Pagkatapos ng overnight kasama ang tatlong itlog at lumipad ako kinabukasan papuntang Davao dahil dun daw nagbabakasyon sina Isabelle kasama ang asawa at mga anak.
Sobrang saya ko ng unang magkita kami ni Isabelle. She's beautiful and age like a fine wine. And she was also heavily pregnant on her fourth child.
"Bubby, dahan-dahan. Si baby baka mapano at baka madapa ka." Nag-aalalang sabi ni Sandro kay Belle.
Inirapan lang ni Belle si Sandro. At nagmamadaling sinalubong ako.
"I miss you, Keens!" Sabi sabay kurot sa tagiliran ko."Peste ka. Hilig mo talagang magtago."
Natatawa ako sa nakasimangot na mukha ni Isabelle.
"Nagpaalam naman ako sa inyo ah."
"Kahit na! Tapos ngayon para kang kabute na susulpot tapos lalayas na naman."
"Sungit naman ng buntis na 'to."
Nagkamustahan kami at nagkwentuhan sa buhay ng isa't-isa.
Noong mag-aapat na taon si Sandra ay nagkaayos ang dalawa. Kinurot ko si Belle noong nalaman ko kung gaano siya kabilis bumigay. Ang rupok talaga!
"Keens naman... Wala eh... Anong gagawin ko eh sobrang mahal ko. At tsaka hindi naman karupukan yun. I was only choosing my happiness. Kung pagkakaitan ko kami ng pagkakataon, hindi lang siya ang kinunan ko ng kasiyahan. I'll be depriving myself of happiness. At bakit ko naman ipagkakait sa sarili ko na maging masaya kung abot kamay ko lang siya? Alam ko naman na hindi lahat ng tao ay deserving ng second chance pero kapag naramdaman mo na mas matimbang ang pagmamahal kontra sa sakit, piliin mo ang magpatawad at magbigay ng isa pang pagkakataon. Kung hindi naman talaga magwork at least you don't have what ifs."
"I am happy that you got your own happy ending, Belle. I can see you glowing with happiness."
"Happiness talaga unli dilig eh."
"Isabelle! Ang halay mo!" Namumula kong saway.
"Luh. Huwag mong sabihing tigang ka ng anim na taon?"
"May asawa na ako baliw." Defensive kong sabi.
"Hindi ako naniniwala. Feeling ko virgin kana ulit." Sabi nito humalakhak.
"Tseee! Huwag mo akong asarin! Problemahin mo nalang nga kung bakit wala kang kamukha sa mga anak mo?"
Sumimangot ulit si Isabelle.
"Huwag mo na nga ipaalala sakin! Nabwubwusit na ako sa pagmumukha ni Sandro. Si Sandra girl version niya, si Ali naman kuhang-kuha niya. Pag ito." Turo ni Isabelle ang umbok ng tiyan niya. "Kamukha pa niya, palalayasin ko na siya."
"Kunwari ka pa, Bubby. Tuwang-tuwa ka nga na kamukha ko mga anak natin, ang gwapo at ang ganda nila." Singit ni Sandro at nilapag ang turon at nachos sa harap namin.
"Sinasabi mo bang panget sila kung ako ang kamukha?"
Tinaas ni Sandro ang kamay, tanda ng pagsuko.
"Wala akong sinasabi, Bubby. Ikaw ang nagsabi niyan."
Pikon na pikon si Belle pero kitang-kita mo ang kasiyahan sa mukha at mga mata niya. And I am so glad na naging maayos sila sa kabila ng masakit na nakaraan.
BINABASA MO ANG
Always an Option
Roman d'amourIMVA Filipino Series #4 Buong buhay ni Keena lagi siyang option. Laging secondary role ang kanyang ginagampanan. Pati ba naman sa lalaking mahal niya?
