It's been a year since I left home.
Pero tama bang tawagin ko pang tahanan iyon? It never welcomes me. Sa tahanan iyon, ni hindi ka pinapakinggan, ni takot kang magkamali. My mother is the only warm there. She's strict on my grades because she wants the best for me but she listens.
Minsan hindi naman talaga kailangan ng isang tao ng mga salita, ang kailangan nila ay taong makikinig sa kanila.
I struggled in Davao City on the first month. Wala kase akong kilala kahit sino at konti lang din ang savings ko. May allowance ako galing kay Mama pero hindi ko ito ginagalaw. I'll be fully independent this time, I'll only rely on my own. Walang mama, walang tatlong itlog. Because if I only allowed, I'll be living like a princess here in Davao.
Hindi ko pinutol ang komunikasyon ni Mama pero hindi naman kami matagal magkausap, kinakamusta niya lang ako at ganun din ako sa kanya. I never said that I don't want to hear any news regarding Kayle and Aziel pero siguro nga mother knows best. Minsan kinukwentuhan lang ako ni mama ng mga epic fail na moments sa coffee shop. Maging balita din kay Papa walang nababanggit si Mama. Minsan sa isang tawag namin ni Mama at narinig ko sa kabilang linya si Papa.
"Si Keena ba yan?"
"Sabihin mo tigilan na niya ang pag-iinarte at umuwi siya dito."
Masakit.
Pero sanay na naman ako.
Siguro sa pamilya, hindi maiiwasan ang mga favorites. And ours had their favorites. Si Papa paborito niya si Kayle at siguro ako ang paborito ni Mama.
I off my phone noong nangyari yun at ilang linggo din kaming hindi nakapag-usap ni Mama. I ignore my mother's messages that time pero naalarma ako nang magmessage siya.
"Keena Amaris Alvarez, answer your phone or I'll be coming there."
When my mother called me on my full name, I know that's a warning so later that night, I called my mother.
"Ma..."
"Keena, pumayag akong lumayo ka pero don't cut me off. Nag-aalala ako, Anak." Malambing na sabi ni Mama at nakonsensya naman ako.
"At sorry, Anak. Alam kong narinig mo iyong sinabi ng Papa mo."
"Ma, stop saying sorry for Papa. Hindi naman ikaw yung nakasakit. Why would you feel sorry when he felt no remorse at all."
"Keena..."
"Ma, please. Let's not talk about this."
We changed the topic and talked about what happened the past days we didn't talk.
Another good thing happened to me in Davao is meeting Isabelle and her beatutiful daughter, Sandra. She has a tragic love and life story but she's a tough woman. She advices me and motivates me. Grabe! Napaka wonder woman ng babaeng ito, hindi Darna ata 'to, nilunok yung bato ni Ding. Imagine mo, nagkacancer, niloko ng asawa at muntik pang mamatay sa panganganak. She's been through hell!
Inalalayan ako ni Isabelle noong unang salta ko sa Davao. Nakikita niya daw ako sa dati niyang sarili na parang pusang ligaw sa Davao. Nagrerenta ako sa tabi ng bahay nila at minsan pag free time ko, andun ako tumutulong sa restaurant niya at gumawa-gawa ng special coffee.
Nagtrabaho ako sa isang maliit na advertising company pero sobrang baba ng pasahod kaya pinasok ko yung freelancing. Remember my secret account? I post my drawings and painting dun, kinkontak naman ako ng mga kliyente kung gusto nila ng designs para sa mga books, bahay at mga damit. Mahirap noong simula kase hindi ko alam paano ko imanage pero Isabelle help me with time management at inadvisan ako na kumuha lang ng kaya ko.
BINABASA MO ANG
Always an Option
RomanceIMVA Filipino Series #4 Buong buhay ni Keena lagi siyang option. Laging secondary role ang kanyang ginagampanan. Pati ba naman sa lalaking mahal niya?
