Chapter 30 - An Ending Worth Telling

5.2K 91 30
                                    

Simula nang malaman ni Aziel ang tungkol sa mga bata ay lagi nalang itong nasa tabi niya o kaya kasama ng mga bata. Totoo nga, sobrang ibinubuhos niya ang pagmamahal niya samin.

"Bakit ka ba nakabuntot sakin? Wala kabang trabaho."

"Wala. I am a free man."

Kumunot ang noo ko.

"Pinaubaya ko muna kay Anikka ang kompanya. Ibebenta ko sana buti nalang nagpresinta si Anikka. I need time sa panliligaw sa baby ko."

Inirapan at hinampas ko ang braso niya.

"Huwag kang OA! Pwede ka namang manligaw pagtapos ng trabaho mo."

"Kulang iyon. Kulang na kulang yun pang bawi sa halos pitong taon, Keena Amaris. Gusto kitang kasama sa bawat oras, kayo ng mga anak ko."

Dinaan ko nalang sa irap ang kilig ko. Luh. Asa naman siyang ipapakita ko sa kanya kung gaano ako kinilig at na-touch sa sinabi niya.

"Pagkinasal tayo, huwag muna natin sundan sila Archon at Archer."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi pa nga kita sinasagot. Kasal na nasa isip mo. Edi. Kung ayaw mo huwag kang magpashower sa loob!"

"Pag-iisipan ko. Hindi satisfying kapag sa labas magshower eh."

"Gago!"

Tumawa lang ito.

"Ikaw nauna. Pero seriously speaking, huwag muna natin sila sundan agad, baby. Kahit sa isang taon muna, gusto ko pang bumawi sa kambal natin."

Time fly so fast. Isang taon na simula ng makilala ni Aziel ang mga bata at isang taon nadin siyang parang asong nakabuntot sakin. True to his word, araw-araw niya akong inaassure kung gaano niya ako kamahal to the point na halos makalimutan ko na minsan sa isang punto ng buhay namin, namamalimos ako ng atensiyon at pagmamahal sa kanya. This love is really worth a second chance.

On the first year of his courting, sinagot ko si Aziel at akala niya ata ay sa kasal ang sagot kong 'Oo' eh dahil pagkatapos ko siyang sagutin ay kumuha siya agad ng wedding coordinator para mag-aayos ng kasal namin. Hindi na ako tumutol dahil gusto ko na din namang magpakasal. We're not getting any younger.

Naayos na ang pamilya namin ni Aziel but the weird thing is hindi padin ako makapinta. Akala ko noong una kapag napatawad at nagsimulang muli na kami ni Aziel ay makakabalik na ako sa pagpipinta pero hindi iyon nangyari.

Ang kailangan pala is total forgiveness around me.

I reached out to my father, nilabas ko lahat ng hinanakit ko simula pagkabata, we said sorry sa mga pagkukulang ng bawat isa. Naging maayos din ang relasyon ni Papa and I couldn't ask for more. He spoiled his two grandsons so much.

At noong kinasal ako, hinatid ako ni Papa sa altar.

"Alagaan mo ang anak ko, Aziel. Kahit tinuturing na kitang anak pag umiyak ito, ilalayo ko sila sayo." Pagbabanta ni Papa kay Aziel nang salubungin niya kami sa gitna.

Nagmano si Aziel kay Papa at ngumiti sakin ng pagkatamis-tamis.

"Pa, salamat. Aalagaan ko ang mag-iina ko."

Tinapik siya sa likod ni Papa at sabay kaming naglakad papunta sa altar kung saan naghihintay ang Pastor na magkakasal samin.

Tumingin ako sa kaliwang upuan at nandun ang tatlong itlog kasama si Isabelle at Sandro, kasama ang dalawa naming anak na nakasuot ng barong, magkakatabi ang mga anak namin.

Naputol ang pagtingin ko sa kanila nang magsalita si Aziel sa tabi ko.

"Ang ganda mo, Misis ko."

"Swerte mo nuh, ako mapapangasawa mo." Biro ko sa kanya.

Always an OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon