Chapter 13 - It's Easy To Be With You

2.6K 48 19
                                    

My mother and father left the country after the burial of Kayle. Ang sabi nila Mama, kailangan nilang lumayo muna sa Pilipinas dahil kung hindi, maaalala lang nila si Kayle. It was unfair on my part because for the multiple times, I was left on my own.  I was left alone to heal. But in the end, I still understand their reason and each of us has unique way of healing.

Walang definite time kung kailan uuwi sila Mama at Papa. Mag-iistay sila sa Zurich, Switzerland sa kapatid ni Mama na may dairy farm at nakapag-asawa ng Swiss national.

Iniwan muna ni Papa ang construction firm bunso nilang kapatid. At ako naman ang iniwanan ni Mama ng pamamahala sa ‘KapeLib’. Kaya gustuhin ko mang umuwi at bumalik sa Davao City ay hindi ko magawa dahil naiwan sakin ang pamamahala ng café.

Napabuntonghininga ako.

Nandito ako ngayon sa office ng Kapelib, na nasa likod lang ng café. Nagulat ako nang magring ang phone ko. It was Jiyu calling me.

“Babes, nasaan ka?”

“Nandito sa café. Bakit?”

“Ako ang nakatoka ngayon na samahan si Aziel pero may emergency sa bahay. Ayaw naman niyang umuwi muna sa kanila. Advik and Percy are out of country right now.”

Aziel become closed off after Kayle died. Parang yung una kong makilala si Aziel, isang tanong isang sagot. It’s just been 3 months  since Kayle die pero hindi maiwan ng tatlong itlog si Aziel dahil meron nadin itong history ng depression at natatakot kami nab aka kung anong gawin niya. Minsan ako din ang kasama ni Aziel pero lagi lang itong nakatitig sakin at tumutulo ang luha.

Kaya nagdesisyon kami na huwag na ako ang sumama kay Aziel baka kase lalo niyang maalala si Kayle sakin.

“Sige, Jiyu. Pupunta ako.”

“Salamat, babes. Sorry sa abala, biglaan kase.”

“Jiyu, ano kaba, kaibigan ko din si Aziel. Magbibilin lang ako dito then I’m on my way.”

“Yieee. Kaibigan o kaibigan?” He emphasized the ‘I’.

“Gosh. Shut up, Jiyu. Pilipitin ko yang dila mo kung nandito ka lang.”

Tumawa lang si Jiyu sa kabilang linya.

“Nandun pa naman yung gamit ko sa Penthouse, diba?”

“Oo, hindi naman namin ginalaw dahil kuwarto mo yun, babes.”

“Thank you. I’ll be there in an hour. Sana walang traffic. Sige na, Jiyu. Babush.”

“Drive safely, babes. Baka hindi na ‘to makabangon pag nawala ka.”

I chuckled.

“Gago. Oh baka makalimutan ko, yung password ng penthouse.”

“Same padin. Yung date na nakilala ka namin. 0713XX.”

“Okay, got it. Bye.”

Nagligpit ako ng gamit at nagbilin sa manager ng café. Mabuti at natapos ko din naman ng maaga yung mga gagawin, yung order ng supplies ng café.

Buti nalang at walang traffic, narating ako ng 40 minutes sa penthouse naming. Ito padin yung penthouse ni Aziel kung saan may tig-iisang kwuarto kami. Akala ko mahihintay pa ako ni Jiyu pero wala na siya noong madatnan ko. May ilaw sa sala pero madilim yung hallway sa mga kuwarto namin.

Bago ko i-check si Aziel sa kanyang kuwarto ay nilagay ko muna yung dala ko coffee bean and special milk sa kitchen table. Balak ko kaseng gumawa ng special drink for us.

Pagpasok ko sa loob ng kuwarto ni Aziel ay muntik na akong mitumba dahil muntik kong maapakan yung isang bote. I’ve opened the light switch. Napasapo nalang ako ng ulo nang makita ko ang buong kuwarto niya.

Always an OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon