Chapter 18 - Against All Odds

3K 57 20
                                        

Matagal kong hinintay na maging akin si Aziel. Pero noong naging kami, sobrang hirap ng lahat. Lahat ng taong nakapaligid sa amin ay tutol. It was another love story, an against all odds stories.

Ang tatlong itlog ay hindi naging masaya pero sa huli ay sinuportahan nila kami. They are very cautions for me to get hurt at maulit yung nangyari sakin sa Davao where I was almost raped. At siguro dahil kilala nila si Aziel. Kinausap nila ako na hiwalayan muna si Aziel, let him heal 100% percent before we get into a relationship.

“Keena, ang ayaw lang namin ay masaktan ka. Ang tao ay dapat pumasok sa relasyon kung handa na sila pareho. Paano magiging maayos ang relasyon niyo kung simula palang hindi ka mahal ni Aziel? Hindi pa niya pa tapos mahalin ang kakambal mo. It’s just a matter of time and you’ll hurt each other at ayaw namin yun.” Mahabang paliwanag ni Advik.

“At kilala mo si Aziel, his trauma took years to be healed.” Nag-aalalang dagdag ni Percy.

“Percy… Advik.. I've waited for this, for many years. Handa akong sumugal at tanggap ko kung ano lang ang kayang ibigay ni Aziel. I won’t ask for more.”

“Do you really think after months.. and years? Magiging kuntento ka pa sa ganyan? Na okay lang  na magstay ka sa tabi niya kahit hindi ka pa niya magmahal?” Sabi ni Jiyu.

Napayuko ako.

“Ano man ang kalabasan nito, tanggap ko. Kung swerte ako, baka isang taon matutunan niya na akong mahalin. Kung lumipas man ang tatlo, apat o lima, at hindi niya ako kayang mahalin, tatanggapin ko kahit masakit. Ang gusto ko lang subukan.. Gusto kong sumugal samin lalo na at handa din namang sumugal si Azi.”

Napabungtonghinga nalang si Jiyu at Percy samantalang napapailing nalang si Advik habang nakatingin sakin.

“Mukhang desisdido naman kayong dalawa, ano pa ba ang magagawa namin? I know you’re a big girl at kaya mo ihandle ang sarili mo.” Pinilit ngumiti ni Jiyu.

“Let’s just pray na maging okay ang lahat. Please huwag sana kami ang magsabi ng ‘I told you so’.” Sabi ni Advik.

Ngumiti ako sa kanilang tatlo, “Isa lang ang gusto ko, sad ulo nito ang gusto ko lang sabihin ay ‘We made it’ and ‘I do’.”

“Ah basta, sabihin mo nalang sakin kung bubugbugin ko na si Aziel. Ilalabas ko ang pagiging demi-god ko.”

Natatawa kong hinampas si Perseus.

“Feeling anak ni Poseidon.” Asar ko sa kanya.

Maswerte ako dahil agad kong nakuha ang suporta ng tatlong itlog. Ang huli nilang sinabi sa isa’t-isa na parang hindi ko naririnig. “Hayaan mo na. Matigas ang ulo niyan. Iakyat nalang natin sa Mt. Apo kapag na brokenhearted.”

Mga baliw talaga.

Hindi lang ang tatlong itlog ang tutol noong una, maging si Isabelle din. Noong nagpaalam ako na babalik sa Manila kasama si Aziel at nagpigil talaga siyang sabunutan ako. Hinila pa ako palayo kay Aziel para pagsabihan.

“Hoy, Keena Amaris Alvarez! Anong kalokohan ‘to?” Nakapameywang na tanong ni Isabelle nang makalayo kami kay Azi. “Noong isang linggo, single at ready to mingle ka, nag-eemote ka pa remember? Umattend ng party tapos ngayon makikipagtanan kana.” Pinandilatan ako ni Isabelle.

Tumawa ako.

“We decided to be in relationship last week and thought of a good set up. Hindi naman kami magtatanan.”

“Akala ko ba mahal niya pa ang kambal mo? Ano yung magic? Noong isang buwan mahal pa niya ang kapatid mo tapos ngayon jowa ka na niya? Wow? Instant?” Diretsahan at sarkastikong sabi ni Belle.

Always an OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon