Chapter 25 - Aziel's Sacrifice

5.1K 89 34
                                    

Mabilis akong bumaba mula sa aking opisina nang tumawag sakin si Anya na nakita niyang magkasamang lumabas si Aziel at Mondi sa opisina ng huli.

“Nasaan ang Boss mo, Anya?”

“Lumabas po silang magkasama ni Mr. Marasigan. Dun daw po sa private lounge ng hotel.”

Tumango ako at hindi ako nagsayang ng oras at pumunta ako sa lounge.

“Wala akong pakialam kung makulong ako, pero oras na lokohin mo ulit si Keena, babawiin ko siya ng sapilitan at ilulubog kita sa putikan. Sisiguraduhin kong hindi kana aahon.” Matigas na pagbabanta ni Aziel.

“Maniwala ka man sa hindi, Marasigan, hindi ko niloloko si Keena. At hindi ko siya paiiyakin at sasaktan katulad ng ginawa mo.” Mondi said coolly but with sarcasm.

“Good. Gusto ko lang malinaw ang lahat. I have my men para bantayan ang bawat galaw mo, isang pagkakamali mo lang, malalaman ko.”

“Wala tayong dapat pag-usapan, Marasigan. Kaya kong alagaan ang asawa ko. Hindi kailangan ipaalala ng isang taong galing sa nakaraan niya, na walng ginawa kundi saktan at paiyakin siya. I’ll treat her the best because that’s what she deserves.”

“Salamat naman at nagkakaintindihan tayo, Dela Merced. Remember, I am watching you.”

Nagkamatayan silang dalawa at mula sa kinatatayuan ko, may nakita akong taong naka-full gear na itim na suit at nakabonet ang mukha. Ang lakas ng tibok ng puso ko nang makita ko itong naglabas ng baril at tinutok sa gawi nila Mondi at Aziel.

“Mondi!” Malakas kong sigaw.

Halos mawalan ako nang malay nang marinig ko ang putok ng baril. Dalawang beses.

Tumakbo ng mabilis ang taong namaril pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Gusto kong makasigurado na maayos si Aziel at Mondi.

Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ng dalawa at halos mawalan ako ng ulirat nang makita ko ang dugo sa kamay ni Mondi.

“Mondi…”

Naiiyak na nagtaas ng tingin sakin si Mondi, nanginginig ang kamay niya habang hawak si Aziel na duguan.

Dahan-dahan akong napaupo at hinawakan ko ang kamay ni Azil, hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko. Ang luha ko ay tuloy-tuloy.

“Ambulasya… Tumawag kayo ng ambulasya!!” Malakas kong sigaw habang patuloy lang ang pagtulo ng luha ko.

Parang pinipiga ang puso ko, sa takot at pag-aalala.

“Huminahon ka, Keena. Magiging maayos si Aziel.”

“Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari masama sa kanya, Mondi. Hindi ko kaya….”

Dumilat ang mata ni Aziel at pinilit na ngumit kahit na hirap na hirap.

“Bakit mo ginawa yun?”

He took the bullet that was intended for Mondi. And I will be forever indebted with him.

“Iyon ang dapat kung gawin, Keena. Hindi ko hahayaan na maging malungkot ka ulit, na umiyak ka ulit. At alam kong kapag may mangyaring masama sa asawa mo, masasaktan ka na naman. Tsaka wala naman akong purpose sa mundong ito, I can die peacefully knowing that you’re in good hands, you’re happy, and living your best life. Mahal na mahal kita, Keena.”

Ngumiti si Aziel at saka pinikit ang mata.

“Nasan na ang ambulasya!” Niyugyog ko si Aziel. “Huwag kang pumikit! Dumilat ka! Hindi mo ako iiwan! Hindi pwede!”

Pagkaraan ng limang minuto ay dumating ang mga medic at nilagay siya sa ambulasya, inudyukan na ako ni Mondi na sumama at susunod nalang siya. Kailangan niya pa daw magbigay ng statement sa mga pulis. At agad na tinakbo si Aziel sa pinakamalapit na ospital. Pinasok siya sa operating room at ako naman ay hindi mapakali sa labas ng kuwarto, palakad-lakad.

Always an OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon