Ilang taon na ba ang lumipas simula nang huli kong makita ang lalaking dumurog sa buong pagkatao ko. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko ngayon habang nakatingin sa likod niya.
How many had passed since then? 4 years? 5 years?
He has sunglasses on. He is wearing a black polo shirt. Bakat na bakat ang ganda ng hubod ng kanyang katawan. Naging mature ang kanyang tindig.
Mas lalong maganda ang built ng katawan nito sa lumipas na limang taon.
Why is he wearing a sunglasses?
Maybe to conceal the redness of his eyes from crying while he's talking with the visitors on the wake of her parents.
Aziel Brody Marasigan.
Hinding-hindi ko makalimutang ang huli naming pagkikita. Siguro nga kahit lumipas pa ang mahabang panahon, iyon ang sugat na hindi kailanman maghihilom.
Siguro kasalanan ko kase pumasok ako sa isang relasyon kahit alam kong hindi pa tapos si Aziel sa pagmamahal sa kapatid ko, kay Kayle.
It's always Aziel and Kayle.
Never been Aziel and Keena.
They were supposed to live a happy ever after. Everone believe that they are destined to last. But funny how life can be cruel sometimes.
Kayle died and Aziel was left broken.
I was there at his darkest and lowest point of his life. I become his anchor to keep him from drowning.
But years passed after Kayle died, I cannot see him loving me.
Nakakapagod palang maghintay sa wala. Dahil wala siyang salitang binitawan na pwede kong panghawakan. Habang tumatagal yung pagkapit ko sa relasyon namin, para akong nadudurog.
It comes to the point that I was bleeding. I have no choice but to let go, wala na kaseng natira sakin. Sa lumipas na dalawang taon, lagi akong nanlilimos sa pagmamahal niya.
Patuloy akong manlilimos ng pagmamahal kung hindi ako pinukpok ng katotohanan ng kanyang matalik na kaibigan.
'Keena, you're losing yourself in loving him. Hanggang kailan ka aasa na kaya kang mahalin ni Aziel? You've been together for 2 years already, you're at the age of settling down. Nagpropose na ba siya? Did he already say 'I love you'? Don't make yourself always available for him. Tandaan mo, he stayed with you kase ikaw ang nanjan at hindi yun kasiguraduhan na mananatili siya sa tabi mo.'
It was a trigger for me to confront Aziel.
Sa buong dalawang taong relasyon namin, ni hindi ko narinig mula sa kanya ang salitang 'I love you'.
Lagi nalang na 'Thank you' o 'Thank you for staying by my side' o 'I didn't know what to do without you'.
"Aziel, I want us to settle down." Lakas na loob kong sabi.
Kinakabahan ako pero hindi ko na mabawi ang mga salitang iyon.
I felt so desperate. Naawa ako sa sarili ko.
Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya dahil ramdam ko naman na hindi pa siya handa. Na hindi niya pa ako mahal. Siguro, he cares for me pero hindi niya ako mamahalin katulad ng pagmamahal niya kay Kayle.
I was never a jealous type. Wala akong pakialam kung sa lahat ng tao pangalawa lang ako, pero hindi ko alam kung bakit pag kay Aziel, iniisip ko palang na pangalawa lang ako sa patay kong kapatid ay dinudurog ako ng paulit-ulit, nang pining-pino.
Aziel looked at me and sighed deeply.
"Hindi pa ako handa. Alam mo yan, Keena."
"Kailan kapa magiging handa, Aziel? Ilang taon pa kong maghihintay?"
Aziel come to me and tried to hold my hands but I keep my hands closed on my lap.
"Bakit kay Kayle ang dali mong mag-alok ng kasal? Mahirap ba akong mahalin?
"Keena..."
"Two years na tayo, Aziel. Kayle died 3 years ago. Hindi pa ba sapat yung panahon na yun? Sabi ko handa akong maghintay at hindi ako mawawala sa tabi mo."
I wiped my tears.
"Pero lahat sila sigurado na hindi mo ako kayang mahalin. At nawawalan nadin ako ng pag-asa."
"Keena, mahalaga ka sakin."
"Mahalaga ako sayo? Dahil kapatid ako ng pinakamamahal mo? o dahil lagi akong nasa tabi mo?"
