Noong binalita ng tatlong itlog na nagproprose na si Aziel kay Kayle, na ikakasal na sila. I have expected them to get married and build a family togther. Kaya para akong binagsakan ng bomba when my mother called me with bad news about Kayle.
May hindi man kami pinagkakaintindihan ng kambal ko, I never wished anything bad to happen to her. Gusto ko siyang makitang masaya at bumuo ng pamilya kasama si Aziel.
Late na akong umuwi isang gabi galing sa pagpipinta ng isang mural sa isang pampublikong paaralan, isa ito sa tulong ko sa komunidad na tumanggap sakin noong bago at nagsisimula palang ako. Naiwan ko ang phone ko sa bahay sa pagmamadali, laking gulat ko noong makita ko na lowbat na ito pagdating ko.
I got a 100 text messages and 50 calls from my mother. Meron ding galing kay Aziel na hindi ko inaasahan at meron ding galing sa tatlong itlog.
Bago ko pa mabasa yung mga messages, it rangs.
It's Percy.
"Keena, kanina ka pa naming tinatawagan. Nasaan ka?"
"I just got home, naiwan ko ang phone ko sa apartment.."
Nagulat ako nang hindi na si Percy ang nagsalita sa kabilang linya. Si mama na at umiiyak. Agad akong kinabahan.
"Keena, please... umuwi kana. Please, Anak."
"Ma... hindi po ba pinag-usapan na natin ito? At bakit? Anong nangyari?"
"Keena, kailangan ka namin, Anak. Ang kapatid mo." Patuloy sa pag-iyak si mama sa kabilang linya.
Nalilito at kinakabahan ako kung bakit umiiyak si Mama. Tears of Joy ba ito? Ngayon na ba ikakasal si Kayle at Aziel? O did something wrong happen?
"Ang kambal mo, Keena..."
Hindi matuloy-tuloy ni mama ang gustong sabihin dahil sa walang hintong hagulhol nito.
"Ma, huminga ka nang malalim please. Breathe slowly, then tell me what happened to Kaye?"
"Comatose siya. Comatose ang kambal mo, Keena."
"Anong comatose ang sinasabi mo, 'Ma?!"
Hindi ako naniniwala. Maayos ang kambal ko. She's okay.
Hindi na sumagot si mama dahil iyak nalang ito ng iyak, I heard Percy trying to calm Mama.
"Keens, are you still there?"
"Oo, Percy. Nandito pa ako. Hindi naman totoo na comatose si Kayle, hindi ba?" Hindi ko padin matanggap sa sarili ko.
"Are you pranking me? Kung ito ang paraan niyo para pauwiin ako, hindi ito magandang biro, Perseus!"
Percy deeply sighed on the other line.
"How I wished this is just a prank, Keens. Your parents and Aziel are devastated right now. Aziel took it hard, sinisisi niya ang sarili kase hindi niya napigilan ni Kayle."
Napalunok ako at hindi ko namalayan na umiiyak na ako.
Ang tahimik na iyak ay naging hikbi.
Percy stayed on the line. Hindi niya ako iniwan, he just stayed there to be with me.
"I know, you're strong, Keens. Masakit ito pero let's pray for the best, na maging okay din ang kambal mo."
Tumango lang ako pero patuloy padin ang agos ng luha ko.
"Wait for Jiyu and Advik, okay? Susunduin ka nila jan, kanina pa sila umalis. Within an hour nanjan na sila."
Agad akong nagligpit ng konting damit at personal necessity dahil alam kong maya-maya nandito na si Jiyu at Advik.
BINABASA MO ANG
Always an Option
RomanceIMVA Filipino Series #4 Buong buhay ni Keena lagi siyang option. Laging secondary role ang kanyang ginagampanan. Pati ba naman sa lalaking mahal niya?