"Uyy. Mukhang si Azi ang unang magkakajowa satin." Bungad ni Jiyu isang araw habang hinihintay namin ang tatlo.
Nagtataka kong tinignan si Jiyu.
"Well, Aziel finally met your sister yesterday. Hindi niya ba nakwento?"
"Hindi pa eh."
Hindi ako dapat magpaapekto pero nakaramdam ako ng konting selos at sakit. Dahil ba for the past months, ako lang ang babae ng grupo?
Pero bakit parang gusto ko ngayong ipagdamot si Aziel?
Yes, I approached Kayle once na pumunta sa cafe para ipakilala sila pero iba na ngayon.
I was not feeling well yesterday and when they knew it. Nagdala sila ng kung anong mga prutas at pagkain sa cafe at inabot kay mama. Wala si mama pero andun si Kayle 'to assist kase nagkasakit din ang isang tao ng coffee shop. Siguro ito yung accident meeting na magbabago ng buhay ni Azi.
Now that I realized, I can see him smiling more and I hated to admit something stir inside me knowing that my sister is the reason of it.
Pero ano pa bang magagawa ko. Kaibigan ko si Aziel at kapatid ko si Kayle. May konting kirot pero susuportahan ko sila.
"Ayos lang sayo?" Tanong pa ni Jiyu.
"Bakit naman hindi? Single naman sila pareho."
"Hindi ka talaga nagseselos?
"Bakit naman ako magseselos?"
Seryoso lang akong tinignan ni Jiyu. He's calculating kung nagsasabi ba ako ng totoo.
"Go. Fool yourself, bahala ka nga." Masungit na sabi nito.
"Hoy! Hindi bagay sayo ang magsungit!"
Inirapan lang ako ni Jiyu at tinalikuran. Tinusok-tusok ko ang tagiliran niya pero hindi padin ako pinapansin.
"Tse, huwag mo akong kausapin, Miss Denial Queen."
"Luh. Ano bang denideny ko sayo?"
"Yung feelings mo.."
Binatukan ko siya.
"Anong feelings feelings ka din?!"
"Feeling sakin! Bakit ba?!" Pagtataray pa nito.
"Siraulo ka talaga, Mostrales."
"At least hindi sira ang puso."
I hated the thoughts Perseus planted on my mind. At bwusit na bwusit naman ako sa pang-aasar ni Jiyu. Para silang may alam na hindi ko alam.
Isang araw sa penthouse, ginulo na naman ako ng tatlong itlog.m Tatlo lang sila dahil busy si Aziel sa panliligaw sa kapatid ko.
"Babes, bakit ang gloomy ng mga paintings and drawings mo ngayon?" Sabi ni Jiyu while staring at my paintings these few passed days. "At ano 'to? Bakit hindi lahat tapos?"
Jiyu scanned my sketchpad.
Hindi ko din iyon narealize until Jiyu pointed out. Laging makulay ang mga painting ko pero ngayon I always resort to use dark colors especially black. At lagi nalang akong nawawalan ng gana na tapusin ang mga paintings na nasimulan ko.
Magkakasama na nakatira ang apat isang penthouse sa Mandaluyong at binigyan din nila ako ng kuwarto dito. Hindi naman ako araw-araw natutulog dito, pero hang out place ko din ito bukod sa coffee shop. Dito ako nagpapainting at drawing kase nalaman naman din nila yung hilig ko. They showered me with supplies. Sobrang spoiled ko.
"Hindi ko din alam."
Pero sa loob loob ko, alam ko. Ayaw ko lang aminin. Hindi ko pwedeng aminin.
"Gusto mo ba mag out of town tayo? Or out of the country? Saan mo gusto? Sagot ni Aziel."
BINABASA MO ANG
Always an Option
RomansaIMVA Filipino Series #4 Buong buhay ni Keena lagi siyang option. Laging secondary role ang kanyang ginagampanan. Pati ba naman sa lalaking mahal niya?