"Keena, I did not promise you anything so please don't pressure me on this. If I will love you, I want to do it on my own terms, my own ways. You said you'll wait.."
Ngumiti ako nang mapait.
"Aziel, kailan ako magiging bida sayo, sa love story natin? Matagal nang patay si Kayle pero hindi ko padin siya mapalitan jan sa puso mo. Sagutin mo ako, kaya mo ba akong mahalin?"
Alam naman ko naman ang sagot pero gusto kong marinig mula kay Aziel. Gusto kong maubos yung katiting na pag-asa ko para kapag lumayo man ako, hinding-hindi na ako lilingon.
"Sa loob dalawang taon, hindi mo ba ako nagawang mahalin kahit konti?"
Hindi siya makatingin sakin nang derecho..
"Sagutin mo naman ako, Aziel. Huwag mo akong paasahin kung hindi mo kaya. Tell me, para alam ko kung lalaban pa ba ako. Kase hindi ko alam kung kaya pa ba ng pagmamahal ko buhayin kung anong meron tayo. Ubos na ubos na ako. Pagod na pagod na ako."
"I'm sorry..."
Nanlumo ako sa narinig ko. Ang tanga ko kase, akala ko this time pwedeng na akong maging bida kase wala na ang kapatid ko. Sana natuto na ako, sana hindi ko nakalimutan na I've always been an option, supporting role.
"I tried to love you, Keena. Sinubukan ko, alam mo yan."
"But you didn't try hard enough. Kase hanggang ngayon siya padin."
"Patay na siya, Aziel! Hindi na siya babalik! Ako ang nandito! Bakit hindi nalang ako!"
"Mahal na mahal ko si Kayle...."
I said it para matauhan nadin ako sa kalokohan ko.
It will always be Kayle.
"Eh ako, Aziel? Paano naman ako?"
Tinutulak-tulak ko si Aziel pero hindi ito nagpatinig o gumalaw.
"Kung nandiyan siya. Nasan yung lugar ko?"
Pinahid ko ang luha pero kahit anong gawin ko tuloy-tuloy lang ang pagtulo nito.
"I don't hate you. Hindi ata kita kayang kamuhian kahit durog na durog na ako dahil sayo."
"I am really sorry, Keena. Hindi pa sa ngayon.. Pero baka pwede mo ako mahintay... Kahit konting oras pa. I hate myself for hurting you. You deserve the best. Kaya please wait for me. Huwag mo akong sukuan."
Aziel kneeled and hugged my legs tightly. I knew he was crying.
Natatakot lang siyang mag-isa?
Pinatayo ko si Aziel at pinunasan ang kanyang luha. I smiled despite of the tears freely flowing on my cheeks.
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad, Aziel. Desisyon kong sumugal at mahalin ka kahit alam kong mahal na mahal mo ang kapatid ko."
"Mahal na mahal kita, Aziel. Masakit pero hindi ako galit. Aalis ako para buoin ko ang sarili ko. Ito na yung panahon na unahin ko ang sarili kase laging una ang mga mahal ko sa buhay."
"Sana sa pag-alis ko maging maayos ka. Mabuo at tuluyang gumaling ang sugat sa puso mo. Hindi man naging sapat yung pagmamahal ko para maging buo ka, ipagdadasal ko na makahanap ka ng magmamahal nang higit sa kaya kong ibigay. I want you to be happy, Aziel. Mahal na mahal kita."
Hindi niya ako hinabol pero lolokohin ko ang sarili ko kung hindi ko sasabihin na hindi ako umasa na sana sa huling sandali pigilan niya ako, na ako naman ang piliin niya.
Umalis ako ng bansa dala ang sama ng loob at sakit sa puso. Nagtrabaho sa Dubai bilang isang manager sa isang BPO company. Hoping na sa pagkatapos ng kontrata ko, nabuo ko na ang aking sarili at higit sa lahat, nakamove on na ako. Siguro nga mas mabuti kung makatangpo ako ng isang lalaki na magiging una at bida ako.
BINABASA MO ANG
Always an Option
RomanceIMVA Filipino Series #4 Buong buhay ni Keena lagi siyang option. Laging secondary role ang kanyang ginagampanan. Pati ba naman sa lalaking mahal niya?