base sa yapak ng mga paa ay mukhang madami sila.

“Hala! Minumulto ba tayo ni Miss Kayle?’’

“Gaga! Patay na si Miss Kayle. Twin sister niya yun.”

“May twin sister si Miss Kayle? Bakit hindi ko siya nakita dati?”

“Ang tsismiss dati ay naglayas.”

“Ah.. Kaya pala.”

“Balita ko girlfriend yan ngayon ni Boss Aziel.”

“Trulalu ba yan? Nakakaloka nga yun.”

“Hmm. Baka panakip butas lang yan.”

“Huwag naman sana. Kawawa naman siya. Tsaka balita ko matagal na sila si Boss Aziel.”

Always an OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon