Isang buwan bago ang anniversary ni Kayle at Aziel nang aksidente kong malaman na laging sinasadya ni Kayle na itaon ang mga lakad niya sa lakad naming magkakaibigan.
Okay lang naman iyon but to go too far as lying about her health, faking her difficulty in breathing is too much. Hindi lang niya kami pinagkaitan ng kaibigan kundi pinag-alala niya sila Mama, Papa at Aziel.
Isang araw umuwi ako nang maaga galing coffee shop kase nahihilo ako at may inaabangan din akong tawag mula sa isang malaking advertising company na inaplayan ko. Kayle went home at lunch too, half day daw kase masama ang pakiramdam. Tinanong ko ang kasambahay namin kung nasaan si Kayle, nandun daw ito sa connecting terrace ng kuwarto namin.
Pinuntahan ko si Kayle para kamustahin nang makita ko ang phone niya na malapit na mahulog sa lamesa. Aayusin ko sana nang biglang may magsalita sa kabilang linya.
"Wow. Patay na patay talaga si Aziel sayo. Biruin mo, sabihin mo lang na masama ang pakiramdam mo or hindi ka makahinga, agad na iiwan ang trabaho niya at mga kaibigan para sa'yo. Grabe Kayle, best actress kana. Paniwalain naman jowa mo."
I knew it was Dana, Kayle's best friend.
Hindi ako makapaniwala na kayang gawin ng kambal ko iyon. I knew her. She is honest and straight forward. She will never lie or do anything dirty just to gain something.
Gulat si Kayle nang nakita niya na hawak ko ang phone niya.
"Sinasadya mo 'to? Paano?.. Bakit?"
Nahihirapan akong tanggapin sa sarili ko na naging ibang tao na ang kambal ko, hindi ko na siya kilala.
"Oo, bakit?"
"Bakit mo pinagdadamot si Aziel sa mga kaibigan niya? Why do you have to lie? Pinag-aalala mo sila mama. Anong nangyayari sayo, Kaye?"
"Pinagdadamot ko siya sayo. Akala mo ba hindi ko alam na may gusto ka sa boyfriend ko, Keena? I know it." Bakas sa boses ni Kayle yung disgusto sakin at hindi ko iyon maintindihan.
"Kaye..."
"Huwag ka ng magkaila."
"Kahit naman gusto ko si Aziel, ikaw padin ang mahal niya kaya bakit kailangan mong gawin to."
"Napakamanhid mo, Keena. Napakaselfish mo! I hate you so much!"
Tatalikod na siya nang hilain ko siya pabalik.
"Paano ako naging manhid? Why do you hate me?"
"I hate you because you're living a life that I wanted. Kaya mong mabuhay nang matagal, tumakbo nang malayo, magmountain climbing, mag swimming sa iba't-ibang beaches. Samantalang ako hindi pwedeng mapagod, para akong nakakulong sa isang hawla. Hinding-hindi ko magawa yung mga bagay na gusto ko!"
"But Kaye, you're living the life I wanted, the one I dreamt of. Dahil mahal na mahal ka ng taong pinapangarap ko."
"Now, you got the answer. Siya ang pangarap mo na hindi mo maaabot, mananatili ka lang nakatanaw sa kanya. I'll never share him with you. I'll make sure na mawala man ako sa mundong ito, hinding-hindi ka titingnan ni Aziel. Hinding-hindi ka niya mamahalin. Hindi mo kailan mapapalitan yung lugar ko. Kung maging kayo man, lagi ka lang mumultuhin ng kahapon because he'll never love you as he loves me. You'll always be an option because I am no longer here."
Sinampal ko si Kayle.
Maging ako nagulat sa pagsampal ko kay Kayle at akmang lalapitan ko siya para magsorry ay umiyak siya nang malakas.
BINABASA MO ANG
Always an Option
RomanceIMVA Filipino Series #4 Buong buhay ni Keena lagi siyang option. Laging secondary role ang kanyang ginagampanan. Pati ba naman sa lalaking mahal niya?