Talaga nga palang ang isang relasyon na hindi buo ang pagmamahal noong nagsimula ay walang matibay na pundasyon. Para kang nagtayo ng isang bahay sa buhanginan, kahit anong oras pwedeng mawasak at maanod ng alon.
A relationship that was not built with love is always insecure, easily to sway and full of anxiety.
Araw-araw lagi mong itatanong kung mahal ka na ba niya. At yung takot na laging nanjan kung bukas kayo pa ba. At ang isang tanong na walang kasiguraduhan, hanggang kailan ito? Mamahalin niya ba talaga ako?
Noong una, kaya ko pang imanage ang lahat. The spirit of loving Aziel continues and lights up our relationship. Pero noong tumagal, noon naririnig ko na ang boses sa paligid namin, para akong kandila na nauupos. There are times that I question everything. Yung relasyon namin ni Aziel, yung sa kanila ni Kayle, at lagi kung naiisip kung gaano kaiba ang trato niya kay Kayle at sa akin. At higit sa lahat, I started losing myself with all the questions and uncertainties that surrounds us. I started having anxiety that rooted from my fears.
Pinayagan niya akong sabihin na mahal na mahal ko siya pero tuwing sinasabi ko iyon ay ramdam kong lumalayo siya sakin. He’s being cold. Para akong isang sundalo na ingat na ingat sa paghakbang, baka kase may maapakan akong bomba.
The insecurities... fears... and not being enough smacked me one day, they caught up with me.
And I hated to admit it, but it affects us, badly.
I started petty fights with him then I say sorry afterwards, it become a tiring cycle.
He always asked me what’s wrong. Kung may problem ba kami pero hindi ko siya masagot. Hindi ko masabi sa kanya yung takot ko. Alam ko dapat transparent ako sa kanya sa mga nararamdaman ko pero hindi ko kaya kase alam ko na ako naman yung pumayag sa set up namin. Yung mga insecurity at fear ko, it all comes from my decisions.
At ayaw ko ding mapressure si Aziel.
Ayaw kong nang dahil lang sa takot at insecure ako, pipilitin niya akong mahalin o mapipilitan siyang sabihin na mahal niya ako kahit hindi naman.
Napadalas ang mga away namin, minsan hindi ko siya pinapansin tuwing nagpapaalam na papasok sa trabaho pero sa huli, ako din ang hahabol ng tingin sa likod niya.
Sabi ko sa sarili ko, hindi ako hihiling ng mas higit sa kayang ibigay ni Aziel kaya hirap na hirap ako ngayon. I needed assurance… assurance that he’ll love me… assurance that we’ll be together in the end after this. But how?
In the end I kept my silence.
It is our first anniversary today.
Hindi ko akalain na tatagal kami ni Aziel. What we have is not an ideal relationship kase it was not built on mutual love, one sided love lang ito, ako lang ang nagmamahal. I have a lot of insecurities and fears. Minsan napapagod din, pero hinding-hindi ako susuko ngayon. Kaya pa ng pagmamahal ko na buhayin kung anong meron kami.
I can’t see myself giving up what we have now.
It maybe bare minimum pero kakapit ako sa konting pag-asa na meron ako.
Ngayong araw ay espesyal kaya nagpasya akong ayusin kung ano ang hindi naming pagkakaunawaan. Minsan naiinis din ako sa sarili ko kung bakit hirap na hirap akong sabihin kung ano ang gusto o ayaw ko. Alam ko naman na maiintindihan ako ni Aziel pero hindi tama eh.
Ako na ang gagawa ng paraan para magkaayos kami ni Aziel. Ang alam ko may isang deal siya with a big investor from Dubai, pag-uusapan nila ang possible expansion ng mga hotel and restaurant nila Aziel on Asia. At kapag na close nila ito, mas lalong lalaki ang market share ng kompany nila Aziel at magbrabranch out na sila internationally.
BINABASA MO ANG
Always an Option
Storie d'amoreIMVA Filipino Series #4 Buong buhay ni Keena lagi siyang option. Laging secondary role ang kanyang ginagampanan. Pati ba naman sa lalaking mahal niya?
