Isang linggo nang walang malay si Aziel pero inassure naman kami ng Doktor na nakalagpas na siya sa critical stage. Na kay Aziel na daw kung kailan siya magigising.
Hindi matanggal ang pag-aalala at takot ko, siguro nga mawawala lang ito kapag gumising na siya, kapag nakita ko na ang kulay pulot pukyutan niyang mata.
Habang patagal nang patagal ang araw na hindi siya gumigising, tumitindi din ang guiltiness na nararamdaman ko. Natatakot ako na mamatay si Aziel na hindi man lang nakikilala ang kambal. I promised them that on the right time, kapag handa na ang Papa nila, ipapakilala ko sila. Pero paano kung mawala ang si Aziel? Paano ko ipapaliwanag sa mga anak namin?
At sa bawat araw na lumipas, lalong naging malinaw na hindi tama ang naging desisyon ko halos anim na taon na ang nakararaan. I deprived Aziel his right of being a father. Oo, sabi niya hindi pa siya handa pero sana sinabi ko parin, sana binigyan ko siya ng choice, hindi yung ako na ang nagdesisyon para sa kanya.
Hindi naman ako nagsisi na tinulungan ko si Mondi pero sana mas pinili ko na una palang ipakilala na ang mag-ama ko.
"Sabi ng doktor, kausapin kita. Bigyan ng rason para mas piliing mabuhay. Kwekwentuhan kita ng tungkol sa kambal at hindi ko na ito uulitin. Kaya kung ako sayo, gigising na ako para mas marami kang malaman tungkol sa mga anak mo." Kausap ko kay Aziel habang hawak-hawak ang kamay niya.
"Noong 5 months na sila sa tiyan ko, nagspotting ako, heavy spotting siya. Buti nalang naagapan kundi mag-eearly labor ako at malaki ang tsansa na mawawala sila satin. Sobrang takot na takot ako noon, Aziel. Hindi ko makakaya kung nawala sila sakin noon. Baka tuluyan na akong mabaliw kung pati sila mawala din sakin."
"Alam mo ba pinahirapan ako ng mga anak mo." I chuckled when I remembered my panda face that time. "Mana sayo. Lagi akong pinahihirapan."
"I was sleepless at most nights noong mag 7 months na ang tiyan ko. Laging masakit ang likod at balakang ko. Lagi ding masakit ang mga paa ko. Kapag nagpapacheck up ako, si Layla lang ang kasama ko. At lagi akong umiiyak kapag may nakikitang mag-asawa dahil sa sobrang naiinggit ako kapag nakakita ako ng isang babaeng buntis at kasama nila ang asawa o partner nila. Laging nakaalalay sa kanila, may nakakapitan sila kapag pagod at masakit na, samantalang ako nag-iisa. Walang araw na hindi ko hiniling na sana kasama kita, sana nandito ka sa tabi ko para samahan ako."
"I was in labor for 16 hours. Sobrang sakit, hindi ko maipaliwang pero iba ang sakit noong naglalabor na ako sa kambal. Akala ko mamatay na ako nun at sobrang natakot ako dahil ni hindi man lang sila umiyak noong lumabas. Grabe yung nga anak mo, Aziel. Mga supladito nung lumabas. I remembered myself na napapanic at nagtatanong kung okay lang ba sila."
"Hindi ko inalam ang gender nila. I wanted it to be surprised. Akala ko nga kambal din sila na babae but God gave me 2 knights." Tinignan ko ng masama si Aziel.
"Noong una ko silang makita sobrang sama ng loob ko. Umiyak pa ako noon kay Mondi, hindi ko makakalimutan yung pangyayari noong araw na sinilang ko ang kambal. Don't get me wrong, Azi. Mahal na mahal ko ang anak natin pero ang hindi ko matanggap, ikaw ang kamukha nila."
''Mondi! Bakit sila kamukha ng tatay nila! Ang unfair! Ang sakit sakit ng labor ko, magkasama pa kaming umiwas sa bala ng baril at kami ang magkasama ng siyam na buwan pero bakit kamukha nila tatay nila! Ibabalik ko yan sa matres ko!"
Kahit hirap na hirap ako ay lumabas ako ng new born section at pumunta sa reception.
BINABASA MO ANG
Always an Option
RomanceIMVA Filipino Series #4 Buong buhay ni Keena lagi siyang option. Laging secondary role ang kanyang ginagampanan. Pati ba naman sa lalaking mahal niya?