CHAPTER 14

718 16 0
                                    

(FADZ POV)

         Hindi ko namalayan kanina na nakatulog ako sa pagod mula sa mainit na sagupaan namin ni Sam. Kaya't madaling araw na ako nakauwi mga bandang alas kwatro ng madaling araw. Ayaw sana akong pauwiin ni Sam gusto n'ya doon na ako matutulog hanggang sumikat ang araw weekend kasi ngayon. Nangako akong pagbalik ko magdedate kami sa labas. Embis na malungkot ito ay ngumiti ito ng malapad at exited base sa reaction ng kanyang mukha.

Nang buksan ko ang pinto sa condo at pumasok saka sinarhan ay bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog si Lovely sa couch.

"Bakit dito siya natutulog bobo ba siya sinabi ko kanina huwag na akong hintayin pero heto siya hinintay na naman ako haissst!, Naiirita na naman ako sa babaeng ito tigasin talaga ang ulo. Bahala siya dito aakyat na ako sa taas." Bago paman ako makahakbang patalikod ay gumalaw ito at hindi sinadyang nakataas ang laylayan ng kanyang damit pataas. Bigla tuloy uminit ang mga batok ko. Tiyan lang naman nakikita ko at pusod pero bakit ganito? Kumbaga immune na ako sa mga ganito sa dami pa naman ng mga naging babae ko ni kahit kaylan hindi ako basta-basta umiinit sa lintik na pusod at tiyan lang naman nakikita ko ngayon heto ako umiinit ang batok.

Ang weird sa kanya ko lang 'to nararamdaman ang ganito. Nalunok ko tuloy yung laway ko damn it this woman! Agad ko binaba ang laylayan ng kanyang damit at nakatitig sa kanyang maamong mukha. Hindi ko maiwasan mapatitig sa kanyang manipis at mapulang labi na nakaawang. kahit hindi naman ito nakalipstick ay natural lamang ito na mapula.

'Shittt sarap naman nitong halikan' mapang-akit kasi in short naaakit akong halikan siya muli damn! What happen to me? labi lang yan fadz may labi din naman si Sam pero hindi ako naakit sa mga labi n'ya kundi kay Lovely ko lang ito nararamdaman. Parang hindi ako makatiis shittt control self. Pinakalma ko ang aking sarili. Huwag kang magtake-advantage sa kanya Fadz tulog asawa mo bad mo talaga. Napapangiti ako ng 'di malaman ang dahilan.

Patuloy ko parin siyang hinagod tingin sa may mukha n'ya at may mahaba pala siyang pilik mata at maitim ang kanyang kilay na makapal. Magkapareha lang kami ng ilong. Napapangiti naman ako ulit pansin ko panay ngiti ako ngayon.
Bumuntong hininga na lang ako at binuhat s'ya agad papunta sa kanyang kwarto at nilapag doon saka kinumotan at agad na nilisan ang kanyang silid. Baka hindi ko macontrol sarili ko dito kaya agad ko sinara ang pinto at dali-daling umakyat sa hagdan papunta sa aking silid tulogan. Pagkapasok ay agad akong nagshower sa banyo para maibsan ang mainit na nararamdaman ko ngayon. Isang oras akong nagbabad sa shower ang hirap pawiin ng init bullshitt 'what have you done to me lovely?!'

(LOVELY POV)

Pagmulat ng aking mga mata sa umaga hindi muna ako bumangon bagkus nakatingala lang ako sa kisame nang may bigla akong maalala. Palinga-linga ako sa buong sulok.

"Wait...diba sa couch ako naghihintay kay fadz kagabi at buong magdamag ko siya hinintay kagabi hanggang sa 'di ko namalayan nakatulog na pala ako at paano ako napunta dito aking silid?". Bigla akong umupo at nag-iisip.

"How come? Hindi naman siguro ako nag sleeping walk?". Tumayo ako mula sa aking kama at humarap sa salamin.

"Ang weird paano ako napunta sa aking kama? Nakauwi na kaya si Fadz?" . Dali-dali akong tumungo sa banyo upang magsepilyo at maghilamos. Pagkatapos magpunas ng tuyong bimpo sa aking mukha ay nagsuklay ako at tinali ang buhok pagkatapos ay lumabas papuntang kusina. Bago paman ako magsimula magsaing ay tiningala ko sa taas ang kwarto ni Fadz. Saka nagsimulang maghanda ng almusal.

(FADZ POV)

Nagising ako ng tumunog ang aking cellphone. Si Sam pala tumatawag ang aga naman masarap pa matulog. "Hello Beb wake up! I'm ready and i'm so excited!" Nakatili nitong pasabi sa kabilang linya.

"Beb ang aga mo naman eh pwede mamaya ng mga tanghali inaantok pa kasi ako beb." Tinatamad kong sabi dito. Inaantok pa talaga ako eh sa napagod ako kagabi.

"Come on beb! You promise me right na eh date mo ako ngayon? Have you forgot of what you've promise me?" Naiirita nitong paalala. Kahit hindi ko ito nakikita ngayon ay tiyak na nakataas na ang kaliwang kilay nito.

"Hindi ko nakalimutan beb pero fine just wait me there okay! I'll be there in 20minutes."

"Thank you beb the best ka talaga!" Nasisiyahan sagot nito. Pinasok mo 'to Fadz kaya dapat gawin mo yung rule as a perfect boyfriend for her. Dali-dali akong naligo nagsabon, nagshampoo at agad nagbanlaw. Mabilis pa sa alas kwatro ako nakapagbihis at agad na bumaba sa sala. Bago paman ako makatapak sa sala ay siya ding kinabigla ko ng si Sam ay nasa Sala nakaupo sa couch habang hawak ang cellphone nito.

"7 MONTHS, I'VE NEVER BEEN MARRIED"  (SPG)Where stories live. Discover now